Ang bilis ng paglipas ng araw. Maganda ang gising ko ngayon dahil graduation na. Mas masaya pa yata ako ngayon kaysa sa mga gagraduate. May gift kasi ako na ginawa para kay Adrian. Pinaglaanan ko talaga yun ng time, money and effort. Isa syang scrap book kung saan nakalagay lahat ng masasayang memories namin kaya excited akong ibigay ito sa kanya bilang graduation gift.
Hindi pa nagsisimula ang program ay andito na ko sa school para panuorin ang Graduation Ceremony. Wala akong kasamang nagpunta dito. Hindi kasi nagpunta ang tatlo kong kaibigan dahil mabobored lang daw sila.
Hinanap ko agad si Adrian pero hindi ko sya mahanap. Nagtanong na ako sa mga kaklase niya, mga dating kasamahang officers, kahit sa mga bagong officers pero walang nakakita sa kanya. Bigla akong kinabahan dahil sa mga negative thoughts na pumasok sa isip ko pero binaliwala ko muna ito.
Habang nagpalakad lakad ako upang mahanap si Adrian, may biglang tumawag sa'kin.
"Keisha!" Nilingon ko kung sino ang tumawag at nakita ko si Diego.
"Oh Diego, ahh nakita mo ba si Adrian?" Tanong ko.
"Yan sana ang itatanong ko sa'yo eh." Sabi ni Diego. "Sinugod kasi ang daddy nya kahapon sa ospital tapos pagkatapos nun ay bigla na syang nawala. Naisip ko na baka nagpunta sya sa'yo." Patuloy nya.
"Ha? Hindi pa kami nagkikita simula kahapon. Teka, bakit daw sinugod sa ospital si tito?" Nag-aalala kong tanong.
"Inatake daw sa puso si tito." Sagot ni Diego.
"Jusko! P-pwede mo ba kong samahan sa ospital Diego?" Sabi ko. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari. Nag-aalala rin ako para sa mommy ni Adrian. Napakabuti kasi nilang tao. At saka, bakit nawawala si Adrian?
Sinamahan nga ako ni Diego sa ospital. Pagkarating namin dito ay wala pa rin si Adrian. Ang mommy lang nya ang nandito nakaupo kaya nilapitan ko ito.
"Hello po tita, okay lang po ba kayo?" Nag-aalala kong tanong. Tinignan lang ako ng mommy ni Adrian at bigla siyang tumayo.
"Can I talk to you for a while, iha?" Seryosong sabi ng mommy ni Adrian.
"Opo naman tita." Sagot ko at sumunod sa kanya. Nagpunta kami sa mukhang canteen ng ospital at umupo kami doon. Isang malaking katahimikan bago nagsalita ang mommy ni Adrian.
"You know that we want you for our son, right?" Simula ng mommy ni Adrian. Hindi ako sumagot at tinignan lang ang malungkot nyang mukha. Halata ang pag-aalala nya sa kanyang asawa.
"But we don't want that our dream for our son would be ruined just because of someone." Patuloy nya. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ng mommy ni Adrian pero kumirot bigla ang puso ko.
"I'm sorry tita pero hindi ko po kayo masyadong naiintindihan?" Naguguluhan kong tanong pero nangingilid na ang luha sa aking mga mata.
"His dad wants him to go to Canada pero nagmatigas si Adrian. Umabot sila sa isang malaking away kaya inatake sa puso ang dad nya." Tumulo ang luha ng mommy ni Adrian pagkatapos nya itong sabihin pero agad nya rin itong pinunasan.
"We want you for our son, you know that right? But can you let him go for now? It's his dad's dream and his dream. Sana maintindihan mo ang gusto kong sabihin. I'm sorry." Yun ang huling sinabi ng mommy ni Adrian dahil hindi na ako makaimik.
Masyadong naguluhan ang isip ko. Tumayo na ang mommy ni Adrian at hinawakan ang kamay ko bago umalis at iniwan akong nakatunganga.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Ako ba ang dahilan kung bakit na ospital si tito? Masyado ba kong naging selfish pagdating kay Adrian? Sinisira ko ba ang pangarap niya at ng parents nya para sa kanya? Minahal ko lang naman si Adrian di ba? Masama ba yun? Kasalanan ba yun?
And, where is Adrian??
Tinignan ko ang scrap book na ginawa ko para kay Adrian. Nakalagay sa front cover nito ang picture naming dalawa noong sinurprisa nya ko sa harap ng mga estudyante at sinagot ko sya ng oo. Napakamagical ng picture kaya pumikit ako at humiling na sana panaginip lang ang lahat ng nangyari ngayong araw na ito dahil kung hindi baka hindi ko na to mabigay pa sa kanya.
----
Ayan na! Asan kaya si Adrian? Ilabas nyo si Adrian! charoot 😂 Love you readers 😘 Please vote and comment 🙏
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...