Part 23

451 17 0
                                    

"Ms. Flores? Ms. Flores, are you okay?" Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Adrian. Hindi lang kasi ako makapaniwala na nakita ko ulit sya ngayon.

"Ah yes, I'm okay." Sabi ko.

"I said please take your seat. You're here for an interview right? Not just to stand there for the whole time." Seryosong sabi ni Adrian.

"I'm sorry." Sabi ko at umupo. Bakit ganito kung umasta si Adrian? Hindi ba sya nakaramdam ng kung ano sa muli naming pagkikita? Bakit parang ako lang ang apektado?

"Okay, let's start. Are you ready?" Sabi nya pagkaupo ko at umupo rin sya ng maayos.

"Y-yes." Kinakabahan kong sabi. Nadidistract ako sa mukha ni Adrian. I missed him.

"Are you nervous, Ms. Flores?" Tanong nya. Umupo ako ng maayos dahil sa sinabi nya. Kailangan ko ang trabahong to. Malaking opportunity ito para sa career ko. Pero kaya ko kayang magtrabaho sa kanya? Bahala na!

"No sir. I'm fine." Sabi ko at confident na tinignan si Adrian.

Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko.

"Okay, then. So why do you want to work in one of our restaurant?" Tanong nya.

"Because according to my research, your restaurants are famous worldwide. So if I would be given a chance to work with your company, it would become an honor for me to share my skills." Sagot ko.

"Are you confident to work with us?" -Adrian

"Of course, Mr. President." -ako

Medyo kumunot ang noo nya pagkasabi ko ng Mr. President. Mali ba?

"I mean sir." Pagtatama ko. Napatikhim naman si Adrian. I used to call him Mr. President before pero mukhang iba na ngayon. Maybe he's not already the Adrian that I also used to love before.

Andaming tinanong ni Adrian 'about my expectation to their company and what could they expect from me' at sinagot ko lang ito nang sinagot.

We are acting as strangers right now. The typical scenario of an interviewer asking questions to the applicant.

"Okay, so are you still single?" Bigla nyang tanong na ikinagulat ko. May ganoon bang tanong sa isang normal na interview?

"Y-yes, sir." Sagot ko na hindi makatingin sa kanya. I don't know why, but I think it was an awkward question or baka masyado lang ako oa kasi affected pa rin ako?

"Then are you available?" Tanong ulit nya. This time napatingin na ako sa kanya ng deritso at nanlaki ang mga mata.

Available? Bakit kailangan nya magtanong ng ganito? Gusto niya bang makipagbalikan agad? Akala ko ba nakalimutan niya na ako? He's acting strange just earlier as if he doesn't remember me.

"A-available??" Naghaharumentado ang puso kong tanong.

"P-parang ang bilis naman yata." Mahina kong sabi.

Hindi ko talaga mabasa itong iniisip ni Adrian ngayon.

"Excuse me?" Nagtatakang tanong ni Adrian.

"Ngayon lang kasi ulit tayo nagkita." Nahihiya kong sabi.

"What?" Biglang kumunot ang noo niya.

"I mean, are you available tomorrow for your first training at our kitchen?" Dagdag nya dahilan para masamid ako ng sarili kong laway kaya napaubo ako ng malakas.

"Are you okay?" Tanong ni Adrian kaya umuubo akong tumango sa kanya.

Teka! Ano ba yung iniisip ko kanina? Baliw ka talaga Keisha.

Feeling ko ang pula na ng mukha ko sa sobrang hiya. Gusto kong mag-invisible. Sana lunukin ako ng sofang inuupuan ko ngayon.

"So again, are you available tomorrow?" Tanong nya ulit ng makahinga na ako.

"Ah oo, ah no, ah I mean yes sir." Naguguluhan kong sagot habang iniiwasan ang mga seryoso niyang tingin. Ano ba Adrian! Hindi mo ba napapansin na nag-uumapaw na yung nararamdaman kong hiya ngayon?

"Good, then my secretary will talk to you regarding the time and place of your training. You can go now." Agad akong tumayo, nagpasalamat at kumaripas ng takbo pagkasabi ni Adrian ng you can go now!

Jusko! Akala ko mamatay na ako doon sa loob. Halos nakalimutan ko yatang huminga.

Pero teka! Ibig sabihin nun, tanggap na ako di ba? Ano ba to, dapat natutuwa ako pero nangingibabaw ang hiya ko ngayon huhu.

Pinaypayan ko ang aking sarili habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Pagkabukas nito, bumungad sa akin ang mukha ng mommy ni Adrian. Medyo nagulat ako nang makita sya. Naalala ko ang huli naming pagkikita. It was five years ago pero fresh pa rin sa utak ko ang mga sinabi nya. Tinignan nya ako kaya wala akong nagawa.

"Hello po." Binati ko ang mommy ni Adrian. She's also one of the owner of this company kaya that was just a sign of respect.

I'm not sure if she still remembers me pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

----

Please vote and comment 😘

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon