Part 29

464 19 3
                                    

Napanatag ang loob ko nang malamang okay lang si baby Kaizen. Inatake daw sya sandali dahil nasobrahan sa paglalaro. Mabuti na lang daw at nadala sya kaagad sa ospital. Mayroon kasi syang sakit sa puso na daladala nya simula noong ipinanganak sya.

"Are you okay, baby?" Tanong ko kay baby Kaizen.

"Baby Kaizen is okay mommy. Baby Kaizen is sick but baby Kaizen is okay because mommy and daddy is here." Nakangiting sabi ni Baby Kaizen kahit medyo hinihingal sya sa pagsasalita. Naiiyak ako habang pinapakinggan syang nagsasalita.

"Don't worry baby Kaizen, okay? Mommy and Daddy will not leave baby Kaizen." Sabi naman ni Marco.

"Promise?" Tanong ni Kaizen.

"Yes, We promise." Sagot ko at nilapitan si Baby Kaizen para yakapin. I really love this child.

Kailangan muna daw i check ulit ng doctor ang kondisyon ni Kaizen kaya lumabas muna kami ni Marco para magpahangin. Pumunta kami ni Marco sa isang park malapit sa ospital at bumili ng malamig na inumin.

"Kawawa naman si Baby Kaizen. Ang bata pa nya para magkaroon ng ganung klaseng sakit." Nalulungkot kong sabi.

"Gagaling din sya. Magdasal lang tayo." Nakangiting sabi naman ni Marco para palakasin ang loob ko.

"Ang saya ko simula noong nakilala natin sya. Parang naranasan na rin natin maging isang magulang. Ang lapit na ng loob ko sa kanya. Kaya mukhang hindi ko kakayanin kapag nawala sya." Naiiyak kong sabi. Lumapit naman si Marco sa akin at niyakap ako.

"Don't worry. Baby Kaizen will be okay. Trust me." Sabi ni Marco habang hinahaplos ang likod ko.

"Keisha!" Biglang tawag ng isang lalaki. Kaya tinanggal ni Marco ang pagkakayakap nya sa akin at tinignan namin kung sino ang tumawag.

"Adrian? What are you doing here?" Tanong ko kay Adrian na biglang sumulpot sa likod namin.

"I also want to ask you that! What are the both of you doing here? And who was that child in the hospital earlier? Bakit Mommy at Daddy ang tawag nya sa inyo?" Galit na tanong ni Adrian.

Anong ginagawa niya dito? At bakit niya tinatanong ang tungkol kay Baby Kaizen?

"Sinusundan mo ba ko?" Galit ko ring tanong.

"Just answer me, Keisha!" Sigaw naman nya.

"Tumigil ka nga Adrian! Bakit ka ba sumisigaw?" Sabi ko.

"Is he your child? At sino ang ama? Ang g*gong to?" Galit na galit na tanong ni Adrian at kinwelyuhan si Marco. Susuntukin nya na sana ito kaso pinigilan ko sya.

"Ano ba Adrian! Wag kang gumawa ng gulo dito!" Pagpigil ko at tinanggal ang kamay nya na nakahawak kay Marco.

Binitiwan nya naman ito at tinulak si Marco. Agad kong nilapitan si Marco.

"Marco, are you okay?" Nag-aalala kong tanong kay Marco na walang kalaban laban.

Napatawa naman si Adrian sa ginawa ko. Yung tawa na galit.

"Kaya mo ba ko nilayuan noon, Keisha? Kaya ba gusto mo akong umalis? Yang lalaki ba na yan ang dahilan? Siguro kaya nagkaganun ang anak nyo ay dahil sa pagtataksil mo sa'kin!" Biglang sabi ni Adrian. Agad ko naman syang nilapitan at sinampal ng pagkalakas lakas.

"Tumigil ka Adrian. Hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo!" Galit na sigaw ko kay Adrian. Napapaiyak na ako sa sobrang galit. Paano nya yun nasasabi?

"Malinaw na sa akin ngayon ang lahat. Kung ganun, wala na akong magagawa. Nagkamali ako, akala ko may babalikan pa ako dito sa Pilipinas." Sabi ni Adrian at naglakad paalis. Bumuhos bigla ang luha ko at napaupo sa lupa.

Nilapitan ako ni Marco at itinayo.

"Don't cry! I'll talk to him." Sabi ni Marco kaya tinignan ko sya.

"Muntik ka na nyang suntukin kanina. Hindi sya makikinig sa'yo." Sabi ko naman.

"Ipapaliwanag ko sa kanya. Para hindi ka na umiyak. I don't want to see you crying. Bahala na kung ako ang masaktan, wag lang ikaw." Sabi ni Marco at niyakap ako. Kung wala si Marco sa tabi ko, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin. He's my saviour. Siya ang nagpalakas ng loob ko noong maghiwalay kami ni Adrian. Ang dami kong dapat ipasalamat sa kanya at andami ko ring dapat na ihingi ng tawad dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na binibigay nya sa'kin.

----
Please vote and comment ❤

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon