"Chef Keisha, may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi sa'kin ng isang waitress.
Sino naman ang maghahanap sa'kin?
"Ikaw na muna bahala dyan, Flora ah. May pupuntahan lang ako saglit." Bilin ko kay Flora at tinanggal sandali ang Chef uniform ko.
Maraming costumers ngayon kaya medyo busy kami.
"Hinihintay ka po ni Sir sa table na yun, Chef." Sabi ng waitress na tumawag sa'kin kanina at tinuro ang isang lalaking nakashades at nakasout ng black shirt with long sleeves na tinupi hanggang siko. Nakaupo sya isa sa mga table habang pinagtitinginan ng mga costumers. Walang iba kundi si Adrian.
Naglalakad ako palapit kay Adrian nang marining ko ang mga sinasabi ng ibang costumers.
"Hey! Artista ba yan?" Sabi ng isang babae habang sumusulyap kay Adrian.
"Ewan ko pero parang artista ang dating. Bakit kaya siya nandito?" Sabi naman ng kasama nya.
Hay naku! Napairap nalang ako sa pinagsasabi nila. Bakit naman kasi kung makaporma tong si Adrian, akala mo artista!
Nang makalapit ako kay Adrian ay pinandilatan ko sya ng mata.
"You're here." Nakangiti nyang sabi na nagpatili sa mga babae.
"Ang ngiti nya bes, nakakahimatay." Sabi ulit ng babae.
"Akin ka na lang kuya." Sabi naman ng isa pa nyang kasama at humagikhik. Seriously? Nakakairita. Tinignan ko naman si Adrian ng masama at kumuha ng isang tissue sa table at tinakip sa mukha niya.
"Hey, what are you doing?" Tinanggal ni Adrian ang tissue na nilagay ko sa mukha nya at kunot noo akong tinignan.
"Pwede ba, kung pupunta ka dito, mag T-shirt ka lang. Masyado kang papoge eh." Naiinis kong sabi sa kanya.
Tumayo naman si Adrian at nagtataka akong tinignan.
"What's the problem, Keisha?" Tanong nya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Omg! Girlfriend?" Tanong ng babae kanina sa kasama nya.
"Ayy anubayan! Uwi nalang tayo, may nanalo na eh." Sagot ng kasama nya kaya napatingin na talaga ako sa kanila. Nahalata naman ni Adrian ang pagtingin ko sa kanila at mukhang narinig ang bulungan nila kanina. Tinignan rin sila ni Adrian at nakita ko ang pagalaw ng kanyang labi.
Humarap sya sa mga babaeng nagbulungan at inakbayan ako. Nilakihan muna nya ang kanyang ngiti bago nagsalita.
"Actually, she's my wife." Sabi ni Adrian at mabilis akong hinalikan.
Nagulat naman ako sa ginawa nya. Anong ginawaga ng lalaking to? Hindi nya ba nakikita na ang daming costumers ngayon? Tinignan ko ang mga costumers sa loob ng restaurant at halos nakatingin lahat sa amin. Buti na lang tinanggal ko kanina ang Chef uniform ko.
"Mommy, Daddy, I saw them kissing." Sabi ng isang bata sabay turo sa direksyon namin.
"Ang sweet naman nila. Kiss mo rin ako babe." Sabi rin ng isang babae sa boyfriend nya.
"What are you doing, Adrian? Baka matanggal ako sa trabaho sa ginagawa mo!" Naiinis kong bulong sa kanya.
"That's impossible. I'm the owner of this restaurant. Remember?" Nakangiti nyang sabi at pinaupo ako sa upuan. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil feeling ko nag-iinit ang mukha ko. Lagot ka talaga sa'kin mamaya Adrian!
"Relax Keisha." Sabi nya at tumawa ng mapanukso.
"Let's talk later. Pasalamat ka busy ako ngayon pero lagot ka sa'kin mamaya." Sabi ko at tumayo na. Bakit naman kasi dumadalaw tong si Adrian sa oras ng trabaho?
"Okay, I love you!" Sabi nya at kinindatan ako. Ugh! Namumula na naman ulit ang mukha ko.
"Ewan ko sa'yo, Adrian! Dyan ka na nga." Sabi ko at naglakad ng mabilis pabalik ng Kitchen. Gosh! Ang init ng mukha ko.
Naging busy kami sa kusina kaya nagpasalamat ako nang matapos na ang shift ko. Nakakapagod rin kasi kapag andaming costumers.
Pagkatapos ng shift ko, niligpit ko agad ang mga gamit ko sa locker. Chineck ko ang cellphone ko at nagulat ako sa dami ng missed calls. Galing sa bahay ampunan. May dalawang messages naman kaya agad ko itong binasa.
From: Lourdes Home
Miss Keisha, pakisagot po ng tawag.
***
Miss, si Kaizen po sinugod ulit sa ospital. Hindi pa po sya gumigising simula kanina.
***Halos mabitawan ko ang aking cellphone matapos basahin ang mensahe kaya agad akong umalis at nagpunta ng ospital.
Diyos ko! Sana okay lang si Baby Kaizen. Sana walang masamang mangyari sa kanya.
----
Oh no! Please vote if you like this chapter. Thank you!
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...