Part 3

778 32 0
                                    

Pagkatapos ng klase, diretso na ako sa SSG Office, dala-dala ang inis at sama ng loob kay Mr. Fake President, a.k.a. Adrian Ortiz. Kakaibang lakas ng loob ang kailangan ko para pumunta doon, pero hindi ko papakitaan ng kahinaan ang taong 'yun. Kaya't heto na nga, lumakad ako papunta sa opisina nila.

Pagdating ko sa pinto, hindi na ako nag-abala pang kumatok. Agad ko itong binuksan at sa bugso ng damdamin ay bumulyaw na ako, “Ang kapal talaga ng mukha mong utusan ako na pumun--” Ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko. Nagulat ako, natigilan, at agad-agad na sinara ang pinto. Hindi ko inasahan na nag-memeeting pala sila sa loob! Akala ko kasi si Adrian lang ang nandoon. Seryoso? Nagawa ko 'yun? Nakupo!

Napaupo ako sa sementadong upuan sa labas ng opisina at tinakpan ang mukha ko. Siguradong namumula na ito sa sobrang hiya. Kung pwede nga lang sana akong mag-disapparate gaya ng sa Harry Potter, ginawa ko na. Planado na sana ang pagtakas ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Keisha," tawag ni Marco, ang representative ng department namin. Close kami ni Marco, kaya kahit papaano, nabawasan ang pagka-conscious ko.

"Oh, Marco," sagot ko, nakangiti kahit may halo pang hiya.

"Pumasok ka na raw sa loob, sabi ni President. Tapos na rin ang meeting namin," sabi niya habang umaalis na rin ang ibang officers.

“Ah, sige,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pumasok na ako sa loob, at natagpuan kong tatlo na lang silang natitira, kasama si Marco.

"Sit down," utos ni Adrian pagkapasok ko. Umupo naman ako agad kahit na nag-uumpisa na namang kumulo ang dugo ko.

"So bakit niyo po ako pinapapunta rito, Mr. President?" sabi ko, pilit na nakangiti kahit halatang pilit na pilit.

"Ms. Keisha Flores, right?" sabi niya, na para bang hindi niya ako kilala. Tss. Dami pang sinasabi, bulong ko sa sarili ko, sabay tango.

"Ms. Flores, marami kang rules na nalabag sa University natin," seryoso niyang sabi, parang pulis na naghahanap ng kriminal.

"Anong rules?" nakakunot ang noo kong tanong, habang nag-iisip kung ano na naman ang drama niya ngayon.

"First, hindi mo ginawa ang punishment na binigay ko sa'yo," sabi niya na parang gusto ko nang sakalin.

"Eh hindi naman kasi makatarungan 'yung binigay mong parusa eh," depensa ko, feeling ko parang nasa korte ako.

"Second, pagtatapon ng basura kung saan-saan dito sa loob ng campus," dagdag pa niya, na parang OA na talaga.

"Balak ko pa nga kasing itapon 'yun sa basurahan!" sabi ko, naiinis na, pero nagpipigil pa rin.

"Lastly, pag-iingay sa loob ng library," sabi niya habang tumatango-tango na parang may sariling mundo.

"Di naman 'yun sinasadya eh!" sabi ko, halos maiyak na sa frustration.

"Kaya bilang consequence sa mga rules na nalabag mo--" Hindi ko na pinatapos 'yung sasabihin niya.

"WAIT! Pakinggan mo kasi 'yung paliwanag ko!" pasigaw kong sabi, hindi na makapagtimpi.

"I didn't ask for your explanation. And by the way, are you yelling at me?" sabi niya, halatang naiirita na rin.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Ayokong magpatalo, pero gusto ko ring mag-ingat.

"So anong gusto mong gawin ko?" medyo kalmado na ang boses ko ngayon, kahit nagpipigil ng galit. Bago pa siya nakasagot, nagpaalam ang mga kasama niyang officers.

"Alis na po kami, President," sabi ng Vice President na si Marielle, sabay labas ng pinto.

"Bye, Keisha," sabi ni Marco, na sinuklian ko lang ng isang tango. Napansin kong kumunot ang noo ni Adrian, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bahala na, kung ano pa sabihin niya.

"So ano na nga 'yung ipapagawa mo sa'kin?" tanong ko ulit, hindi na makapaghintay.

"As I was saying, as a punishment for breaking the rules, you need to work for us," sabi niya, na para bang sinabi lang niya na bibigyan niya ako ng summer job.

"What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero may kaba na rin.

"Before and after your class, morning and afternoon, you need to come here and clean our office," sabi niya nang walang ka-emote-emote. Grabe siya makapagbiro, seryoso ba 'to?

"Wait. What? Gagawin niyo akong alalay?" tanong ko, halos di makapaniwala sa narinig.

"Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong isipin," sabi niya, sabay tingin sa akin na para bang hindi niya alintana ang nararamdaman ko.

"Okay, fine. Ilang araw ba? Two days? Three days?" tanong ko, hoping na madali lang 'tong trip niyang parusa.

"Two months," tipid niyang sagot, sabay balik sa papeles na hawak niya.

"WHAT?" nanlalaki ang mga mata kong sabi. "Di naman yata makatarungan 'yan!" patuloy ko, pero parang hindi niya ako naririnig.

"That's it. You may go now," sabi niya, parang walang nangyari.

"Hoy! Alam mo, irereklamo na talaga kita!" sabi ko, na umaasang takutin siya.

"Magreklamo ka dun. Baka gusto mong ihatid pa kita," sagot niya, sabay ngiti na parang masarap sapakin.

"UGH!" sigaw ko, sabay martsa palabas ng opisina. Kainis talaga! Ano ba ang problema ng Mr. Fake President na 'yun? Parang siya na ang hari ng mundo, ha! Subukan ko talagang ireklamo 'to. Hindi siya makakaligtas!
----

Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉🙏

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon