Continuation of Adrian's POV...
First day ng training ni Keisha ngayon kaya I'm sure na makikita ko sya. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita sya. Tinatakpan nya ang mukha nya habang naglalakad. Is she avoiding me? Hindi ko napigilan ang labi kong mapangiti habang tinitignan sya sa ginagawa nya.
Nakasunod lang ako sa likod nya habang naglalakad sya, pero mga eight meters away ang layo ko sa kanya.
Habang sinusundan si Keisha ay may bigla namang tumapik sa balikat ko.
"Hey Adrian, that's your ex-girlfriend right?" Sabi ni Camille.
"Yes, and what are you planning to do?" Tanong ko dahil mukhang kakaiba ang mga tingin at ngiti niya. I think she's going to tease Keisha again.
"I'll just talk to her so chillax there bestfriend." Nakangiting sabi ni Camille. As I said, Camille is a nice girl. Alam nya ang lahat ng tungkol sa amin ni Keisha. Kaya kahit naka arrange marriage kami ngayon ay alam namin na walang kasal na magaganap.
"Don't you dare say stupid things to her." Pagbabanta ko kay Camille. Medyo may pagka weird rin kasi ang babaeng to and also childish. She loves playing with feelings. Kaya marami na syang napaiyak na lalaki, pati na rin ang mga babae ng mga nilalandi nyang lalaki.
"Che!" Sabi ni Camille at tumakbo papunta kay Keisha.
Oh God! That girl was fast. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nag-uusap sa malayo. Hindi ako mapakali dahil baka kung anong kalokohan ang sabihin ni Camille kay Keisha kaya naglakad ako palapit sa kanila para pigilan si Camille. Medyo nagulat naman si Keisha nang makita akong papalapit kaya tumalikod sya at aalis sana. I don't know pero bigla ko syang tinawag.
"Adrian, you're here." Maang-maangang sabi ni Camille. "Bakit ka lumapit? We're still talking earlier. Hindi pa ko tapos sa sasabihin ko sa kanya." Bulong nya pa at nag evil smile.
Inirapan ko lang si Camille. Tinawag ko ulit si Keisha at nilapitan ito.
"Where are you going?" Sabi ko at hinila sya palayo sa gagawing kalokohan ni Camille.
Hindi ko alam kung saan ko dadalhin si Keisha. Diretso lang ako sa paglalakad at hindi ko pinansin ang mga reklamo nya. Nagulat nalang ako ng bigla syang napasigaw.
"Why? What happened?" Sabi ko at hinanap kung saan ang masakit sa kanya.
"AAHHH.. Aahh.. ahhh.. Kasi.. Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiinis nyang sabi. Tss. She was just acting.
"My God Keisha! Akala ko naman kung ano ng nangyari sa'yo." Nainis na rin ako.
"Ikaw kasi eh! Bakit mo ba kasi ako kinaladkad? Saan mo ba ko dadalhin? Ha?! Alam mo bang late na ko sa first training ko? Paano kung magalit sa akin ang trainor ko? Kasalanan ko na naman." Dire-diretso nyang sabi. Hindi ko mapigilang tignan ang labi nya habang nagsasalita sya kaya wala akong maintindihan sa pinagsasabi nya.
"Yan! Yang pagiging madaldal mo! Are you trying to tempt me again to kiss you?" I suddenly said.
"Pinagsasabi mo?! Baka gusto mong sipain ko ulit yang 'ano' mo!" Sabi naman nya. Sh*t! Biglang uminit ang ulo ko nang maalala ang ginawa nya kaya hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko sa kanya na nagpainit na rin ng ulo nya. Hanggang sa umabot na naman kami sa walang kwentang pagtatalo.
Magwawalk out na sana si Keisha. Pero hinawakan ko ulit ang braso nya.
"Keisha! Wala na ba talaga?" I asked her to make sure if she still loves me.
"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." She said at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.
No, I will never let her go this time.
"Ni let go na kita noon Keisha. Pero ngayon hindi na. So wait and see. Better be ready." I told her. Kung naguguluhan sya sa nararamdaman nya para sa'kin ngayon, I don't care. I'll win her back no matter what.
Iniwan ko syang nakatayo doon. Bumalik ako sa office ko at nag-isip. I love her so much at hindi ko hahayaang mawala sya ulit sa'kin.
Tinanong ko ang sektretarya ko kung anong oras matatapos ang training ni Keisha. 5pm pa raw kaya hinintay ko syang matapos.
Pagkatapos ng training ni Keisha ay sinundan ko kung saan sya pupunta. I just followed her silently.
Nagpunta sya sa isang restaurant at nakita kong sinalubong sya ni Marco. That Marco again. Noong una palang, ayoko na talaga sa kanya. I know that he's close to Keisha and that made me hate him more. Masaya silang dalawa na nagkukwentuhan sa loob ng restaurant. Gusto ko silang lapitan at ilayo si Keisha sa kanya.
I admit. I'm feeling really jealous right now.
"F*ck Adrian! Huli na ba ang pagbabalik mo?" Sabi ko sa sarili ko.
Nakita ko naman na bigla silang napatayo at mabilis na lumabas ng restaurant. Sumakay sila ng kotse at umalis. Walang pagdadalawang isip ko silang sinundan.
Nagtaka ako nang huminto sila isang ospital. What are they doing here?
Sinundan ko ulit sila hanggang sa loob ng ospital. Hindi ako nagpahalata. Nagpunta sila sa isang kwarto kaya sumunod na rin ako at sinilip kung sino ang nandun. Then I saw a child. A very cute child lying on the hospital bed. He looks so weak.
Who's that child? Kung titignan ko nasa 4-5 years old na sya.
Bigla kong naalala ang nangyari sa amin ni Keisha five years ago at napaisip. Anak ba namin sya? Kaya ba iniiwasan ako ni Keisha dahil may anak ako sa kanya at natatakot siyang sabihin sa'kin?
O di kaya?
I looked at Marco. O di kaya may nangyari rin sa kanila ni Marco noon kaya nya ako pinapalayo?
----
Please vote and comment ❤
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...