Continuation of Marco's POV
Nagpasalamat si Keisha sa ginawa kong pagkausap kay Adrian. Anything for her. Gagawin ko ang lahat ng makakapagpasaya sa kanya kahit yun pa ang ikakalungkot ng puso ko.
Nakita ko na masaya na ulit si Keisha. Ramdam ko ang kakaibang saya nya nang magkasama ulit sila ni Adrian. Nalaman ko rin na niligawan na sya ulit ni Adrian at hindi ko inakala na magiging sila rin pala kaagad.
Nagpunta ako sa isang restaurant para bisitahin ang isang kaibigan na tumulong sa'kin sa pagpapatayo ng sarili kong restaurant. Pauwi na sana ako nang bigla kong makita si Keisha. Kumaway sya sa'kin kaya nilapitan ko sya. Hindi ko alam na kasama nya pala si Adrian.
"Oh Keisha, sinong kasa-- Oh kasama mo pala si Adrian." Medyo nadismaya ako nang makitang magkasama pala sila kahit expected naman yun.
"Ah oo." Tipid na sagot ni Keisha. Nahalata nya yata ang pagkadismaya sa mukha ko.
"Hello bro." Bati ko kay Adrian pero tumango lang sya.
"I'm glad that you're together again." Sabi ko just out of nowhere. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko lang na sila na ulit dahil sa nakikita ko they look so happy again.
"Yes. Thank you." Mabilis na sabi ni Adrian at hinawakan ang kamay ni Keisha. I was expecting this pero hindi ko alam na ganito pala kasakit.
"Well, congrats again." Yun lang ang nasabi ko. Nababakla na yata ako dahil gusto kong umiyak. "By the way, may gagawin pa ko so I need to go." Paalam ko na lang sa kanila at agad na umalis.
Mukhang kailangan ko na talagang umalis ng tuluyan sa eksena. Magiging panggulo na lang ako sa estorya nila kaya dapat na talaga akong umalis. Keisha's happiness is my happiness.
Naisipan kong pumunta muna ng ibang bansa. I need to move on. Gusto kong gumawa ng estorya kung saan ako naman ang bida. Nakakapagod rin kasi ang maging isang second lead.
Pero bago muna ako umalis papuntang ibang bansa ay gusto kong puntahan si Kaizen para magpaalam. Napamahal na rin kasi sa akin ng sobra ang batang yun.
"Daddy Marco!" Tawag ni Kaizen nang makita ako. Binilhan ko sya ng bagong laruan kaya sobra ang tuwa nya nang ibigay ko ito.
"Baby Kaizen, may ibibilin lang sana si Daddy Marco sa'yo." Sabi ko.
"Ano po yun?" Tanong nya.
"Pupunta kasi ako sa malayong malayong lugar kaya gusto ko, alagaan mo ang Mommy mo ha?" Sabi ko sa kanya.
"Aalis po kayo? Wala na po akong Daddy?" Naiiyak na sabi ni Kaizen kaya agad ko syang niyakap para patahanin.
"Don't cry baby. Kahit umalis si Daddy Marco, may bago namang darating na Daddy para sa'yo. Yung Daddy na mahal rin ng Mommy mo. Kaya hindi mo na ako kailangang tawagin pang Daddy." Paliwanag ko kay Kaizen. Nababakla na yata talaga ako. Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi ko.
"Mamimiss ko po kayo." Nalulungkot na sabi ni Kaizen kaya niyakap ko muna sya bago umalis.
Pauwi na sana ako ng bahay nang biglang tumawag si Keisha. Hindi ako sigurado kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli ay sinagot ko rin.
Nagpanggap ako na okay habang kinakausap sya sa kabilang linya. Sinabi nya na gusto nyang makipagkita sa'kin at pumayag naman ako. Siguro ito na ang tamang panahon para pakawalan ko na si Keisha at alisin na sya sa puso ko. Ngayon na rin siguro ang tamang panahon para mag paalam ako sa aking one sided love.
Nasilayan ko na si Keisha na nakaupo sa isang bench sa park. Nang makita nya ko ay agad syang tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako.
"What's the problem, Keisha?" Tanong ko dahil sa bigla nyang pagyakap. What a stupid question Marco?
"Don't leave me, please." Sabi nya at naramdaman ko ang kanyang pag-iyak.
Bakit sya umiiyak? Wala akong karapatan na paiyakin si Keisha dahil ang role ko dito ay ang maging sandalan nya sa tuwing may magpapaiyak sa kanya.
"Stop crying, please. Let's talk." Mahinahon kong sabi para patigilin sa pag-iyak si Keisha. Tahimik lang akong hinahaplos ang likod nya hanggang sa tumahan sya.
Nang medyo okay na sya ay sinimulan ko na ang pagsasalita.
"Keisha, I think it's time to say goodbye for my one sided love for you." Diretso kong sabi at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Tinignan nya naman ako agad.
"I'm sorry Marco. I'm sorry kung naging selfish ako. Ayoko lang na umalis ka. Nasanay na kasi ako na palagi kang nasa tabi ko." Sunod sunod na sabi ni Keisha. Napangiti naman ako.
"You're stronger now Keisha at alam kong hindi ka pababayaan ni Adrian. Kahit ayoko sa kanya, alam kong mahal na mahal ka nya." Sabi ko at tinignan ng seryoso si Keisha. "Kaya ngayon, ipapaubaya na talaga kita sa kanya. I'm going somewhere to find myself kaya ipangako mo sa'kin na aalagaan mo ang sarili mo." Patuloy ko.
Lumapit naman si Keisha sa'kin at niyakap ako ulit.
"I promise. Thank you Marco and I'm sorry." sabi nya kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.
I think this is the end of my role here.
End of Marco's POV. Mr. Second Lead is now signing off.....
----
Please vote if you like this chapter. Thank you!
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...