Tinignan ni mama si Adrian mula ulo hanggang paa habang nakakunot ang noo at biglang tumawa.
"Naku! Kay gwapong bata." Nakangiting sabi ni mama. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni mama. Akala ko ayaw nya kay Adrian.
"Good Evening po, tita." Bati ni Adrian kay mama. Tumingin naman sya kay papa at bumati rin.
"Kay bait rin na bata." Natutuwang sabi ulit ni mama. Nakita ko namang napapangiti si Adrian.
"Teka anak, ito ba yung Marco na sinasabi mo? Yung HRM student din na gwapo, mabait at mayaman?" Natutuwang tanong ni mama na nagpakunot ng noo ni Adrian habang tinitignan ako na may 'let's talk about it later' look. Napaiwas naman ako agad ng tingin.
Nakwento ko kasi si Marco kay mama noong may event ang department namin. Magkasama kami noon pauwi at tinanong ni mama kung sino naghatid sa'kin. Hindi ko naman naalala na grabe pala yung pagkadescribe ko kay Marco.
"No tita, I'm Adrian." Pagpapakilala ni Adrian.
"Ah so ikaw yung SSG President na gwapo at matalino?" Tanong ulit ni mama. Ang daldal talaga nitong si mama. Sa susunod hindi na talaga ako magkukwento sa kanya.
"Yes po tita." Nakangiting sagot ni Adrian.
"Naghapunan na ba kayo iho? Hali kayo't pumasok sa loob." Si papa na ngayon ang nagsalita.
"Hindi na po pa. Paalis na rin kasi sya." Sabi ko. Ayokong iinterogate nila si Adrian sa loob.
"Sure tito, thank you." Biglang sabi naman ni Adrian at sumunod kina papa papasok ng bahay. Naku naman tong si Adrian. Hindi ba sya natatakot na harapin ang magulang ko? Or masyado talaga akong oa?
Pagkapasok ng bahay ay naghanda agad si mama ng hapunan. Sobrang tahimik namin nang magsimula kaming kumain. Lima kaming nandito, si mama, papa, kapatid kong si Christy na kanina pa hindi umiimik, ako at si Adrian.
"Ano nga yung kurso mo iho?" Pagbasag ni papa sa katahimikan.
"Engineering po, tito." Simpleng sagot ni Adrian.
"Wow. Maganda rin pala ang future ng batang to." Namamanghang sabi ni mama.
Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Kinakabahan kasi talaga ako deep inside. Baka kung ano lang ang itatanong ni mama at papa.
"So matagal na ba kayo?" Tanong ni papa. Bakit parang ang seryoso ni papa? Kaya ako kinakabahan eh.
"Two months pa po, tito." Sagot ni Adrian.
"Kung ganun, wala pang nangyayari sa inyo?" Tanong ni mama.
"Ma, ano ba?" Namumula ang mukha kong saway kay mama. Tinignan ko naman si Adrian na namumula na rin ang tenga.
"Anong masama sa tanong ko? Nakita kasi namin kayo ng papa mo na naghahalikan kanina." Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi ni mama. Waaaah ano ba ma!!
Napatikhim naman si papa at si Adrian nilamon ang malaking pirasong ulam. Baka mabulunan tong si Adrian sa ginagawa nya.
"Wag muna kayong gagawa ng milagro. Kahit gusto ko ng magkaapo, gusto kong kasal muna kayo. So ngayon, kailan nyo planong magpakasal?" Sabi ni papa. Napa ubo na talaga si Adrian sa sinabi ni papa kaya agad ko syang inabutan ng tubig.
"Ma, pa. Grabe naman yang mga tanong nyo. Hindi pa nga kami nakakagraduate eh." Naiinis kong sabi.
"Anong masama dun? Pinagpaplanuhan lang naman natin ang mga pwedeng mangyari." Paliwanag ni papa.
"Pinapaalis ka na nila mama sa bahay na to ate. Ang takaw mo daw kasi kumain." Sabi ng kapatid ko with no emotion. Napaka cold talaga ng kapatid kong to.
Tss. Tama si Christy, mukhang gusto na nila akong ipaubaya kay Adrian. Ang daldal din ng magulang ko. Nahihiya na tuloy akong tumingin kay Adrian.
Biglang tumawa si Mama.
"Nagbibiro lang kami ng papa mo. Kayo talagang mga bata, hindi nyo magets ang mga biro ng matatanda." Natatawang sabi ni Mama at tinignan si Papa na ngayon ay nakangisi na.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Adrian kina mama at papa.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Adrian pagkahatid ko sa kanya sa labas ng bahay. Baka kasi kinabahan rin siya kanina kina mama pero tinatago lang niya.
"Yup, don't worry! Oh no wait... Meron ka pang ipapaliwanag sa'kin." Bigla niyang sabi.
"Ha? Ano yun?" Nagtataka kong tanong.
"Si Marco ba na kilala ko ang tinutukoy ng mama mo kanina?" Tanong nya. Naalala nya pa yun? Akala ko nakalimutan na nya sa dinami dami ng pinagsasabi nila mama kanina.
"Ha? Ano ka ba! Wala yun." Sabi ko.
"Lagot ang Marco na yun sa'kin bukas." Sabi nya.
"Hoy! Anong kasalanan ni Marco sa'yo." -ako
"Ako lang ang dapat mong sabihan na gwapo." -siya
"Kasalanan ba ni Marco na maging gwapo siya?" Naiirita kong tanong.
"Ayoko ng lumalapit ka kay Marco." Seryoso nyang sabi.
"Nagseselos ka ba kay Marco?" Tanong ko.
"OO!" Malakas nyang sabi.
"Bakit ka naman magseselos sa kanya?" -ako
"BECAUSE I LOVE YOU!" -siya
"WAG KA NGA MAGSELOS KASI... I love you, too." mahina kong sabi sabay pamumula na naman ng mukha.
Imbes na magalit ay napangiti si Adrian at niyakap ako ng mahigpit.
"I love you, Ms. Flores." Bulong nya.
"I love you too, Mr. President." Bulong ko rin.
Ganito kami palagi ni Adrian. Mag-aaway pero magkakabati rin agad.
----
Enjoying the story? Please vote and comment 😍
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...