Part 43

328 20 2
                                    

Pagkatapos ng trabaho ay agad kong tinext si Adrian. Sabay na ulit kasi kami na pupunta ng ospital. Dalawang linggo na rin ang lumipas matapos ang operasyon ni Kaizen pero hindi pa rin  siya nakakalabas ng ospital. Mayroon pa kasing tests na ginagawa sa kanya at ngayon namin malalaman ang resulta sa isa sa mga naging test nya.

"Let's go." Sabi ni Adrian nang makita akong naghihintay sa labas ng restaurant.

Nagpunta na kami ng ospital at agad naming kinausap ang doctor ni Kaizen.

"How's the result, doc?" Agad na tanong ni Adrian. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mukha ng doctor pero kinakabahan ako.

"We did everything.. but.." Napatigil ang doctor sa sinasabi nya kaya mas lalo akong kinabahan.

"But what? Doc please, sabihin nyo sa'min." Kinakabahan kong tanong.

"May naging komplekasyon sa puso ng bata. We already did our best. I'm sorry pero imposible ng gumaling ang anak nyo." Malungkot na sabi ng Doctor.

"Doc, no! Hindi pwede. Kung pwedeng sumailalim ulit ni Kaizen sa isa pang operasyon, please do it! Kailangan nyo po syang iligtas. Parang awa nyo na po." Naiiyak kong sabi. Biglang nawalan ng lakas ang katawan ko kaya muntik na akong matumba. Buti nalang at nasalo ako agad ni Adrian.

"I'm sorry. Pero kung ooperahan ulit ang bata, maaring ikamatay nya yun. Masyado na pong mahina ang puso at katawan nya. I'm really sorry. Excuse me." Sabi ng doctor at naglakad paalis.

"Adrian, bakit? Bakit kailangang mahirapan ni Kaizen?" Umiiyak kong tanong. Inalalayan ako ni Adrian para makaupo dahil nahihilo ako.

"Let's pray for his safety, Keisha. Yun na lang ang magagawa natin." Sabi nya at niyakap ako.

Noong medyo okay na ang pakiramdam ko, pinuntahan na namin ni Adrian si Kaizen.

"Mommy... daddy..." Nanghihinang tawag ni Kaizen nang makita kami ni Adrian.

"Hello baby." Sabi ko naman at hinalikan sya sa noo.

"Mommy.. daddy.. I love you po." Biglang sabi ni Kaizen kaya parang kumirot ang puso ko.

"We love you too, baby." Sabi naman ni Adrian na nakaakbay sa likod ko at hinawakan ang maliit na kamay ni Kaizen.

"Mommy, daddy. Pwede na po ba akong umuwi? Gusto ko na po kayong makasama palagi. Ayoko na po dito sa ospital." Malungkot na sabi ni Kaizen.

"Baby, kasi.. Hindi pa pwede eh. Kailangan mo pang magpalakas." Sabi ko.

"Mommy, please..." Pagmamakaawa ni Kaizen.

"Sure baby. Kakausapin ni Daddy ang doctor mo." Sabi naman bigla ni Adrian kaya napatingin ako sa kanya.

"Adrian?" Nakakakunot ang noo kong tawag sa kanya.

"Don't worry." Sabi naman nya at ngumiti.

Lumabas muna kami ni Adrian para kumain at binilin muna namin ulit kay Ate Clarissa si Kaizen.

"Ano na naman ang iniisip mo Adrian?" Tanong ko agad sa kanya pagkalabas namin ng ospital.

"Doon na lang natin ipagpatuloy ang pagamot kay Kaizen sa bahay." Sabi nya.

"Bahay? Anong ibig mong sabihin? Sa bahay nyo?" Naguguluhan kong tanong. Kahit kasal na kami ni Adrian, nakatira pa rin kami sa bubong ng mga magulang namin.

"Bumili ako ng bahay para sa ating tatlo. I know this coming, we're family already." Sabi nya.

"Seryoso ka ba? My God Adrian, paano tayo titira sa iisang bahay? Ni hindi nga alam ng mga magulang natin na kinasal tayo eh." Naiinis kong sabi kay Adrian. Hindi ko alam kung nag-iisip ba ang lalaking to.

"Sasabihin ko sa kanila. I mean, this is maybe the right time para sabihin na natin sa kanila." Hindi ko maiwasan ang panlalaki ng mga mata ko sa sinasabi ni Adrian.

"Are you crazy? Magagalit ang magulang ko." Sabi ko sa kanya.

"Ako ang magsasabi sa kanila. I'll be the one to explain everything to them." Sabi naman nya.

"But your Mom, alam mo na ayaw nya sa'kin." Nag-aalala kong sabi.

"Don't worry. Wala syang magagawa sa kung anuman ang maging desisyon ko." Sabi nya. "Trust me Keisha, okay?" Patuloy nya at hinawakan ang kamay ko. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Pero kailangan ko nalang magtiwala kay Adrian. Ang dami ko na talagang dapat ipagpasalamat sa kanya.

Kinausap namin ang doctor tungkol sa plano ni Adrian na iuwi na si Kaizen at pumayag naman ito. Kailangan lang daw namin maging maingat kay Kaizen at sundin ang mga sinabi niya. Kaya sa susunod na araw ay pwede na namin syang iuwi.

Nagpunta naman kaagad kami ni Adrian sa bahay namin para kausapin si Mama at Papa. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay kaya nagulat si mama at papa nang makita na magkasama ulit kami. Hindi nila alam ang boung nangyari sa amin ni Adrian five years ago. Ang alam lang nila ay naghiwalay kami.

"Keisha, anak? Si Adrian ba yang kasama mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama.

----
Please hit the star to vote. Thank you!

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon