Part 40

349 20 0
                                    

Kailangan daw na operahan si Kaizen sa lalong madaling panahon kaya tinanggap nalang ng bahay ampunan ang offer ni Adrian na sya ang magbabayad ng mga gastusin sa operasyon ni Kaizen.

Bukas na nakaschedule ang operasyon ni Kaizen. Sabi ng doctor, kahit maging successful pa ang operasyon ay hindi pa rin daw sila nakakasigurado na tuluyan ngang gagaling si Kaizen. Kaya hindi pa rin mawala sa akin ang kaba at pag-aalala.

Hindi muna ako pumasok sa trabaho. Umuwi lang ako kanina saglit sa bahay para magbihis. Ayaw ko kasing iwan si Kaizen sa ospital kahit palagi na akong sinasabihan ni Ate Clarissa na umuwi muna para magpahinga.

"Ayos lang po ba kayo, Ms. Keisha? Kumain po muna kayo." Sabi sa'kin ni Ate Clarissa.

"Sige po. Babalik po ako agad." Sabi ko naman kay Ate Clarissa.

Naglakad ako sa hallway palabas ng ospital nang may biglang tumawag sa'kin.

"Hija?" Tawag sa'kin ng Daddy ni Adrian. Ngayon ko lang sya ulit nakita simula noong na ospital sya five years ago.

"H-hello po, Tito." Bati ko sa kanya.

"It's been a long time, hija." Nakangiti nyang sabi. Niyaya nya ako na pumunta sa isang cafe malapit sa ospital at pumayag na rin ako.

"How are you, hija?" Tanong ng Daddy ni Adrian.

"Okay lang po, Tito. Kayo po? Magaling na po ba kayo?" Tanong ko naman pabalik.

"Yes, medyo okay na. Actually kakagaling ko lang nagpa-check up kanina." Sagot nya. "Ikaw? What are you doing at the hospital?" Tanong naman nya.

"May binisita lang po ako." Sagot ko. Hindi ko na sinabi ang detalye lalo pa't hindi ako sigurado kung alam ba nya ang ginawa ni Adrian na pagtulong sa bahay ampunan para sa operasyon ni Kaizen.

"Oh I see." Sabi lang nya. Biglang tumahimik kaya nagsalita ako ulit.

"I'm sorry po, Tito... about what happened five years ago." Sabi ko bigla.

"No, don't say sorry hija. We're the one who need to say sorry to you. I understand the sacrifice that you did before for Adrian." Sabi ng Daddy ni Adrian.

"Ginawa ko lang po ang sa tingin ko ay tama." Sabi ko at yumuko.

"Thank you, hija. You're a very nice girl. That's why I really like you for my son." Nakangiting sabi ng daddy ni Adrian kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Lumungkot naman ang mukha ko dahil naalala ko ang Mommy ni Adrian. Ayaw nya sa'kin.

"If you're worried about Adrian's mom, don't worry. I'll talk to her." Sabi ulit ng Daddy ni Adrian ng mapansin ang paglungkot ng mukha ko.

"Thank you po, Tito." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"No problem. Alam ko kung gaano ka kamahal ng anak ko." Sabi nya at pinagpatuloy na namin ang pag-kain.

"I need to go, hija." Paalam ng Daddy ni Adrian pagkatapos naming kumain.

"Sige po, Tito. Thank you po ulit." Sabi ko naman sa kanya.

Bumalik na ako ng ospital. Nakatanggap naman ako ng text galing kay Adrian.

From: Adrian
I'm sorry Keisha. I can't go to the hospital today. May emergency kasi sa kompanya. I promise, I'll be there tomorrow sa operasyon ni Kaizen.
To Adrian:
It's okay Adrian. I understand.
From: Adrian
Take a rest, okay? Huwag ka masyadong magpagod. I love you.

Hindi ko na nireplyan si Adrian dahil baka magalit na naman sya kagaya kahapon kasi hindi ako nagpahinga.

Kinabukasan...

Ngayon na ooperahan si Kaizen. Kinakabahan ako kaya nagpunta ako sa Chapel ng ospital para magdasal. Sinamahan naman ako ni Adrian. Mga dalawang oras din kami ni Adrian na nagdasal.

"Diyos ko! Gabayan nyo po si Kaizen sa operasyon nya. Masyado pa po syang bata kaya huwag nyo po syang pababayaan." Dasal ko habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Nilapitan naman ako ni Adrian at hinaplos ang likod ko.

"God will hear your prayers Keisha. Let's trust him." Sabi ni Adrian at nagpunta na kami sa waiting area ng operating room.

Kinakabahan ako habang hinihintay na lumabas ang doctor na nag-opera kay Kaizen. Nagpalakad-lakad ako at hindi mapakali.

"Calm down Keisha." Sabi sa'kin ni Adrian at pinaupo muna ako.

"I'm sorry. Kinakabahan lang talaga ako." Sabi ko habang hinihilot ang kamay kong kanina pa nanginginig.

Mga ilang oras din ang lumipas at lumabas na ng operating room ang doctor na nag-opera kay Kaizen. Nilapitan naman namin ito kaagad ni Adrian.

"Doc? How's the operation?" Sabay naming tanong ni Adrian.

Sana successful ang operasyon! Dahil hindi ko kakayanin kung may nangyaring masama kay Baby Kaizen.

----
Please don't forget to vote if you like this chapter. Thank you!

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon