Part 21

475 21 0
                                    

FIVE YEARS LATER

"Guys, bilisan nyo dyan. Madami ng costumers ang naghihintay sa mga orders nila." Sabi ko.

"Yes po, Chef Keisha!" Sabi ng mga kasamahan ko sa kusina. Sila yung ibang mga cook at crew ng restaurant na to.

"Wow! Ang busy natin ah." Sabi ni Marco.

"Syempre para hindi mo ko palayasin sa restaurant mo habang hindi pa ako natatanggap sa mga inapplyan ko." Sabi ko kay Marco.

"Hindi mo naman kasi kailangan umalis dito eh. We need you here. Ikaw ang pinakamagaling na cook dito." Sabi naman ni Marco.

"Asus nambula pa." Sabi ko.

Ambilis ng panahon. Noon magkasama lang kami ni Marco sa school pero ngayon nagtatrabaho na ko sa kanya. Siya ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan ko ngayon. Two years na rin akong nagtatrabaho sa kanya. Siya ang nag-offer sa'kin na magtrabaho muna sa restaurant nya habang naghahanap pa ko ng trabaho kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

After ko kasing makagraduate as HRM student, nag-aral ulit ako ng Culinary. Tapos nakahinto pa ako noon sa pag-aaral ng isang taon. Medyo natagalan akong makahanap ng trabaho dahil marami akong inaasikaso.

"Let's go?" Sabi ni Marco pagkatapos ng shift namin.

"Sure tara." Sagot ko naman sa kanya. Pupunta kami ngayon sa park dahil may naghihintay sa amin doon.

Pagkarating sa park ay tumakbo agad palapit sa'kin ang pinakanamiss kong tao ngayong araw.

"Mommy!" Tawag ng isang batang lalaki nang makalapit sa'kin.

"Hello, my baby boy! How are you?" Sabi ko kay Baby Kaizen at hinalikan sya sa pisngi.

"Baby Kaizen is okay, mommy!" Sabi nya at niyakap ako. Pagkatapos ay tinignan nya naman si Marco.

"Daddy!" Sabi nya rito at agad yumakap kay Marco. Kinarga naman agad ito ni Marco.

"Do you want to play with Daddy Marco?" Nakangiting tanong ni Marco kay Baby Kaizen.

"Yes! Play Baby Kaizen!" Natutuwang sabi naman ni Baby Kaizen.

Nakakatuwa silang pagmasdan. Kaizen is four years old, turning five this year. Parang gusto ko na sana bata na lang sya palagi. Habang pinagmamasdan si Marco at Kaizen na naglalaro ng habulan, may biglang nagtext sa akin.

From: 0917*******
Congratulations! You passed the exam. You are now invited for the final interview at Zitro Building 4th Floor located at *******.

Napasigaw ako sa sobrang tuwa dahil sa natanggap kong text. Agad naman akong nilapitan ni Marco habang karga-karga si Kaizen.

"Are you okay? Bakit ka sumigaw?" Nag-aalalang tanong ni Marco.

"Is mommy okay?" Nalulungkot naman na tanong ni Baby Kaizen.

"Yes baby, mommy is okay! Very okay." Natutuwa kong sabi at napayakap kay Kaizen na karga-karga pa rin ni Marco. Napansin ko naman na nagulat si Marco dahil ang lapit ng mukha ko sa kanya kaya agad akong umatras. Namula pareho ang mukha namin. Nilaro ko na lang si Kaizen para medyo mawala ang awkward na feeling. Pero mas nagulat naman ako nang bigla akong halikan ni Marco sa pisngi.

"Punishment mo yan sa panggugulat mo sa'kin." Natatawamg sabi ni Marco at tumakbo palayo kasama si Kaizen.

Ako naman, naiwang nakatulala habang hawak hawak ang pisngi ko.

"Punishment?" Mahinang kong sabi at nakaramdam ng kirot sa puso ko. May naalala akong isang tao. Kumusta na kaya sya ngayon?

----

Please vote and comment 😊

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon