Mabuti na lang at walang pasok ngayon. Ayaw ko muna kasing makita ang mukha ni Adrian. Kung alam niyo lang kasi kung gaano ka-awkward ang nangyari kahapon. Hindi na nga ako pumunta sa office pagkatapos ng afternoon class ko dahil hiyang-hiya na ako.
Ganito kasi ang nangyari.
“Paano kung seryoso ako? Paano kung gusto kitang ligawan?” tanong ni Adrian, seryoso akong tinititigan, at hindi ko mapigilan na titigan din siya pabalik. Parang bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko—parang hindi normal. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong pumikit at nilapit ang mukha ko sa kanya. Parang yun kasi ang sinasabi ng kanyang mga titig.
Palapit ako nang palapit, ngunit bigla siyang nagsalita.
“What are you doing?” tanong niya, kaya mabilis kong ibinuka ang aking mga mata.
Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Ano nga ba ang ginagawa ko? Para akong natuklaw ng ahas sa hiya, at napatakbo ako palayo, hindi na nilingon kung ano ang reaksyon ni Adrian. Wala na yata akong mukhang maihaharap pa sa kanya.
Ngayon, nasa bahay lang ako, nakatago sa aking kwarto, at tinatakpan ng unan ang mukha ko habang nagpagulong-gulong sa kama. Ang hirap kalimutan ng nangyari kahapon! Pero bago pa ako tuluyang mag-self-pity, biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang screen at may nag-message mula sa isang unregistered number.
From: 0910*******
Bakit hindi ka pumunta ng opisina kahapon?Oh my! Si Adrian ba 'to? Wow, ang assuming ko talaga. Bakit naman niya ako ite-text eh wala naman siyang number ko. Baka si Carl? Sigurado akong hindi si Marco dahil may number ako niya.
To: 0910*******
Sino po sila?From: 0910*******
Adrian.Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko, kaya minabuti ko na lang na huwag mag-reply. Ilang minuto ang lumipas, at tumunog na naman ang phone ko. Number niya ulit ang nag-appear sa screen.
From: 0910*******
What I told you yesterday was true. I'm really going to court you.Hindi ko alam ang gagawin ko matapos basahin ang text niya. Parang gusto kong mapaihi sa kama sa sobrang kaba.
To: Adrian
Anong pinagsasabi mo diyan? Tumigil ka nga.From: Adrian
I'm outside your house.To: Adrian
Hoy! Huwag mo akong pinagloloko diyan.Maya-maya’y kumatok ang kapatid ko sa kwarto ko.
“Ate! Ate! May naghahanap sa’yo, gwapong lalaki sa labas,” sigaw ng kapatid kong si Christy. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, kaya't mabilis akong tumalon mula sa kama at lumabas ng kwarto. At ano'ng bumungad sa akin? Si Adrian, nakaupo sa sala namin, parang walang balak umalis. Naku naman, buti na lang at may trabaho si Mama at Papa kaya wala sila ngayon dito.
“Hoy! Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Adrian, habang binabantayan ang bawat galaw niya. “At ikaw naman, Christy, bakit mo siya pinapasok ng basta-basta? Paano kung mamamatay-tao 'yan?” dagdag ko sa kapatid ko, na mukhang natutuwa pa sa sitwasyon.
“Ang gwapo naman ni Kuya para maging killer. Mas mukha ka pa ngang kriminal, ate!” sagot ni Christy, sabay takbo papunta sa kwarto niya. Ewan ko ba sa batang 'yun!
Tinignan ko si Adrian, na mukhang nagpipigil ng tawa habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Noon ko lang napansin na hindi pala ako nagsuklay, hindi pa naghihilamos, at ang malala pa—sobrang iksi ng suot kong shorts! Nakakahiya!
“Ugh! Huwag mo akong tignan, at d’yan ka lang! Maliligo lang ako,” sabi ko, sabay takbo pabalik sa kwarto ko.
Nagmadali akong maligo, pero parang wala ako sa sarili. Kinakabahan ako, pero may halong excitement. Ano bang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ba ako?
Pagkatapos kong maligo, niyaya ako ni Adrian na magpunta sa mall.
“Anong gagawin natin sa mall?” tanong ko, habang nagtatali ng buhok.
“First date,” tipid niyang sagot.
“Anong first date? Hindi pa nga ako pumapayag na ligawan mo, eh,” sagot ko, habang tinatali ang sneakers ko.
“I don’t need your permission. Yung pag-attempt mo na halikan ako, sapat na yun para malaman ko na gusto mo rin ako,” sabi niya, sabay iwas ng tingin. Nagulat ako sa sinabi niya, kaya napaiwas din ako ng tingin.
“Alam mo, ang hilig mong gawing awkward ang atmosphere. Kailangan mo ba talagang sabihin 'yun?” naiirita kong sabi. Wala talagang pinipiling salita ang bibig ng lalaking 'to.
“I’m just telling the truth,” sagot niya, na parang walang epekto sa kanya ang sinabi ko.
Pagdating namin sa mall, gumawa kami ng kung anu-ano—nanood kami ng sine, kumain, naglaro sa World of Fun, at kung anu-ano pa. Parang scenes lang sa mga pelikula o sa Wattpad. Noong una, akala ko nakakasawa ang mga ganitong date, pero nagulat ako sa sarili ko—sobrang saya pala. Siguro dahil si Adrian ang kasama ko. Ang saya pala niyang kasama. Hindi ko inasahan na may ganitong side siya.
Pakiramdam ko tuloy, nahuhulog na naman ang loob ko sa kanya. Parang nagkakagusto na rin ulit ako sa kanya?
----
Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉🙏
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...