Part 31

460 17 0
                                    

Andito kami ngayon ni Adrian sa bahay ampunan para dalawin si Baby Kaizen.

"Mommy!" Sigaw ni Kaizen nang makita ako at tumakbo palapit sa amin.

"Hinay lang, baby. Baka mapagod ka na naman." Paalala ko sa kanya.

"Strong na po ulit si Baby Kaizen, Mommy." Nakangiting sabi ni Kaizen kaya napangiti na rin ako at niyakap sya. Nagtatakang tinignan naman ni Kaizen si Adrian.

"Mommy, sino po sya?" Tanong ni Kaizen sabay turo kay Adrian. Nagtataka siguro sya kung bakit iba ang kasama ko. Si Marco kasi ang palagi kong kasama kapag dinadalaw sya kaya naging daddy ang tawag nya kay Marco.

"Friend ni Mommy, Baby. Pwede mo syang tawaging Tito." Sagot ko.

"Hi po Tito Handsome." Bati ni Kaizen kay Adrian at kumaway. Tito Handsome talaga? Nakita ko namang napangiti si Adrian at nilapitan din si Kaizen.

"How are you little boy?" Nakangiting tanong ni Adrian at hinawakan ang buhok ni Kaizen.

"Okay lang po. Kaya lang, asan po si Daddy, Mommy?" Tanong nya at hinanap si Marco sa likod namin. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Adrian pagkasabi ni Kaizen ng Daddy.

"Hindi namin sya nakasama Baby eh." Sabi ko kay Kaizen.

"Sayang! Maglalaro pa naman sana kami." Nalulungkot na sabi ni Kaizen.

"Edi tayo na lang ang maglaro." Biglang sabi naman ni Adrian.

"Talaga po, Tito Handsome?" Nagagalak na tanong ni Kaizen.

"Siyempre, dahil pareho tayong handsome." Nakangiting sabi ni Adrian at nag Mr. Poge pose pa. Tsk. Tuwang-tuwa naman siya na sinabihan na gwapo.

"Yehey!" Natutuwang sabi ni Kaizen at tumakbo.

"Adrian, wag mo masyadong pagurin si Kaizen ah!" Sigaw ko kay Adrian.

Nagsalute naman sa akin si Adrian at hinabol si Kaizen. Tumunog naman bigla ang cellphone ko kaya tinignan ko ang nagtext.

From Marco:
Are you with Adrian?
To Marco:
Oo. Thanks Marco.
From Marco:
I hope maging okay na kayo para hindi ka na malungkot.
To Marco:
I'm not yet ready Marco.
From Marco:
It's okay. Just remember na andito lang ako palagi sa tabi mo kahit anong mangyari.
To Marco:
Thanks.

Sobrang bait talaga ni Marco sa'kin. Malaki talaga ang pasasalamat ko na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nya.

Speaking of kaibigan, bigla kong namiss ang tatlo kong kaibigan na pareho ng nasa abroad. Si Clarice na nasa France, Namie na nasa Korea, at Yveth na nasa Singapore. Ako lang ang iniwan nila sa Pilipinas. Kung hindi lang kasi nalugi ang business ni papa at napatigil ako sa pag-aaral noon, baka nag-abroad na rin ako.

Tinignan ko ulit si Adrian at Kaizen. Tapos na pala silang maglaro at nakaupo na sila ngayon sa duyan. Nilapitan ko silang dalawa na nag-uusap.

"Tito Handsome, may gusto ka ba kay Mommy?" Biglang tanong ni Kaizen kaya napatigil ako sa paglalakad. Saan naman nakuha ng 5 years old na bata ang tanong na yan?

"Hindi lang gusto. Dahil mahal ko talaga ang Mommy mo. Mahal na mahal." Sabi naman ni Adrian. Parang may kung anong gumalaw sa tyan ko bigla at gustong kumawala.

"Paano po yan? Mahal din kasi ni Daddy si Mommy." Sabi ulit ni Kaizen. It was two years ago nang inamin ni Marco na mahal nya raw ako, kahit noong nag-aaral pa raw kami. Pero sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga. Hindi ko alam na nasabi rin pala ni Marco kay Kaizen.

Nakita kong umayos sa pagkakaupo si Adrian at hindi alam kung ano ang isasagot. Siguro nag-iingat sya sa mga sasabihin nya dahil baka masaktan si Kaizen.

"Ayaw mo bang maging Daddy rin ako kung sakali?" Tanong ni Adrian.

"Okay lang po. Masaya nga yun para dalawa na ang Daddy ni Baby Kaizen." Natutuwang sabi ni Kaizen at bigla naman akong nakita. Tatalikod na sana ako nang bigla nya akong tawagin.

"Mommy!" Tawag ni Kaizen at nilapitan ako. Napatayo rin si Adrian nang makita ako.

"Mommy! Sabi ni Tito Handsome, mahal na mahal nya daw po kayo." Natutuwang sabi ni Kaizen. Bigla namang tumibok nang mabilis ang puso ko at napatingin kay Adrian na nakatitig sa akin.

Nabalot ng katahimikan ang paligid.

Mukhang mali ito. Hindi pa ako handa. And paano si Camille? Totoo nga bang ikakasal sila?

----

Please vote and comment ❤

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon