CHAPTER THIRTEEN

3.5K 68 1
                                    

Jin

Jin's P.O.V

lahat kami tahimik, pwera lang kay Jimin at V.

"gaano na katagal si Andrea dito?"tanong ni RM kanila Jimin at V. napatingin naman silang dalawa kay RM.

"mga dalawang buwan na ata"sagot ni V. si Jimin naman bumalik lang sa ginagawa nya kanina.

"hoy, Jimin. alam mo ba kung nakikipag-kita yang kapatid mo kay Andrea?"tanong ko. napatingin sya saakin ng seryoso.

"nakita ko sila nung debut ni Anneyiel. mukhang nagka-balikan sila"sagot nya. napa-hilot na lang ako ng sentido ko. tsk, ang lalaking yun!

alam nya ba ang ginagawa nya?!samantalang dati galit na galit sya tapos ngayon mukhang nagka-balikan?!t*ngina lang!

pag-nakita ko ang lalaking yun swear, mabubugbog ko sya. nakalimutan nya na ba ang ginawa ng babaeng yun sa buhay nya?!

simula nung nangyari yun. nag-iba na sya. hindi na sya kagaya nung dati. si tita yanna halos araw-araw nag-mamakaawa kay Yoongi dati na bumalik na ito sa dati tapos ngayon, nagpapa-tanga nanaman sya kay Andrea!

maya-maya lang biglang dumating si Yoongi. t*ngina pigilan nyo ako!

"hyung, hindi nyo dapa-"hindi nya na naituloy yung sasabihin nya dahil bigla ko syang sinapak. napatayo naman sila RM para pigilan ako.

"hindi ka na ba talaga nadala?!layuan mo ang babaeng yon!hindi sya nakakabuti sa buhay mo!nag-bago ka ng dahil sa kanya!si tita Yanna, hindi mo ba sya iniisip?!nung nag-bago ka, alam mo ba kung paano mag-makaawa saamin si tita Yanna para lang maibalik ang dati mong ugali!pero ngayon, ano?!bumalik ka nanaman sa babaeng yun!"galit na sigaw ko sa kanya habang pinapigilan ako nila RM.

si V naman nandon kay Yoongi, inaalalayan. si Jimin, walang pakielam sa kuya nya. bumitaw ako kanila RM at sinugod ulit si Yoongi ng isa pang sapak.

"hyung, tama na"bulong saakin ni Hobi. kumalma ako saglit at tumingin kay Yoongi na pinupunasa yung labi nyang dumugo.

nang-makatayo sya ay tinignan nya ako sa mata.

"hyung, pabayaan nyo na ako. mahal ko si Andrea. Oo, galit na galit ako sa kaniya pero mas nangingibabaw ang pag-mamahal ko sa kanya"sabi nya ng malumanay na boses. napa-smirk lang ako. pabayaan?!

"pabayaan?!tapos, ano?iiwan ka nanaman nya? Yoongi, ikaw at si tita Yanna ang iniisip namin dito. pinabayaan ka na namin dati pero ano ang napala mo?wala!"

"hyung, pakinggan mo naman-"

"hindi, Yoongi! kami naman ang pakinggan mo!nung mga araw na walang-wala ka, kami ang nandito para sayo! kaya kami naman ang pakinggan mo ngayon!"pagkasabi ko non ay bigla na lang akong nag-walk out.

sumunod naman silang lahat saakin.

"hyung, ayos ka lang?"biglang tanong ni V. tumango lang ako.

hindi ko akalaing ganyan si Yoongi. masyado syang nabubulag kay Andrea. hindi nya alam ang tumatakbo sa utak ng babaeng yon, malay nya bigla na lang nanaman syang iwan tapos ano? mag-iiba nanaman sya?tsk!

hindi nya na lang asikasuhin ang asawa nya. Oo, alam ko na may asawa na si Yoongi at si Anneyiel yon.

bago pa ako lumipat dito alam ko na, hindi pa sila tuluyang kinakasal alam ko na. sinabi saakin ni Jimin pero ayaw nyang ipaalam sa kuya nya na alam ko na.

sinabi din ni Jimin na mahal na mahal nya si Anneyiel kaya hindi na ako nagtaka kung hindi nya ako pinigilan kanina.

ang tanong, alam din kaya ng iba na kasal na sila Yoongi at Anneyiel?kung sasabihin ko, baka masaktan si V. kung hindi, edi hindi!

pero nacu-curious ako eh. matanong na nga lang para hindi ma-stress ang ganda ko.

"ahhmm V, pwede bilhan mo muna ako ng makakain?gutom na ako eh"utos ko sa kanya. nagulat sya pero nung nakabawi bigla syang ngumiwi.

"hyung, namam!ikaw ang guto-"

"dali!"sigaw ko at inabutan sya ng pera kaya wala na syamg nagawa.

"Jimin, samahan mo sya"walang sabi-sabi namang sumunod si Jimin, aba?good boy ata sya?dahil ba binugbog ko ang kuya nya kanina?

"may tanong ako sainyo"sabi ko kanila Hobi at RM.

"ano yun, hyung"

"alam nyo na ba ang tungkol kay Yoongi at Anneyiel?"napakunot sila ng noo na parang may iniisip.

"ahhh, yung kasal na sila?"mahinang tanong ni Hobi. alam nya?!

"ahhh, Oo, yung sinabi ni Jungkook bago sya umalis"sabi naman ni RM. so, alam pala nila.

"tingin nyo may alam si V?"tanong ko namam. alam namin naay gusto din si V kay Anneyiel.

"wala, wala syang alam. pero ang alam nya ikakasal dapat si Anneyiel kaso hindi natuloy dahil tumutol sya. at isa pa, kung alam yun ni V dapat umiiwas sya o kaya kasama sya nila Jungkook ngayon sa Korea"mahabang lintaya ni RM. yeah, he's right.

"atsaka kung may alam sya, papabayaan nya na lamg ding binubogbog mo si Yoongi, hyung"sabi din ni Hobi. ilang sandali lang ay palapit na sila Jimin at V. umakto ako-este kami na parang walang pinag-kwentuhan. napangiti naman ako dahil bitbit na ni V yung mga pagkain ko.

"salamat, V"naka-ngiti kong sabi sakanya pero sa loob-loob ko hindi ko sya kayang mangitian.

sorry, V but we need to do this. we don't want you to get hurt. ayaw naming matulad kay Jimin.

ayaw naming traydorin si V pero wala kaming choice. desperado na si Jimin at ayaw naming masama pa si V nang dahil lang sa letcheng pagmamahal na yan.

na pansin ko naman na bigla yatang nawala si Jimin?tumingin naman ako kay V.

"V, nasan si Jimin?"tanong ko. napatingin sya saakin.

"hmmm, umalis, hyung"napa-'ahh' na lang ako.

hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung may mawala pa saamin ulit. masyado nang nakaka-trauma yung nagyari dati. kaya sana maging matatag ang pagkakaibigan namin at hindi masira ng dahil sa lecheng pag-ibig na yan.

I'm Secretly Married To Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon