CHAPTER SIXTEEN

3.4K 66 2
                                    

his past

Anneyiel's P.O.V

Nandito ako sa labas ng bahay nila Yoongi. gusto ko lang kasing kausapin si Jimin. this past few days lalong lumalala ang pag-iwas at pagiging cold saakin ni Yoongi.

"Oh, Ma'am Anneyiel. nandito ka pala" bati nung isang guwardiya. kilala din kasi ako dito.

"ah, manong. nanjan ba si Jimin? kakausapin ko lang kasi sya"tumango naman sya at pinapasok ako.

"Oh my, Anneyiel. you're here" bungad saakin ni Tita Yanna. napa-ngiti naman ako at niyakap sya. namiss ko si Tita.

"ah, Tita. nasaan po si Jimin? kakausapin ko lang po kasi sya tungkol..." napahinto ako saglit. sasabihin ko ba? tumingin naman sya saakin habang nakakunot ang noo nya.

"tungkol?"

"ahm, tungkol sa...ahm, tungkol po sa..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang may nag-salita.

"tungkol sa libro, mom. hiniram nya kasi yung libro ko na Omelas" Thank, God at biglang dumating si Jimin. He saves me!

"ahhh, yun ba" patango-tangong sabi naman ni Tita. kaya ngumiti na lang ako.

"O, cge. I-text ko na lang si Yoongi na nandito ka ha" pagka-sabi nya nun ay umalis na si Tita. ayoko sana kaso baka lalong magtaka si Tita.

tumingin naman ako kay Jimin at pumunta na kami sa kwarto nya.

"Anong pag-uusapan natin?" nakatalikod na tanong nya saakin. napa-buntong hininga lang ako. I'm ready.

"A-ano...pwede mo ba akong k-kwentuhan tungkol sa past ni Yoongi?" buong lakas kong tanong pero kahit ganun nauutal pa rin ako.

humarap sya saakin at ngumisi. "sigurado ka?"tanong nya kaya napa-tango lang ako.

"very well, then"

umupo na lang ako sa kama nya at nag-simulang makinig.

"hindi naman talaga ganyan si hyung eh. masayahin sya, nakikipag-kulitan saamin. minsan sya pa nga mismo ang nagsisimula ng ingay eh"nakikinig lang ako habang nakatingin kay Jimin.

"nagbago lang sya nung iwan sya ng girlfriend nya. mahal na mahal nya yung babae na yun kahit yata hanggang ngayon mahal nya pa rin"sabi nya habang naka-tingin sa kisame.

kumirot ang puso ko nung sinabi nyang hanggang ngayon eh baka mahal pa rin ni Yoongi yung ex nya. masakit. sobra. akala ko kasi nagugustuhan nya na ako yun pala hindi. pero sana lang, sana magustuhan nya rin ako balang araw.

"iniwan sya nung babaeng yun at sumama sa iba. grabe ang nangyari kay hyung dati. lasing sya araw-araw, halos 3 buwan syang hindi pumapasok kaya nag-take sya ng special class sa university para hindi sya mag-repeat kung hindi baka mas ahead tayo ng isang taon"naka-ngiti nyang sabi. tahimik pa rin ako. hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko.

"dati pa nga kung sino-sinong babae ang kahalikan nya sa campus eh, kaya naging sikat si hyung bilang playboy sa university pero nawala lang yun nung dumating ka"

"alam kong hindi mo alam to pero sasabihin ko na din"huminto sya at tumingin sa mga mata ko. ang ganda ng mga mata ni Jimin. nakaka-akit titigan.

"bumalik na yung ex ni hyung"

parang biglang sumabog ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi ni Jimin. hindi...

napa-tungo lang ako. kaya pala, parang bumalik nanaman sya sa dati. ang pagiging cold nya saakin. napa-ngiti lang ako ng pilit.

"k-kaya pala..."naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mga pisngi ko. ganun ko na ba kamahal si Yoongi para iyakan ko?

"M-Mahal ba talaga n-ni Yoongi yung e-ex nya?"nauutal na tanong ko. tumango lang si Jimin habang naka-titig pa rin sa akin.

siguro nga. ganun ko na kamahal si Yoongi, ang asawa ko. pero lihim nga lang.

"muntik pang magpakamatay si hyung dati. nung nalaman nyang sumama yung ex nya sa iba. nagulat na lang kami ng bigla syang nanguha ng kutsilyo. gigilitan na nya sana ang leeg nya ng bigla syang pigilan ni Jin hyung. pagkatapos nun ay naging miserable na ang buhay nya. hindi na sya ngumingiti. laging mag-isa o kaya tulog sa isang tabi para maka-iwas sa mga tao sa paligid nya. at lagi na lang din syang tahimik. miss na miss na namin yung dating hyung namin. kaya ganun na lang ang galit nila Jin hyung, RM hyung at Hobi hyung sa babaeng yun"huminto sya at tumingin ulit sa kisame.

"I-Ikaw ba, Jimin. h-hindi ka ba g-galit sa k-kanya?"tanong ko. napangiti lang sya saglit at umiling.

"I'm not actually angry to her. maybe a little"sabi nya. umiwas na lang ako ng tingin.

"actually, she wanted me to help her"bigla naman akong napa-tingin sa kanya.

"gusto nyang makipag-balikan kay hyung. but don't worry, hindi ako pumayag sa gusto nya"napa-tango na lang ulit ako.

"ahh, gusto mo bang mag-mall?"tanong nya saakin.

"sige"maigsing sagot ko na lang. mayamaya pa ay bumaba na kami at sumakay sa kotse nya. agad nya naman itong pinaandar.

"Jimin, may tanong ako"

"hmm, ano yun?"

"tingin mo nagkabalikan na si Yoongi at yung ex nya?"tanong ko sa kanya. matagals syang hindi nakasagot.

"hindi ko alam. pero kung sakali man, Oo dahil baliw na baliw si hyung sa babaeng yun"napatango lang ako.

habang nasa biyahe kami papuntang mall ay may nahagip ang mga mata ko na naghahalikan sa tabi ng kotse nila.

umayos ako ng upo at naramdaman kong may nagbabadyang luha sa mga mata ko. nakaramdam din ako ng kirot. hindi lang pala kirot kundi sakit mismo sa puso ko. parang hinihiwa ang puso ko sa maliit na piraso. ang sakit. sobrang sakit...

I'm Secretly Married To Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon