CHAPTER FOURTEEN

3.3K 73 32
                                    

desperate

Jimin's P.O.V

nag-lalakad na ako papuntang room namin ng makasalubong ko si Andrea. lalagpasan ko sana sya ng bigla nya akong pinigilan. tumingin-tingin muna sya sa paligid bago mag-salita.

"Jimin, alam kong may gusto ka kay Anneyiel kaya please, tulungan mo akong makuha ang kuya mo sa kanya"pag-mamaka-awa nya. tumitig lang ako sa mga mata nya.

"hindi ako ganong tao, Andrea. mahal ko sya kaya papakawalan ko na sya"tumawa lang sya sa sinabi ko at tumingin saakin. "I know na hindi yan ang sinasabi ng puso mo. I know, deep inside, gustong gusto mo syang makuha!kaya please, tulungan mo ako"

napa-buntong hininga ako at umiling sa kanya. "No" yan lang ang sagot ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak saakin.

"Jimin!please, nagmamaka-awa ako. mahal ko ang kuya mo"

"edi sana hindi mo sya iniwan. ganun lang kadali yun. pero hindi mo na mababalik ang nakaraan kaya, sorry ka na lang. you should face the consequences of your decision"

sabi ko bago ko sya tuluyang iwan. Oo, mahal ko si Anneyiel pero hindi ako ganong tao na gagamit pa ng ibang tao makuha lang ang taong ini-ibig nya.

Andrea is right. deep inside, gusto ko ding kunin si Anneyiel kay Yoongi. desperado din akong makuha ang taong mahal ko. kukunin ko si Anneyiel kay Yoongi but in my own way at sisiguraduhin kong hindi masasaktan si Anneyiel sa gagawin ko.

***

agad kong nakita si Yoongi nang makapasok ako sa room. naka-upo sya sa sahig at gulo-gulo pa rin ang buhok nya. tsk!

"bat hindi mo pinigilan sila Jin hyung kanina?" mariin na sabi nya.

"para saan pa?" pagmamaang-maangan ko. napangisi sya sa sinabi ko. bakit? totoo naman eh. para saan pa't pipigilan ko sila hyung, eh ayos lang naman saakin yun.

bigla syang tumayo at hinawakan ako sa kwelyo. "G*go ka ba ha?!"sigaw nya saakin. tsk!

"bakit? totoo din naman ang sinabi ni Jin hyung ah. at isa pa, may asawa ka na, hyung. yan ang lagi mong tandaan"

"wala kang alam!" sigaw nya ulit saakin. maaari ngang wala akong alam sa kanilang dalawa ni Andrea pero kay Anneyiel, meron. malaki ang alam ko tungkol sa kanilang dalawa. kagaya na lang ng mahal ni Anneyiel itong si Yoongi hyung.

napa-ngisi naman ako. "talaga? Oo! wala akong alam tungkol sa inyong dalawa ni Andrea pero sa inyong dalawa ni Anneyiel, meron!" napa-bitaw naman sya sa kwelyo ko.

"alam mo bang mahal ka na ni Anneyiel, huh?!" natigilan sya sa tanong ko. tsk, G*go!

"a-ano? m-mahal ako ni A-Anneyiel?"tanong ng G*go.

"Oo, bakit?hindi mo alam?!ah sabagay, paano mo pala malalaman eh manhid ka at abalang-abala ka jan sa kabit mo!"pagkatapos kong sabihin yun ay bigla nya na lang akong sinapak. guilty ang G*go.

"bat pa kasi ikaw ang ikinasal sa kanya eh. pwedeng ako na lang" sinapak nya ulit ako. "ulitin mo ang sinabi mo!" sigaw nya.

"bakit?! pag-sinabi ko bang gusto kong ako na lang si Anneyiel, may magagawa ka ba?!"

"kasal na kaming dalawa, Jimin. tandaan mo yan!"mariing sabi nya. tss.

"pero ikaw may kabit? kawawa naman ang babaeng mahal ko" natatawang sabi ko.

"ano?!mahal mo si Anneyiel?"

"Oo! mahal ko sya! hindi tulad mi na pinapaasa mo lang-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinapak nya ako ng ilang beses. hindi pa sana sya titigil kung walang dumating.

"Yoongi!" napatingin sya sa tumawag sa kanya at parang syang na-istatwa. tsk! si Anneyiel lang naman kasi ang dumating.

"Ano ba?!bakit mo sinapak si Jimin?!"pagalit na sabi ni Anneyiel habang papalapit saakin.

"Ayos ka lang?"tanong nya saakin. napangiti lang ako at tumango. tumingin naman sya kay Yoongi.

"bakit mo naman ginawa yun?kapatid mo si Jimin"kung kanina pagalit sya ngayon naman malumanay na. tsk! hindi nya matiis.

"wala ka nang paki dun"pagkasabi nun ni Yoongi ay umalis na sya. bigla namang nalungkot si Anneyiel. tumingin sya sa mata ko ngunit nag-iwas ako. ayaw ko syang makita ang mga mata ko.

napabuntong hininga sya bago mag-salita. "Jimin, galit ka ba saakin?bakit hindi mo ako masyadong pinapansin? huh?!" halata sa tono nya na nagtatampo sya. napapangiti ako sa isip ko dahil parang syang isang girlfriend na sinusuyo ang boyfriend nya. pero agad dinv nawawala dahil bigla ding sumasagi sa isip ko na, hindi yun mangyayari.

"wala-"

"give me a reason, please. ayoko ng wala lang ang isasagot mo saakin"pagmamaka-awa nya. pasalamat sya at hindi ko sya matiis dahil mahal ko sya.

napabuntong hininga ako. "iniisip ko lang kasi yung sinasabi ko sayong babaeng mahal ko" iwas tingin kong sabi sa kanya.

"Alam mo, Jimin. wag mo na lang syang isipin. siguro masaya na sya dun sa asawa nya at isa pa marami pa namang babae jan na mas deserve mo eh. mabait ka, gwapo, mapag-mahal at gentleman" sana nga ganun kadali na wag ko na lang syang isipin.

"Anneyiel, sya ang gusto ko at hindi sya masaya dun sa asawa nya. palagi na lang syang pinapaasa" napakunot naman yung noo nya.

"paano mo naman nasabi yan, ha?"nagtatakang tanong nya. napabuntong hininga na lang ako.

"halika na nga, wag mo na lang akong isipin"naka-ngiti kong sabi sakanya.

"alam mo, Jimin-" pinutol ko ang sasabihin nya.

"hindi pa" makalokong sabi ko at hinampas nya ako sa braso.

"bwisit ka!wala pa nga akong sinasabi eh"nai-inis na sabi nya habang ako naman tumatawa lang.

sana ganto na lang kami. sana ako na lang ang ikinasal sa kanya. desperado akong makuha ka, Anneyiel at sana matanggap mo ang pagmamahal na ibibigay ko sayo. higit pa sa ibinibigay mong pagmamahal sa kapatid ko.

I wish I could say out loud that 'I love you and I'm so desperate to have you'

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's note

Guys, I'm sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. bukod kasi sa sobrang busy sa school, tumigil muna ako sa pag wa-wattpad kaya Sorry talaga. please forgive me.

at thank you nga pala sa mga nagvo-vote at nagbabasa☺ I appreciate it, guys!

I'm Secretly Married To Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon