confused
Anneyiel's P.O.V
isang linggo na kaming kasal ni Yoongi. ayos naman ang samahan naming dalawa kaso minsan umaalis sya ng bahay at gabi na uuwi. ang sabi nya makikipag-kita lang daw sya sa iba pa nyang kaibigan.
si Jin Oppa naman, dito na daw ulit sya at sila RM Oppa at Hobi Oppa, sa Univ. na daw ulit sila mag-aaral. kaya makokompleto nanaman sila Yoongi.
ayos naman kami ni V. ayun, gusto pa rin akong ligawan kaso hindi ko na lang sya sinasagot dahil ayoko din namang masaktan sya.
masaktan?eh, sa ginagawa mo nga lalo syang masasaktan. pinapa-asa mo lang sya!
sabi naman ng konsiyensya ko. Aba!kailan pa ako sinagot ng konsiyensya ko?! pero, kung sabagay. totoo din naman. kung hindi ko sya sasagutin masasaktan sya pero umaasa pa rin sya dahil wala akong finalization. haaay!
pero ang ikinababahala ko. Si Jimin...
hindi nya na ako masyadong kinaka-usap o pinapansin. pag-tinatanong ko sya, minsan tango o kaya iling ang sagot nya saakin. minsan din umiiwas sya. anong problema nun?
sya lang talaga ang naging mailap saakin. si Jungkook naman, wala din dahil pumunta sila ng mommy nya sa Korea. nag-paiwan lang si V.
lunes ngayon at lahat kaming pito, wala di Jungkook. papasok na sa Univ. galing no?akala mo naman kung anong ginawa naman at talagang sabay-sabay kami.
ganto kasi yun, syempre kami ni Yoongi naging abala dahil sa kasal. sila Hobi Oppa, RM Oppa at Jin Oppa ngayon lang din sila papasok, kasi nga inayos din nila yung mga kailangan para makapag-transfer sila sa Univ. at ang maknae, wala.
sila V at Jimin lang ang pumasok nung mga nakaraang araw dahil wala naman silang madyadong ginawa at dahil lunes, syempre papasok sila.
"Ang seryoso mo ah?" napa-tingin naman ako kay Hobi Oppa. naka-akbay sya saakin at naka-ngiti. ngumiti lang din ako at umiling.
"hindi naman, Oppa. may iniisip lang"sabi ko at tumango tango naman sya.
"ANNEYIEL!"napa-lingon naman ako sa tumawag saakin. oh?si Andrea. akala ko mga kaibigan ko. tumakbo sya papalapit saakin at niyakap ako. bigla namang tinanggal ni Hobi Oppa yung braso nya sa balikat ko.
"kamusta?sya nga pala, Andrea. mga kaibigan ko. si Jin Oppa, si Hobi Oppa, at si RM Oppa"sabi ko at tinuturo sila habang sinasabi ang mga pangalan nila.
bigla namang nawala yung ngiti ni Andrea pero nag-bow sya.
"Hi. ako nga pala si Andrea-"hindi na natapos ni Andrea yung sasabihin nya dahil biglang nag-salita si RM Oppa.
"alam namin. So, could you please leave us. we don't want you here"malamig na sabi nya kay Andrea.
"Op-"
"RM!"napa-tingin naman ako kay Yoongi dahil sa pag-saway nya kay RM Oppa. nag-'tss' lang sya.
"bye for now, Anneyiel. I gotta go. ayokong makakita ng- argh, nevermind"sabi nya. tumango lang ako. anyare dun?anong ayaw nyang makita?
"fhxyhbjkf"narinig kong nag-salita si Yoongi kaso hindi ko maintindihan dahil ang hina.
"uhmm. hi ulit?"awkward na sabi ni Andrea. ngumiti ako sa kanya. "hayaan mo na lang yun si RM Oppa. baka ma-" Arghh!dalawa na ha!
"ano nga pala ang ginagawa mo dito?akala ko ba nasa Amerika ka at kasama mo ang lalaki mo?"bigla namang sabi ni Jin Oppa. sya yung pumutol dun sa sasabihin ko-_-
"Hyu-"sasawayin sana ni Yoongi si Jin Oppa kaso mas naunahan sya.
"Manahimik ka, Yoongi!"saway nya at bigla namang napa-tikom ng bibig si Yoongi.
ano bang nangyayari?mag-kakakilala ba silang lahat?I mean, silang mag-kakaibigan at si Andrea. kasi parang umasta sila matagal na silang mag-kakakilala eh. tapos ang seryoso ng mukha nilang tatlo kanina. sila V at Jimin ayun walang pake. si Yoongi naman mukhang tense.
"ano bang kailangan mo?"tanong naman ni Hobi Oppa kay Andrea. napa-yuko naman si Andrea dahil sa tanong ni Hobi Oppa. seriously, gusto ko silang pagbuhol-buholin. ang gulo eh!hindi ko alam pinag-uusapan nila!
"H-Hoseo-"
"wag mo akong tatawagin sa tunay kong pangalan"malamig din na sabi ni Hobi Oppa kay Andrea. hala?
si Jin Oppa naman, sobrang talim ng tingin kay Andrea na parang anlaki-laki ng kasalanan. ano ba talaga?!naguguluhan ako!
"teka nga!magkakakilala ba kayo?"malakad na tanong ko. nag-angat ng tingin si Andrea.
"HINDI!"
"Oo!"
sabay na sagot nung tatlo. si Hobi Oppa at Jin Oppa yung 'Hindi' tapos si Andrea naman yung 'Oo'.
"ano ba talaga?!"naguguluhang tanong ko.
pero ganun pa rin ang sagot nilang tatlo. napa-nganga na lang tuloy ako at napa-hilamos ng mukha. gusto kong mag-mura.
"Jin Oppa, wag nyong itang-"si Andrea yan, kaso naputol nanaman ang sasabihin nya dahil kay Jin Oppa.
"Shut Up!I don't know you!wala akong kilalalang babaeng pinag-palit ang kaibigan ko sa walang hiyang lalake! at for your information, mas maganda ako sayo!"I.Am.Shook.
una, dahil sa pag-sigaw ni Jin Oppa. pangalawa, yung sinabi nyang pinag-palit sa kaibigan nya. at ang huli, yung sinabi nyang mas maganda sya kesa kay Andrea. Oo, alam ko mahilig si Jin Oppa sa kulay pink, pero hindi ko alam kung bakla ba to o lalaki.
"seriously, hyung?"natatawang tanong ni V. nag-salita na din sya at medyo tumatawa sya, dahil siguro sa sinabi ni Jin Oppa.
"manahik ka!tara na, Hobi. nakaka-stress. baka mawala pa ang ganda ko" P*T*!bakla nga si Jin Oppa!
"at Anneyiel, hindi ako bakla. sadyang maganda lang ako"sabi nya. mind-reader ganun?
umalis na din si V, naki-sabay ata kanila Oppa. dibale kaming apat na lang ang natitira. si Andrea, ako, si Yoongi at si Jimin.
lumapit ako kay Andrea. yayakapin ko sana sya kaso medyo lumayo sya.
"Andrea...mag-kakakilala ba talaga kayo ni Jin Oppa?"tanong ko. tumingin sya sa akin
"sila na lang tanungin mo. pero ako, Oo. kaso sila baka hindi, dahil sa nagawa ko noon"sabi nya at tumingin muna sya kay Yoongi bago umalis. uhhh, what is that?
narinig kong bumuntong hininga si Yoongi. at napa-masahe sa sintido. "tara na, baka nandun na yong professor"sabi nya tumango lang ako. naki-sabay na din si Jimin saaming dalawa pero maya-maya nawala sya sa likod namin.
kanina ko pa gustong tanungin si Yoongi eh. kaso mukhang wala naman akong karapatan kaya wag na lang.
but the truth is, I'm really confused earlier. ayoko ng ganito. feeling ko kailangan kong malaman kaso naiisip ko na baka wala akong karapatan tungkol dun.
siguro aantayin ko na lang si Yoongi na sabihin saakin
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married To Him
FanficBangtan Series 1 Anneyiel Tristy Kim never imagined than she'll get married in an early age just because of an arrange marriage. Specially to the man she used to hate but later on, she love. She married Yoongi Min Felizarde, who used to a woman hate...