[17]
Nagulat talaga ako nung binuhat nya ko. anong problema nito?
“huuuy!! Austin ano ba! Ibaba mo na ko! nakakahiya” opo. Nakakahiya kasi andaming students na nakatingin samin at nag bubulungan. Yung iba naririnig ko pang sinasabi na ang landi landi ko daw. Pano ba namang hindi? Si ms. Nothing kasama si mr. popular? At himala hindi ata nahihiya tong lalaking to. Tekaaa ngaaa!!! Bakit ba nya ko binuhat?
“hoy! Austin sinabi nang ibaba mo ko eh!”
“IBABA MO NA KOOOOO”
“wag ka ngang maingay! Nakakahiya ka!”
“mas nakakahiya ka! Bigla bigla ka na nga lang nang bubuhat dyan! Tignan mo pinagtitinginan na tayo!” pero hindi nya ko pinakinggan at nag dire-diretso padin sya sa pagbuhat. Nagulat ako nung ibaba nya ko sa may tapat ng CR at pinalabas lahat ng tao sa loob. Guess what? sa CR ng lalaki.
“anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong ko sakanya
“pwede bang pumasok ka nalang?!”
“pwede rin bang wag kang sumigaw?!”
“eh kasi ang kulit kulit mo!” pumasok na ko sa loob ng CR dahil alam kong hahaba lang yung bangayan namin. Pag pasok ko nagulat ako kasi bigla syang sumigaw
“tanga ka ba o ano?!”
“ano nanaman bang problema mo?”
“eh kasi ikaw!”
“anong ako? ayusin mo nga. Wala akong maintindihan” bulalas ko sakanya, bigla nyang tinunghay yung mukha nya sa pagkakayuko. Teka? Seryoso ba to? Bakit namumula sya?
“a-ano kasi” tinitignan ko lang sya habang nag sasalita. Waaaah ang cute cute nyaaaa--- hehe. Kasi namumula sya.
“dugo” ha? Anong dugo?
“anong dugo?” unti unti nyang tinaas yung daliri nya at tinuro nya yung palda ko.
“t-tagos” o____O OMGGGGGGGGGGGG bigla akong pumasok dun sa isang cubicle sa mga CR ng lalaki. Buti pinaalis nya yung mga tao kanina. Nakakahiya. Bakit ba kasi ang careless. Careless ko.

BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Novela Juvenilat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.