[19]
“huy! San mo ko dadalin?” kinukulit ko sya habang nagda-drive sya
“wag ka ngang malikot!”
“eh kasi naman! kikidnapin mo ba ko? ganyan ka ba kainis sakin para kidnapin mo ko?”
“manahimik ka nga muna!!!!!!!!!” ok. Galit sya. Tumahimik na ko. pero san nya ba kasi talaga ako dadalin? Mga siguro after 5 minutes nakarating kami sa isang familiar na lugar. Bumaba sya kaya bumaba narin ako. pumasok sya sat-teka. Sa shop ni ate aim!!! Waaah. Ang tagal na simula nung huli kaming nakapunta dito. TAKE NOTE- “KAMI” dahil magkasama kami ni Austin nun.
“ate aiiiiiiim!!!” sigaw ko agad pag kapasok namin ng shop
“teka. Thea ikaw na ba yan? Jusko! Ay keith. Jusko kayong mga bata kayo ang la-laki nyo na”
“haha oo nga po eh”
“oh bakit kayo napadaan dito?”
“pwede po ba syang paki ayusan ate aim?”
“ha may date ba kayo?”
“WALA PO!!!!” agad na sagot nya. Tsk.
“may party po kasi kaming pupuntahan” sagot ko naman.
“osige ako na ang bahala sa kanya.” Iniwan namin si Austin dun sa waiting area at pumasok kami sa closet huwaaaaah *__* ang ganda ng mga damit. Hinila nya ko papunta dun sa black section.
“ kung ano ang ipapasuot ko sayo yun ang susuutin mo ok? Trust me. Luluwa mata ni Austin dito.” Bigla nya inabot sakin yung see trough na dress. Tama nga sya mapapaluwa yung mata ni Austin dahil pati yung mata ko napaluwa sa nakita ko. hindi ba masyadong revealing tong damit na to?
“eh ate.”
“shh sige na pumunta ka na dun” tinulak nya ko papunta sa fitting room. Nung una eh nag dadalwang isip ba ko kung isu-suot ko ba talaga to. Pero dahil no choice ako ay sinuot ko narin. Hindi naman malaswa yung damit. Pero kasi talagang conservative at may binabagayan lang ito. Lumabas na ko ng fitting room at nakita kong napangiti si ate aim.
“ang galing ko talaga” proud na sabi nya sa sarili nya. Hinarap nya ko sa isang salamin na nakatakip. Huh? Pano ko naman makikita sarili ko nito?

BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.