[26]
“h-hoy! Ikaw babae ka! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!” sigaw nya agad agad.
“yan hirap sayo eh! Pag gumagaling ka nagkaka-amnesia ka!” sabi ko sakanya
“a-ano bang pinagsasabi mo dyan?! Lumabas ka na nga dito!”
“aba’t makapal din ang mukha mo ano?! Wala ka man lang bang balak mag-thank you?”
“at bakit ako magte-thankyou sayo? Labas!”
“oo na oo na!” lumabas na ko ng kwarto nya at bumalik sa kwarto ko. pag balik ko sa kwarto ko tinignan ko yung oras o.O shet. 7:30 na. late na ko. agad agad akong pumasok sa banyo at naligo. Dali dali rin akong nag bihis at bumaba sa hagdan ng hindi nag susuklay.
“thea mag almusal ka muna” sabi ni manang
“nako manang. Late na ho ako. sige po una na ko” sabay kuha ko ng isang sandwich at salpak sa bibig ko. lumabas ako at nagpahatid kay manong chad. Pagbaba ko ng school tumakbo ako sa corridor ng mabilis. 7:56 na. jusko. Kelangan kong makahabol sa 2nd subject. Lakad pa thea kaya mo yan. Saktong sakto pag dating ko sa room
*Krrrrrrrriiiiing kriiiiiing* nakatingin silang lahat sakin. Yumuko nalang ako at nag lakad papunta sa upuan ko. habang naglalakad ako may naririnig akong bulungan
*bakit kaya absent si keith?*
*may sakit kaya sya? Sayang naman*
*ano bayan gusto ko syang Makita* umupo na ko sa upuan ko habang nagke-kwentuhan parin sila at dumating na si ma’am. Nasa kalagitnaan na ng pagtuturo si ma;am nung……
“ehem” napatingin kaming lahat sa pinto. O.O
“I’m sorry I’m late” bigla akong napatayo
“Bakit ka pumasok?!” agad na tanong ko. nung napansin kong nakatingin silang lahat sakin.
“why ms. Delos santos is there any problem sa pagpasok ni mr.smith?” agad na tanong sakin ni ma’am
“ah- a-ano wala po” yumuko ako at umupo pag kasabi ko nun.
“okay. Come in mr. smith. Go to your sit” pumunta na si Austin sa upuan nya at yung mga kaklase namin nagbubulungan nanaman., aish. Bakit ba sya pumasok?! May dala bas yang gamot? Eh kung mabinat sya?! Aaaahg ano ba thea. Hayaan mo na nga sya buhay nya yan eh! Nagpatuloy sa pagtuturo si ma’am nung kumatok sa pinto. Lumabas saglit si ma’am at nag simulang mag salita yung mga kaklase ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/8594759-288-k296635.jpg)
BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.