Author’s note- so guys yung mga next chapters dito ay controlled by me. So that means puro “author’s pov” na. nakakalito kasi pag nags-switch ng POV yung mga characters. I’ll be switching povs nalang if needed :) btw happy 17K reads. So as promised this chapter is dedicated to Yvonnnnnne thank you for voting and reading dear luffyou.
[44]
Biglang tumahimik yung buong paligid. Lahat sila nakatingin lang kay nico at marie. Unti-unting binaling ni marie yung tingin nya kay Austin. Ngumiti lang ito at tumango sakanya. Bukod kasi sa may tiwala si Austin sakanya alam nyang tutupad si nico sa usapan nila. Lumabas sila sa seaside at umupo sa may buhangin. Ilang Segundo din silang tahimik.
“nice shirt huh” pambabasag ni nico ng katahimikan.
“ah eto? Si Austin kas—“
“I know. I know.” Pagpuputol nito sa sasabihin ni thea dahil alam nyang masasaktan lang sya sa mga salitang lalabas sa bibig nito. And again. Tahimik nanaman sila. Walang nagsasalita. Si nico nakatingin lang sa mga bituin habang si thea pinaglalaruan ang mga buhangin sa paanan nya.
“uh nic—“ hindi nanaman nya pinatapos si thea sa pagkakataong ito.
“thea what if. . . “
“what if?” sabi pa nito habang patuloy ang paglalaro nito sa buhangin. Para talagang bata. Napangiti nalang si nico dahil sa inasta nito.
“what if I tell you I love you?” napatigil si thea sa paglalaro ng buhangin parang pagtigil ng mundo nya nung narinig nya ang mga huling katagang sinabi ni nico.
“a-ano bang pinag-sasabi mo dyan? H-hoy! Hindi nakakatawang joke yan” nakayukong sabi nito habang patuloy parin ang pagdigest nya sa mga narinig. Anong joke nanaman ba to? mahinang sabi nya sa utak nya. Unti-unting inangat ni nico ang mukha ni thea gamit ang mga kamay nito. Parehong nagpipigil ng luha ang dalawa.
“making ka sakin thea” tumango lang si thea habang tumutulo ang mga luha nito sa mata na pinunasan naman ni nico.
“di ko hihilingin sayo na iwan mo si keith o mahalin mo ko pabalik. Makinig sakin ng mabuti ha? Thea. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Simula palang freshmen tayo ikaw lang. pinilit ko naman. pinilit ko na wag, pero natalo ako eh. Lagi naman akong talo pagdating sayo diba? Tandang tanda ko pa nga nung una tayong magkakilala june 7. First day of class. Pagpasok na pagpasok mo pa lang sa classroom ni hindi ko na matanggal yung tingin ko sayo. Naalala mo pa ba yun? nung napagalitan ako ni ma’am dahil hindi raw ako nakikinig. Kasalanan mo yun eh! Tumabi ka pa kasi sakin! Di tuloy ako nakapag concentrate” matawa tawang sabi nito kahit pareho na silang umiiyak. Hindi mo malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ng dalawa dahil sa mga expression na bumabalot dito.
“t-tapos. Naalala mo pa ba nung pumasok ako sa varsity? Second yearhighschool. Bestfriend mo na ko nun! Pogi ng bestfriend mo no?” nagawa pa talaga nitong magpatawa kahit konti nalang halos tumulo na yung sipon nito sa kakaiyak sasagot sana si thea pero nilagay ni nico ang hintuturo nya sa bibig nito.
“shhh. Diba sabi ko making ka muna? Tapos ayun nga. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at number 7 yung pinalagay ko sa jersey ko. para sakin kasi yun yung pinakamahalagang number sa buhay ko. dahil dyan sa numero nayan nakilala kita. Wala akong pakielam kahit bigyan pa ko ng 100 nila ma’am sa report card. Kasi yung number 100 walang wala yun sa number 7” din a napigilan ni thea ang sarili at agad nyang niyakap si nico.
“alam mo lagi kong iniisip na hindi pwede. Hindi pwede kasi bestfriend mo ko. hindi pwede kasi baka hindi ako yung para sayo. Hindi pwede kasi baka hanggang dito nalang tayo. Ngayon napatunayan ko na kung hanggang saan nalang talaga tayo. Ikaw ha! Magpapakabait ka kay keith. Wag kang gagawa ng kalokohan dun. Alam mo naman pagnagalit yun diba?” patuloy parin sa pagtango si thea dahil sa sakit na nararamdaman nya para sa kaibigan.
“n-nics. *sob* b-bakit ngayon lang? a-alam mo bang sobrang tagal kong hinintay to?” lalong humigpit ang yakap ni nico sa dalaga.
“y-yung sasabihin mong mahal mo din ako? alam mo ba nung sinabi mong may ibang babae ka ng nagugustuhan parang paulit-ulit na inaapakan yung puso ko sa sobrang sakit. Martyr na kung martyr pero mas gugustuhin kong pagusapan natin yung babaeng yun kahit nasasaktan ako ng mga panahon na yun. para atleast may idea ako kung ano ba sya. kung sino ba sya. kung sasaya ka ba sakanya.” Hindi alam ni nico kung anong mararamdaman nya sa mga oras na to. nagsisisi sya. huli na. huli na ang lahat. Kung sana lang noon pa. kung sana lang hindi na bumalik si keith sa buhay nya.
“minsan ba naisip mo na yung babaeng pinaguusapan natin noon eh yung babaeng yakap yakap ko ngayon?”
‘n-nics s-sorry”
“ssh. It’s okay. Siguro hindi lang talaga tayo yung para sa isa’t isa. Siguro may iba dyan na para sakin. At yung sayo natagpuan mo narin” pinunasan ni nico ang mga luha sa mata ni thea na patuloy padin sa pag agos.
“wag ka na ngang umiyak dyan! Papanget ka sige ka. Ayos lang no! bestfriends parin naman tayo iwish mo nalang na matagpuan ko na sya”
“sana lang wag ka nyang saktan gaya ng ginawa ko sayo”
“nakko. Ilang taon pa kaya bago ako maka-move on sayo?” pinalo sya ni thea sa braso
“ang sama mo! Nagu0guilty na nga ko dito” napangiti naman si nico
“ayan. Sa wakas ngumiti din! Lika na pasok na tayo sa loob” inakbayan ni nico si thea habang papasok sila sa loob. Nakangiti silang dalawa pero may isang bagay na kahit kalian hinding hindi nya maipapakita.
Thea, kahit masakit magiging masaya ako para sainyo. Mahal kita kaya ako ganito.
xxxxxxxxxxx

BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.