[52]

1.7K 25 5
                                        

[52]

 

Si Ingrid.

 

Umiiyak.

 

May pain sa mga mata nya

Ano bang nangyayari? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. kung lalagpasan ko lang ba sya at hindi papansin o magtatago dito o lalapitan ko ba sya? una hindi naman kami close. Pangalawa alam kong ayaw nya sakin. Naalala ko nung nabunggo ko si Austin noon. Galit na galit sya sakin. Wala naman akong ginagawa sakanya. Hindi naman sya yung nabangga at natapunan ko pero galit nag alit parin sya. siguro nga ayaw nya talaga sakin.

Pero kahit anong pagtatalo ng mga bagay bagay sa utak ko. nilapitan ko parin sya. umupo ako sa tabi nya atsaka inabutan sya ng panyo. Huminto sya sa pagiyak at gulat na tumingin sakin.

“hindi ko kailangan yan” inilayo ko ang panyo at ipinasok muli ito sa bulsa ko

“okay” tipid na sagot at hindi parin umaalis sa pagkakaupo.

“bilib din ako sayo” napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nya

“alam mo nang ayaw ko sayo pero nandito ka sa tabi ko”

“kasi alam kong kailangan mo ko” napangisi sya sa sinabi ko

“di kita kailangan”

“hindi mo ko kailangan pero kailangan mo ng kaibigang dadamay sayo”

“hindi kita kaibigan at lalong ayoko na ikaw ang dumamay sakin” 5 minuto. 5 minuto kaming tahimik. Walang nagsasalita. Hanggang sa binasag ko ang katahimikan

“bakit ka umiiyak?”

“wala kang pakielam”

alam kong wala syang balak sabihin sakin ang dahilan. Pero may bagay sakin na gustong tulungan sya. na gustong pagaanin ang loob nya. Nanatili padin ako sa tabi nya. Ginagalaw ko ang mga paa ko para gumalaw ang swing na inuupuan ko. tahimik lang ang paligid. Kaming dalawa lang ang magkatabi. Pinaglalaruan ng mga paa ko ang maliliit na bato.

“ano pa bang ginagawa mo dito?”

“sasamahan ka”

“di mo ba ko narinig kanina? Hindi kita kailangan! Hindi mo ko dapat damayan! Bakit ba ayaw mo pang umalis ha?!” nagulat ako dahil nagumpisa nanaman syang umiyak. niyakap ko sya dahil yun lang ang nakikita kong paraan para maikalma sya.

MS.NOTHING MEETS MR.POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon