[14]
Binigyan na kami ni manang rosa ng tig-isang kutsilyo.
“oh umpisahan nyo na ang patayan nyo. Fight mga anak!” sabi ni manang at talagang masayang masaya pa sya ah?
“POOOOOOOOO?” naguguluhang tanong ko pero tumawa lang sya at si Austin nakatitig sa kutsilyo. O__O wag nyang sabihing papatayin nya talaga ako?!
“eto naman. joke lang. osya mag umpisa na tayo. Ano bang gusto nyong kainin para ayun nalang ang lutuin natin”
“hmmm. Ikaw Austin ano bang gusto mo?” tinignan ko sya pero tinarayan nya lang ako. Aba’t! lalaki ba talaga to? Mas marunong pa syang tumaray sakin ah!
“kahit ano basta pag kain” matipid nyang sagot. Tss. Alam ko na. haha
“manang gusto ko ng hipon. Ano bang masarap na luto sa hipon?”
“what?! balak mo ba kong patayin huh?! Alam mo namang may allergy ako sa shrimps!” galit na sigaw ni Austin.
“ah ganun ba? Sorry di ko maalala” mapag-panggap na sagot ko. hahahaha pero sa totoo lang sinadya ko talaga yun. syempre hinding hindi ko makakalimutan yun no. naalala ko tuloy dati nung bata pa kami kumain sya ng hipon tas nag-panic ako kasi bigla syang namula tsaka hindi sya makahinga. Haaay. Enough of this.
“osya. Tama na nga yang away nyo. Iha. Iho. Gutso nyo ba ng carbonara?” bigla namang lumiwanag yung mata ko sa narinig ko. carbonara carbonara my favorite. ^__^ *O*
Austin’s POV (oh myyyy gosh. First time magka-POV ni Austin. Kinakabahan si author)
“ah ganun ba? Sorry di ko maalala” na-nakalimutan nya na pala. Nevermind. Sinabi ni manang na carbonara nalang ang lutuin, at bigla naman lumiwanag ang mga mata nya. Tsk. I just can’t reject manang rosa. Halos sya na ang nag alaga samin. Kaya no choice ako kundi suutin tong apron na to. Tch mukha akong tanga. at kanina nga pinagtatawanan pa nila ako. Umupo ako sa dining table.
“Hoy Austin! Ang usapan magluluto tayo! Anong inuupo upo mo dyan? Ha? Tumayo ka nga dyan tulungan mo kami!” nagsimula nanaman syang dumaldal. I just gave her my death glare.
“aaaaaaaaaaahg! Bahala ka nga! Manang tayo na nga lang po” umalis na sya at pumunta sa kusina. I won again. Siguro lahat kayo tinatanong kung bakit ako ganito sakanya no? to be honest. Hindi ko rin alam. Basta alam ko isang araw nagbago lang lahat.
Yun yung araw na magtransfer kami ng school. 1st year high school. Tch. Kelangan ko pa ba ikwento to? Nakakabakla wag na.
Miss Author- sige na! magkwento ka na!
-umalis ka nga dito!-
Miss author- sige na! bahala ka papatayin kita dito sa story ko
-wala namang ganyanan! Oo na magke-kwento na! umalis ka lang!-
Miss author- yeeeeeey!
(nakakairita sya)
Miss author- bubulong ka pa! naririnig kita! (aiiissssh!!!)
1st year higschool. Sabay kaming pumasok ng CU. Kaya lang mag kaiba kami ng section. Section A ako at section A3 sya. Well ngayon A3 nadin ako at kasalanan nya yun. back to what I am saying. Mag kaiba kami ng section. Syempre. Less time. Di rin maiiwasang mag karon ng mga bagong kaibigan. Ilang araw ko rin syang hindi nakakasabay sa pag-uwi dahil nga mag kaiba ang schedule at section namin. Until one day. Freetime namin that time absent kasi yung science teacher namin. Dumiretso ako sa garden at naabutan ko sya dun naka-ngiti,tumatawa tsaka mukha syang masaya. May kasama syang isang babae at isang lalaki. Nakakatuwa lang kasi nagawa nilang mapangiti ng ganyan si marie, kasi simula nung namatay sila papa dun ko nalang ulit sya nakitang ngumiti ng ganun. Bigla akong napaatras nung mga oras nayun. Di ko alam kung bakit pero sabi ng isip ko. ‘MAY IBANG KAIBIGAN NA SYA. MAY IBA NANG NAGPAPASAYA SA KANYA. HINDI NA IKAW ANG BESTFRIEND NYA’. Simula nung araw nayun hindi ko na sya masyadong nilalapitan, madalas ko nalang din syang kausapin. Kapag may umaaway sakanya gusto ko siyang ipagtanggol pero may ibang gumagawa na nun para sakanya. Si NICO. Kaya simula nun ‘BACK OFF DUDE’ na ang dating nya sakin. Hindi sa ayaw ko kay nico bilang kaibigan ni marie. Naasar lang ako sakanya o pwedeng sa sarili ko narin kasi ako dapat gumawa nung mga ginagawa nya. Simula rin nun si annika at si kier nalang ang madalas kong makasama. Tama kayo ng nabasa. Dati palang mag kaibigan na kami ni kier at annika. Si kier ang pumilit sakin na pumasok sa varsity, sa totoo lang ayoko pero ewan. Pumayag ako eh, haaay tama na nga! Tumayo ako, at tsk! Suot ko papala tong apron nato! Pumunta ako sa kusina at nakita ko si marie -.-) hindi naman sya gumagawa nanunuod lang.
Marie’s POV
Dahil sa kasungitan ni Austin eh tinamad na ko mag luto. Sabi ni manang sya nalang eh. Pero tinitignan ko naman yung ginagawa nya para matuto ako no! teka nga! Kanina pa yung lalaking yung sa dining ah? And ow speaking of the devil. Nakatingin sya sa niluluto ni manang mukhang natatakam ah.
“gutom ka na?” MAAYOS na tanong ko sakanya
“pakielam mo?” at MAAYOS din ang sinagot nya. Nice Austin. That’s great. Really great.
“sabi ko nga hindi ka gutom eh”
“tama nay an. Eto na luto na” sinerve na ni manang yung carbonara at tumakbo na ko papunta sa dining. Grabeeeeeee kanina ko payan gustong kainin. Inumpisahan ko nang kainin yung carbonara pero dahil ata sa katakawan ko ay nasamid ako. At biglang may humawak sa likod ko o____O
BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.
