[my hidden girl- a Nicolas Salvador special chapter]
‘Ang hirap magmahal no?
Pero mas mahirap mag move on. ‘
Sinulat ko yang mga yan gamit ang pentel pen na napulot ko habang naglalakad ako papunta dito sa park. Bat ko nga ba nasulat yan? Ay oo nga pala! Nag mo-move on ako sa baabeng mahal ko. okay. Alam kong ang corny pero walang basagan ng trip.
I love her. She LOVED me. Okay past tense yan alam ko. pero siguro hindi kami yung para sa isa’t isa.
Sa lahat naman ng taong ie-expect kong makakatuluyan nya si keith pa talaga. Aminado akong ang tanga ko para maging torpe noon. May magagawa ba ko? bestfriend ko sya. pano pala kung umamin ako tapos hindi naman pala nya ko gusto? Edi wala na. wala na yung pagkakaibigan. Parang magkakaron ng gap samin. Nung mga panahon na yon iniisip ko yung mga pwedeng maging consequences ng pag amin ko.
Kala ko kasi. .
Oh ayan yang akala na yan. Yan yung nag pahamak sakin. Minsan talaga iniisip ko kung ano kayang nangyari kung sinubukan ko? kung sinubukan ko kaya si thea at keith yung nagkatuluyan? Kung sinubakan ko kaya hindi ako namo-mroblema sa pag mo-move on ngayon?! Puro nalang kung eh kung ginawa mo sana dati nico diba?! Badtrip! Makapag palamig nga muna.
Bumili ako ng dirty ice cream sa tapat ng bench na inuupuan ko sa ilalim ng punong sinulatan ko. pero pagbalik ko dun may nakita akong sagot sa puno. Huh? Ang bilis naman? binasa ko yung nakasulat.
‘Mas mahirap pag hindi ka mahal ng mahal mo’
Nilabas ko sa bulsa ko yung pentel pen na napulot ko.
‘masaya na sila wala na tayong magagawa’
Yan lang ang tanging naisulat ko. anong gusto nyong isagot ko dyan? Eh hindi ko naman kilala yan! Makauwi na nga lang. habang pauwi ako iniisip ko yung mga nangyare sakin simula nung naging si thea at keith, madalas kong gaiwng freedom park at tambayan yung park na yun. madalas gabi na nakatambay pa ko dun. Ganyan ang buhay ng broken hearted. Lalo na pag nalaman mong minahal ka ng mahal mo. Tagos diba? Kaya yung mga lalaki dyan. Wag kayong torpe! Wag nyong itulad yung sarili nyo sakin. Parang nawalan ako ng buhay , nakakapanghinayang.
Lumipas ang mga araw, madalas kaming nagkakausap ng taong yun sa puno. Malay ko ba kung babae o lalaki ba sya?! pero sa ngayon eto na ang napaguusapan namin.
‘Ang hirap magmahal no? ,Pero mas mahirap mag move on. ‘
‘Mas mahirap pag hindi ka mahal ng mahal mo’
‘masaya na sila wala na tayong magagawa’
‘ang sakit na kasi’
‘naniniwala ka ba na kung mahal mo sya papalayain mo sya at hahayaan mo syang maging masaya?’
‘kahit nasasaktan ka na?’
Hindi ko na sinagot ang huling tanong nya. Masyadong tumagos sakin ang mga salitang yun. ilang beses na ba kong nagpalaya at nagmukhang tanga sa harap ni thea? Magmula sa pagsama sakanya nung na comatose si keith hanggang sa pagpoprotekta sakanya at sa baby nya. Masakit yun aaminin ko. pero ano bang magagawa ko? sa lahat ng bagay dito ako sa tanga. sa pagmamahal.
Hindi na ko bumalik dun sa park na yun. nakakabadvibes, nakakabakla. Biruin mo yun? ako nagda-drama sa park?! Kadiri diba? Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa ibang mga bagay, pag aaral pati nadin basketball syempre hindi parin maalis sakin ang samahan at magalala kay thea. Hindi ko naman maiiwasan yun.
Dalawang linggo din akong hindi bumalik sa park nayun. Practice namin ngayon kaya napagdesisyonan kong dumaan matapos ng practice namin. Naglalakad ako papunta sa park nung may naapakan nanaman akong pentelpen. Ano bamanang buhay to. lagi nalang ba kong makakapulot nito? Mukha ba kong taga kuha ng bagay na naiwan ng iba? Osige nico humugot ka pa. pagdating ko dun may nakita akong babaeng nakaupo sa mismong upuan na inuupuan ko. at nakita ko syang nagsusulat sa puno.
Napansin kong marami nang nakasulat sa puno, kaya umupo ako sa tabi nya.
“bawal yan ah?” sabi ko. kaya naman napalingon sya. sandali. Kilala ko sya.
“wala namang nakasulat na bawal” sinilip ko ang huling mga salitang isunulat nya
‘nasan ka na ba? Bakit hindi ka na sumasagot? Nagsasawa ka narin ba sa drama ng buhay ko?’
Pumunta ako sa tapat ng puno at inilabas ang pentel pen na napulot ko
‘nandito ako, sa harap mo’
Nakita ko ang gulat sa mukha nya.
“i-ikaw?”
“oo Ingrid. Ako nga”
xxxxxxxxxx
okay so ito na. oh god. namiss kong mag update sa ms.nothing. as in grabeeeeeee. i'll be updating special chapter pa po nila iris at ekek and yas the surprise wedding nila austin hahahaa thank you po :)
BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.
