[47]
“sigurado ka ba dito?” sabi nya habang paakyat kami ng jeep.
“oo nga! Dali na oh. Nag hihintay na si manong driver” tinignan nya muna ako bago sya umakyat at umupo sa may dulo.
“psst usog. May sasakay” umusog naman sya nung sinabi ko yun. unti unting dumami yung mga tao. Pansin ko lang pare-pareho yata kaming mga estudyante dito. Tinignan ko is ekek. aba. Pawis na pawis na ang loko.
“ekek. huy. Wala ka bang panyo? Naliligo ka na sa pawis mo oh”
“wala eh” kinuha ko yung panyo ko sa bulsa atsaka ko pinunasan yung pawis nya.
“tsk. Tsk. Dapat lagi kang nag dadala ng panyo ok? Tignan mo pawis ka na!”
“para kang nanay ko alam mo yun?” unti unti nitong nilapit ang mukha kay thea. Habang di naman malaman ng dalaga ang gagawin. Bukod kasi sa aaminin nyang kahit na mahangin ito ay gwapo naman talaga at may karapatang ipagyabang ang itsura. Kagaya nalang ngayon. Pawis na pawis na pero hot parin sa mata ng mga estudyanteng kasabay nila sa jeep.
“MA BAYAD HO!” naputol ang moment ng dalawa ng sumigaw ang isang babaeng katabi nilang dalawa.
“huy. Bayad daw oh” pinanlakihan muna ni thea ng mata si Kevin bago nito abutin ang bayad galing sa babaeng estudyante na halatang kilig na kilig pa.
“tss. Pwede namang ikaw nalang mag abot. Tsansing pa tuloy”
“hangin mo naman. asa ka namang may gusto sayo yun. nag pa abot lang ng bayad”
“syempre gwapo ako. ikaw nga kanina dyan eh”
“oh ano?”
“wala hahahahahahaha” bigla namang napangiti si thea ng Makita nyang tumatawa si Kevin ng napaka lakas na parang silang dalawa lang ang tao sa jeep. Mission success na ba? After 10 minutes nasa luneta na sila. Kasabay nilang bumaba ang ilang mga estudyante.
“naka punta ka nab a dito?”
“malamang! Ginawa mo naman akong taga bundok thea” binatukan ko nga! Haha
“panira ka alam mo yun? ibig kong sabihin. Nakita mo yun? yun oh. Yung mga yun” sabay turo ko sa mga batang naglalaro.
BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.