[61]

1.6K 19 6
                                        

[61]

Mahangin ang paligid

 

Naglalakad ako papunta sa kahulihulihang lugar na gusto kong puntahan

 

Hawak ang  puting rosas, palapit sakanyang lapida.

 

Miss na miss ko na sya. ang tagal na simula ng iwanan nya kami pero hindi ko parin maiwasang mapaluha kada pupunta ako sa lugar na to.

Sya ang pinaka importante at pinakamamahal kong lalaki. Akala ko hindi nya ko magagawang iwanan noon.

 

Pero eto ako. papalapit sa lugar kung san ko sya huling nasilayan.

 

Nakaukit ang mga pangalang sobra kong pinapahalagahan sa isang lapida.

‘almario delos santos’

“papa” mahina kong sabi. Pinipilit kong pigilan ang pag agos ng mga luha ko. pero hindi ako nagtagumpay ng tumungo ang paningin ko sa katabing lapida nito

‘ken albert smith’

“tito” unti unti kong nilagay ang mga rosas sa gitna ng lapida nilang dalawa.

“hi papa. Hi tito. Tagal na simula nung huli akong dumalaw dito. Eto po. Nakita nyo po ba to?” tinuro ko ang tyan ko.

“nandiyan po ang apo ninyo. Nakakalungkot lang pong isipin na hindi nyo sya makikita o mahahawakan man lang” nakatitig lang ako sa mga pangalang nakaukit sa lapida na dinadalaw ko.

“tito. Kung binabantayan nyo man po si Austin ngayon. Wag nyo naman pos yang kunin agad oh. Wag nyo naman pos yang dalhin sa paraiso na kinalalagyan nyo. Mahal na mahal ko po sya. at isa pa. napakarami nadin po naming napag daanan. Wag naman po ngayon oh.”

Dalawang buwan na. dalawang buwan na ang nakalipas simula nung mga pangyayaring yun. Malaya na kong makakapaglakad lakad dahil hindi na ganun ka kritikal ang lagay ng pagbubuntis ko. isa pa. home study na din ako. hindi na ko pinapayagan lumabas ng bahay maliban nalang kung sa ospital ako pupunta.

Sa ospital kung saan na confine si Austin

Comatose sya for two months na ngayon. Malapit nadin mag three months ang batang dinadala ko.

I was about to get up when my phone rang

“hello”

“thea si keith”

And my whole world froze.

xxxx

itutuloy . .

MS.NOTHING MEETS MR.POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon