[41]

2.1K 39 7
                                        

[41]

“wait. Ano bang nangyayare dito?” pumagitna samin si kuya travs. Biglang tumalikod si Austin at nag umpisang lumakad paalis. Di ko sya maintindihan! Bigla nalang nya kong susugudin dito tapos tatanungin ng kung ano-ano! Di nya ba alam na confused parin yung utak ko dahil sa mga sinabi ni ekek sakin kanina?!

*flashback*

“inlove ka na” bigla ko sya sinamaan ng tingin

“anong pinagsasabi mo dyan ha? Ako inlove? Kay Austin?”

“ops. Wala naman akong binanggit na pangalan. Sayo na mismo nanggaling yung pangalan ni kupal”

“pwede ba ekek. ayoko ng ganyang biro”

“mukha ba kong nagbibiro?” napapikit nalang ako. inlove nga ba ako?

“alam mo. Mahirap yan. Dapat matuto mong aminin sa sarili mo yung nararamdaman mo. Kasi pano mo ma-aamin sakanya yan kung sa sarili mo nga hindi mo maamin diba?”

“anong aaminin ko eh wala naman talaga”

“see? You’re denying it”

“hindi ko dine-deny”

“osige ganito nalang”

“palagi mo bas yang iniisip?”

“oo”

“see? Tsaka ikaw narin mismo yung nagsabi na bumibilis yung tibok ng puso mo dahil sakanya! At isa pa. nung sinabi kong inlove ka. Pangalan nya agad yung pumasok sa isip mo diba?”

“pano mo nalaman?!”

“eh syempre! Binaggit mo kaya kanina” napatulala nalang talaga ako.

“alam mo. Minsan may sense kadin palang kausap no?” pagche-change topic ko.

“heh! Manahimik ka na nga dyan!”

*end of flashback*

Kaya nagulat nalang ako nung bigla syang lumapit sakin at tinatanong ako kung totoo bay un. Sa totoo lang hindi ko talaga magets yung tanong nya. Anong totoo. Napasabi nalang ako ng OO dahil akala ko tinatanong nya kung totoong inlove ako sakanya. Tapos ngayon tatalikuran nya ko? ganito nya ba talaga ka-ayaw sakin? Na bigla nya nalang akong tatalikuran? Akala ko ba ok na? akala ko ba bumalik na sya sa dati? Bakit nag papaka-insensitive nanaman ba sya? bigla nalang ako napaluha. Bakit ang sakit? Akala ko ba si nics yung mahal ko? siguro nga. Siguro nga dapat matagal ko ng inamin to sa sarili ko. para matagal ko na ding nahanda yung sarili ko dito sa pangyayaring to. nilapitan nila ako pero tinaboy ko sila. Gusto kong mapag isa. Gusto kong umiyak ng umiyak. Ganito pala talaga pag nareject ka. Kala k okay nico ko na huling mararamdaman to. naramdaman ko nanaman pala ulit. Nakakatawa lang kasi akala ko mababawasan yung sakit dahil naramdaman ko na to noon. Pero mali pala. Maling mali. Dahil mas masakit yung nararamdaman ko ngayon. Leche! Ganito ba talaga ako kamalas sa pag-ibig? Dinala ako ng mga paa ko sa isang park. Dun ko iniyak lahat ng nararamdaman ko. at mukhang nakikiayon pa sakin ang tadhana. Lord. Alam nyo po ba yung nararamdaman ko? na pati yung mga ulap nagagawang damayan ako?

MS.NOTHING MEETS MR.POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon