dedicated po to kay ate yam yam kasi sobra sobrang naiinspire talaga ako sakanya ^____^V pano ba yan ate? balato mo na si bryle,hell,bryan pati na si steve. HAHAHAHAHAHAHA jukleng ateeeee. iloveyouuuuuuu ♥
[35]
Iris’s POV
Masyado ata akong natutuwa dun sa dalawa. halos mapuno na yung memory card ko kaka-picture sakanila. Samahan mo pa ng magandang view parang nag po-photo shoot sila. Haaaaaay. Naalala ko tuloy nung tinanong ko si thea. Tinanong ko sya kung mahal nya pa ba si nico. Nag-e-expect ako ng matinong sagot that time pero biruin mo yun?! sabihin daw bang pagod lang lang ako? hello! Hindi ako pagod nun at lalong hindi ako kulang sa tulog. Pumasok na ko sa loob at baka bigla pa silang magising. Pag pasok ko sa loob tinignan ko yung mga pictures na nakuhaan ko gamit yung dslr ko. ngayon ko lang napansin. Bagay pala sila no? di ko narin napapansin na nag aaway sila. In fact parang mas nagiging close sila.
Dapat lang naman talaga na maging close sila kasi mag best friend naman talaga sila diba? Mas naunang pumasok si fafa keith sa buhay nya. Hinala ko nga nasa tyan palang nila tita trina at tita anna mag bestfriend na sila. Sa totoo lang kinikilig pa nga dito sa mga picture eh nakahiga si fafa keith sa lap nya tapos yung kamay nya hawak hawak ni fafa keith.
“oy masamang tumatawa mag isa.” Napalingon ako sa katabi ko.
“nico. Gising ka na pala?” in-off ko yung dslr at pinatong sa lamesa sa tapat namin.
“oo eh. Grabe lasing ako kagabi”
“sanay ka nanaman dun”
“oy grabe ka. Hindi naman ako umiinom madalas”
“nico, pano kung” itutuloy ko ba?
“pano kung?”
“pano kung may magustuhan si thea. Ibig kong sabihin bilang bestfriend nya tayong dalawa. hahayaan nalang ba natin sila?” ngumiti sya. pero may kakaiba sa ngiti nya. Yung ngiti na malungkot. Ngiti ng nasasaktan.
“oo naman. kung dun sya magiging masaya diba?” nginitian ko sya.
“alam mo nico. Sa lahat ng taong pwede mong gawing tanga, hindi ako” nakita kong nagulat sya sa sinabi ko.
“anong ibig mong sabihin?”
“mahal mo si thea diba?”
BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Fiksi Remajaat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.