[30]

3.1K 25 2
                                    

[30]

“EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEK t-teka. Fafa keith paki ulit nga yung sinabi mo?!” biglang singit ni iris sa gitna naming dalawa.

“sabi ko. ang panget nyong dalawa. bahala nga kayo dyan” sabay walk out naman nya. Nakita kong palapit samin si nics kaya naman kinurot ko si iris.

“ako na mag dadala nyan, sunod nalang kayo sa loob” nangisay naman daw ako sa kilig dun, sinabi nang wag ngingiti eh.

“hoy inday! Sandali nga. Bago ka mangisay dyan. Ano yung sinabi ni fafa keith kanina?! Tama naman yung pag kakarinig ko diba?! Juskooo girl kung alam mo lang na grabeng pangingisay pa yung nangyari sakin kanina nung narinig ko yun kaya nga napatakbo ako agad sa gitna nyo eh”

“wala lang yun. tanggapin nalang natin na bipolar si asutin”

“alam mo binabawi ko na yung sinasabi kong bagay kayo ni nico. Mas bagay pala kayo ni fafa keith hihi”

“tigilan mo nga ko iris!”

“eh totoo nama---“ hindi natapos ni iris yung sasabihin nya dahil biglang lumapit at nag salita si kuya travs

“yow! Iris pwedeng pahiram muna kay thea? Saglit lang” hindi pa nakakapag salita si iris pero hinablot na ko ni kuya papunta dun sa garden ng resort. Umupo kami sa bench at inakbayan ako.

“oh anong problema mo kuya?”

“wala lang. wala pa kasi tayong matinong pag uusap simula kahapon. Ang laki mo na ah?” bigla nyang ginulo yung buhok ko.

“ano bayan kuya. Ibig sabihin maliit pa ko sa paningin mo 2 years ago? Grabe naman yan!”

“wow. Di mo talaga ako namiss no?”-kuya

“asa ka namang mamimiss kita” kahit sa totoo sobrang namiss ko sya. haha.

“ibang klase ka thea. Sa gwapo kong to hindi mo ko namiss?”

“anong connect ng gwapo sa pag kamiss?! Hanggang dito dinadala mo yung kahanginan mo!”

“basta gwapo ako!” hahaha may naalala ako sakanya. Sino pa ba?! Si ekek. kaya pala sanun nalang kagaan yung loob ko sakanya. Parehong pareho sila ni kuya.

MS.NOTHING MEETS MR.POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon