[48]
Mas lalong hindi napakali si thea dahil biglang bumuhos ng malakas yung ulan.
“hoy ekek! lika na. sumilong muna tayo!”
pinipilit nyang hilahin si Kevin paalis sa ulanan pero ayaw nito. Unti unting naglabasan ng mga payong ang mga tao at ang iba ay nag sisialisan pa. ang iba naman ay nakatingin sakanilang dalawa. kabaliwan ang tumayo sa gitna ng ulanan hindi ho ba? Depende nalang kung may payong ka
“hoy ekek. wala ka ba talagang balak sumilong?”
“anong sense ng pagsilong natin kung basa nadin tayo?”
“eh kasi naman ikaw!”
“thea. Just enjoy the rain. Nandito tayo para mag enjoy. Ngayon ko lang naranasan maligo ng ganito katagal sa ulan. Ang saya saya pala talaga” walang pakielam si ekek kahit pinag titinginan sila ng mga tao. Unti unti syang lumapit kay thea at niyakap ito.
“salamat thea, maraming salamat”
“masaya ka ba?” pagtatanong nito habang binabalik ang pagkakayakap sa kaibigan.
“sobra” napangiti nalang si thea dahil sa mission success nya.
“uh ekek”
“hmmm?”
“umuulan po kaya. Isa pa pinagtitinginan na tayo”
“ano naman?”
“anong ano naman ka dyan! May problema pa tayo no! si Austin!”
“pfft. Hahaha seloso pala yun”
“malay ko bang online pala sya”
“yieeeeeeeee. Kinikilig sya kasi nagseselos si myloves nya”
“yuck ha ekek. myloves ka dyan” sabi nya pa dito habang naglalakad sila papunta sa sakanyan ng jeep kahit na umuulan. Nung una ay nahihiya pa silang sumakay dahil nga basing basa sila. Pero tinawanan nalang nila yon. Hindi sila nag taxi dahil mas nakakahiya kung mababasa pa ang loob ng taxi. Bago pumasok ng subdivision ang dalawa. pinag tatalunan nila na wag ng ihatid si thea dahil tatlong bahay lang naman ang layo ng bahay nito sa bahay ni ekek.
“nakko. Ekek wag na kasi, mag palit ka nalang ng damit pag dating mo sainyo”
“sige na kahit parang thank you ko nalang to sa ginawa mo ngayon. Tsaka para mag selos si kupal”
“wag ka nga!”
“yieee keleg keleg nayan”
“wushuuu kayo nga bagay ni iris eh” napatawa naman ng malakas dahil sa reaksyon na ginawa ni Kevin na para bang diring diri. Malapit na sila sa bahay nila thea nung natanaw nila si Austin sa tapat nito. Halos matawatawa si ekek sa inaasal ni Austin pero sa kabilang banda eh abot abot na kaba ang inaabot ni thea.
“yo dude” hindi pinansin ni Austin si Kevin sa halip ay tinignan nito si thea.
“may balak ka pa palang umuwi”
“syempre. Bahay kaya namin to” sinubukan ni thea maging normal lang sa harap nito.
“ah oo nga pala. Sige ha. Pasok na ko. baka nakakaistorbo pa ko sa DATE nyo” at talagang pinag diinan pa nito ang salitang date. Na dahilan ng malakas na pagtawa ni Kevin
“pffft. HAHAHAHAHAHAH “
“hoy pg anong nakakatawa ha?”
“pfft. Selos ka dude?”
“HA-HA-HA. Dami ko tawa mga tatlo. Ako selos? Lul!”
“woooh aamin lang e. sige na thea. Bye na. salamat ulit. Nag enjoy ako sa DATE natin” pang aasar pa ni Kevin bago iwanan ang dalawa.
“ah anong tintingin tingin mo dyan?” mataray na tanong ni Austin na parang menopause na babae na. at naglakad ito papasok sa loob ng bahay nila thea.
“feeling mo naman ikaw tintignan ko. yung pinto kaya” hindi nalang sya pinansin nito at umakyat nalang ito sa kwarto nito.
Ngayon hindi nya alam ang gagawin kaya tinawagan nya si iris.
[ano bayan. Ano nanamang problema mo?] bungad agad nito pagkasagot ng telepono. Badtrip din ito sa hindi malamang dahilan dahil sa mga pictures at nagkalat na tsismis sa page ng cu sa fb.
“iris tulungan mo kooooo”
[bahala ka dyan. Makikipag date ka tapos gaganyan ganyan ka. Bye bestieeee] sabay baba nito ng telepono. Haaaay.
Ano nang gagawin ko?!
Xxxxxxx
Guys alam kong sabaw to. kasi dapat talaga sa Sunday pa yung update pero eto lang pampahaba. Banagan po natin ang “oplan-makipagbati-kay-austin” maraming salamat po soon to 21K reads thank youuuuuu
BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.