[28]
“wiheeeeeeeeeeeeeeeeeee. Grabe. Magkikita na kami ni kuya at ni ate nads!!! Yipeeeee” nagingay ako habang nakaupo ako sa shotgun seat ng kotse ni nics.
“THEA ANG INGAY MO” sabay na sabi naman nung dalawa sa likod. Opo dalawa sila. Si ekek at si iris. Hahahaha. Infairness hindi sila nagbabangayan ngayon ah?
“hahahahaha. Bitter lang kayo” sabay naman naming sabi ni nics at nagtawanan, ang sarap talagang asarin nung dalawa. sinadya ko talagang wag pasamahin si Austin dahil makikita sya ni nics. Hindi pa nga alam ni nics na mag kasama kami sa iisang bahay diba? Feeling ko ang sama sama kong kaibigan. Papaliko na kami nung nakaramdam ako bigla ng gutom. 2:45pm na kasi.
“nics daan tayong mcdo!” sigaw ko.
“pag kain yes! Oy libre mo ko thea!” sigaw naman ni ekek dun sa likod.
“bakit ka ba sumama kasi ha?”-iris
“eh ano naman sayo kung sumama ako? wag mo nga kong kausapin ang feeling close mo”-ekek
“oy tama na muna yan. Thea 2:46 na oh. 3pm ang arrival nila. Male-late tayo”-nics
“eeeeeeeeeeeeeeh. Edi sabihin mo nagutom ako.”
“aish. Pasalamat ka hindi kita matiis” nag U-turn sya at umikot sa moa tapos nag take out nalang kami. Tahimik sila ni iris samantalang kami ni ekek nag-aagawa dun sa natirang mcdo fries.
“oy ekek. akin na kasi to”
“ano? Ayoko nga! Isa nalang yan ayaw mo pang patawarin”
“bitawan mo na”
“ayoko”
“ibigay mo na sakin”
“gutom pa ko”
“isang piraso lang yan oh” pero wala akong nagawa dahil nag mamatigas talaga sya.
“osige! Bato-batopik tayo. Kung sinong manalo sakanya huling fries!” sabi ko nang nakaharap sa likod dahil sa shot gun ako nakaupo.
“hoy thea umayos ka nga. Baka mahuli tayo. Umupo ka ng maayos”-nics.
BINABASA MO ANG
MS.NOTHING MEETS MR.POPULAR
Teen Fictionat least i experienced what love feels like. charaught. drama lang yan haha.