Chapter 3

192 7 0
                                    

@Yengkoy para sayo ang chapter na ito. Hahaha


Chapter 3

Parang ang ganda-ganda ng gising ko kaya masaya akong bumangon at lumabas ng kwarto.

"Good mooooorning!" malakas na bati ko.

"Ang aga aga ang ingay mo." sabi ni Maye.

Ngumiti naman ako sa kanya "Eh ang aga aga din nakasimangot ka na.. Tignan mo," turo ko sa mukha niya "Kaya hindi ka gumaganda eh bwahaha."

"'Wag mo 'ko bwisitin ah."

Hindi ko na din siya pinansin at lumapit na ako kay Rachel na naglalagay ng pagkain sa lamesa "Good morning, Rachel."

Ngumiti naman siya sa akin "Good morning.. Mukhang maganda yata ang gising mo."

"Oo naman."

"Malamang dahil lang yun sa lalaki na hindi naman siya gusto." singit ni Maye.

"Alam mo ang epal mo!" sabi ko kay Maye "Hindi ba pwedeng mapanaginipan ko siya ha? Masama na ba 'yun?"

"Drama mo," sabi naman ni Maye "Oh eh anu naman napanaginipan mo?"

Ngumiti naman ako sa kanila at pareho naman silang nandidiri "Niyaya daw niya akong makipagdate.. Tapos dinala niya ako sa isang mamahalin na restaurant tapos bigla siya lumapit sa akin.. malapit na malapit.. Konting-konti nalang mahahalikan na niya ako.. Kaso bigla akong nagising eh."

"Buti naman." sabi ni Maye.

"Okay na din iyon no.. Atleast nandoon na.. Nakikita ko na talaga ang kahihinatnan ng lovelife ko."

"Masyado kang umaasa na magugustuhan ka din niyan ni Van te'h." sabi ni Rachel, sa amin siya lang talaga tumatawag ng Van kay Gio.

"'Yun kasi ang isa sa dahilan kaya ako masaya."

"Huh?" sabi nilang dalawa.

"Sumasaya ako kapag naiisip ko na magiging kami.. Dahil umaasa ako kaya nagkakaroon ako ng lakas ng loob para magawa 'yung gusto kong gawin sa kanya."

"Ano naman gagawin mo?"

"Just wait and see." nakangiti kong sabi.

"Siya nga pala saan kayo sa weekends?" tanong ni Maye sa amin.

"Uuwe ako sa bahay.. Namimiss ko na si Mama at Papa eh." sabi ni Rachel.

"Ikaw Belle?"

"Dito lang ikaw ba uuwe ka din?"

"No. Ayoko makita si Dad. Kinukulit na naman niya ako makipagkita dun sa Joseph na 'yun."

"Oh ayaw mo ba sa kanya?" tanong ni Rachel.

"Ayoko.. Masyado siyang babaero."

"Oayk na 'yun atleast may papatol sayo te'h. Aba! Maswerte ka na.. Malas nga lang niya."

"Umalis ka nga sa harapan ko!" sigaw sa akin ni Maye.

"Joke lang.. Love you te."

"Leche!"

Palihim nalang ako tumawa. Alam ko namang hindi talaga uuwe si Maye, kaya madalas kami din magkasama niyan. Si Rachel kasi umuuwe sa kanila para makasama si Tita. Minsan duon din kami nag-i-stay, mabait naman Mama at Papa ni Rachel.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon