Chapter 22
Pareho kaming hindi bumibitiw sa pagtitigan. Hinihintay niya ang sagot ko pero madaming katanungan ang pumapasok sa isip ko.
"Sigurado ka na sasaluhin mo ako?" nakangiting sabi ko.
"Oo naman."
"Pati ba ang puso ko handa mong saluhin?" lakas-loob na tanong ko. Halatang nagulat siya sa biglang tanong ko. "Biro lang," naiusal ko nalang at pinalo ng mahina ang braso niya at tumawa. "'Wag mo seryosohin 'yon, binibiro lang kita. Basta saluhin mo ako, ah," sabi ko at tumayo.
Naglakad na ako papunta sa slide. Natatakot ako dahil mas'yado itong mataas at malalim pa ang babagsakan ko. Pumuwesto naman siya malapit kung saan ang babagsakan ko. Nanginginig akong humawak sa railings. Nakapako ang tingin namin ni Gio sa isa't-isa pero kinakain pa din ako ng takot. Nilibot ko ang paningin ko, nasa akin na din pala ang tingin ng ibang nagsu-swimming.
"'Wag ka na matakot, hahawakan agad kita," rinig kong sabi ni Gio kaya muli akong napatingin sa kanya.
Dahan-dahan akong naupo sa slide at mas naramdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago ako pikit-matang nagpadulas. Mas humigpit ang pagkakapikit ko ng maramdaman kong bahagyang tumagilid ang katawan ko dahil sa paliko mg slide. Hindi naman nagtagal ay bumagsak na ako sa tubig. Itinaas ko ang dalawang kamay ko sa takot na baka malunod ako. Naramdaman ko naman na may humawak sa bewang ko. Nang makaahon sa tubig, agad akong kumapit sa batok niya sa takot na baka lumubog ako.
"Relax lang," mahinang sabi niya. Nagpakawala nalang ako ng tawa para mabawasan ang kaba ko. Dinala naman niya ako sa gilid para may makapitan ako.
"Salamat," usal ko.
"Gusto mo pa ulit?" tanong niya pero umiling nalang ako na nakapagpatawa sa kanya.
"Hindi ko na uulitin 'yon. Balik mo na ako d'on," sabi ko at tinuro ang kaninang pwesto ko sa six-feet.
Tumatawa naman siya habang kinuha ang kamay ko at nilagay sa balikat niya. Muli niyang hinawakan ang bewang ko at saka siya lumangoy hila-hila ako.
"Mamaya mag-ready na tayo para sa lunch natin."
Tumango naman ako. "Saan tayo kakain?"
"D'yan lang. May gusto ka bang kainin ngayon?"
Napaisip naman ako. "Wala naman. Kahit ano basta masarap."
"S'yempre naman, alangan naman pakainin kita ng hindi masarap."
Ngumuso naman ako. "Malay mo hindi masarap ang pagkakaluto."
"May punto ka nga naman. Dito ka lang muna?" tanong niya at tumango naman ako. "D'on lang muna ako," turo niya sa malalim na parte ng pool. "Babalikan kita dito mamaya." matapos kong tumango ay umalis na siya at lumapit kila Nathan, Mark at Dave.
Pinanuod ko lang silang apat na nagku-kwentuhan d'on. Lumangoy naman ako papunta sa five-feet, tapos lalangoy ulit ako sa may six-feet pero sa gilid na bahagi para may hawakan ako. Paulit-ulit na gan'on lang ang ginagawa ko.
Lumapit naman sa akin si Maye, matapos kong lumangoy papunta sa six-feet.
"Hindi kayo sasabay samin mag-lunch?" tanong niya.
"Baka hindi. Bakit?"
"Wala naman. Namimiss lang kita," nakangusong sabi niya.
Binasa ko naman ang mukha niya. "Kasama mo lang ako kaninang umaga, eh."
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...