Chapter 8
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa sala, kaya bumangon na ako at pumasok sa C.R.. Nang matapos ako ay lumabas ako ng kwarto ko. Nakita ko si Rachel na sumasayaw.
Lumingon siya sa akin at ngumiti "Good morning," bati niya.
"Good morning," nakangiting bati ko sa kanya "Gumagawa ka na ba ng steps para sa sasayawin natin?" tanong ko.
"Oo. Kailangan ko na din matapos 'yun dahil sa sabado na tayo magpaparegister. Kailangan na din natin simulant magpractice."
"Paano 'yun? 'Di ba umuuwe ka sa inyo ng Friday?" tanong ko.
Umiling naman siya "Hindi na muna. Nagpaalam na ako kay Mama at Papa, pumayag naman sila."
"Sino sasama sa atin magparegister?" tanong ko at lumabas naman si Maye sa kwarto niya.
"Si Jaz ang sasama sa atin," sagot ni Rachel.
"Pwede tayong magpractice twing Friday gang Sunday," usal naman ni Maye
Tumingin naman ako kay Maye "Ano palang nangyari sa'yo kagabi?" tanong ko. Pinatay naman ni Rachel ang music at umupo sa sofa.
"Mamaya ko nalang sasabihin kumain nalang muna tayo," sagot ni Maye
"Wala pang pagkain," sabi naman ni Rachel.
"Mag-luluto muna ako," usal naman ni Maye kaya nagulat kami ni Rachel at napansin niya iyon "Bakit?"
"Ikaw magluluto?" tanong ko at tumango naman siya.
"Kalokohan 'yan, Maye!" natatawang sabi ni Rachel.
"Gusto ko lang subukan!" sabi naman ni Maye.
"Utang na loob 'wag ngayon, Maye!" usal ko at dali-daling pumunta ng kusina para maghanap ng maluluto.
Nagluto lang ako ng egg at hotdog at meron pa naman kaming bread. Naupo na kami sa mesa at nagsimulang kumain.
"Baka gusto mo ng ikuwento?" tanong ko kay Maye.
Bumuntong-hininga naman siya "Wala naisip ko lang 'yung sinabi kagabi ni Mommy," usal ni Maye.
"Alin?" tanong ko.
"'Yung about sa pagmemerge ng kumpanya namin at nila Joseph. Kung sakali lang na hindi magegeng relasyon 'yung sa aming dalawa, ano na kayang mangyayari?" tanong niya "At saka, bakit ako pa 'yung napili nila, alam ko na sa kasalan mauuwe 'yun pero bakit ako? Bakit hindi nalang si Ate?" natatawang tanong niya. Hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya. "Kung gan'un pala wala akong ibang choice kung hindi, sagutin talaga si Joseph."
Napatitig lang kami ni Rachel sa kanya. Halos ngayon ko lang din siya nakitang seryoso.
"Mas mabuti kung Daddy mo ang kausapin mo about diyan," usal naman ni Rachel.
"Hindi naman gugustuhin ni Daddy makita ako," malungkot na sabi naman ni Maye "Si Ate lang ang gusto niya palaging nakikita maliban kay Mommy at wala ng iba. Masira man ang araw niya, makita niya lang picture ni Ate masaya na siya," emosyonal na sabi niya "Pag ako ang kaharap niya, wala akong ibang nakikita sa kanya kung hindi galit."
"M-maye," usal ko sa pangalan niya.
"Baka may mga bagay ka lang talaga na hindi mo naiintindihan sa side ng Daddy mo," sabi ni Rachel "May mga magulang, may mataas na expectation para sa anak nila. Maaring hindi mo lang talaga nagagawa ang gusto ng Daddy mo."

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...