Chapter 16
Nagsimula na ang battle of the band kaya wala akong choice kung hindi panuorin ang pagtugtog ng lahat ng kasali. Masasabi ko ding nag-enjoy ako sa banda ng pinsan ni Rachel dahil sa ganda ng boses nito. Pero matapos n'on ay wala na akong interes kahit pa oras na para iannounce ang mga nanalo.
"Kayo nalang umakyat sa stage," usal ko ng tinatawag na ang mga sumali sa sayaw.
"Bakit?" sabay na tanong ni Dave at Mark.
"'Wag niyo na siyang tanungin, halata namang wala siya sa mood. Tara!" sarkastikong sabi ni Maye at agad nanguna sa pag-akyat sa stage.
Naglakad na ako palabas ng backstage pero may humarang sa daraanan ko kaya tiningnan ko kung sino to. Si John.
"Hi ulit!" masayang sabi niya at ngiti lang ang ginanti ko sa kanya. "Ang gagaling niyo palang sumayaw," papuri niya.
Ngumiti ako ng mapait. "Sila lang."
"Hindi. Magaling ka kaya. Lalo na nung ikaw 'yung nasa gitna."
"Talaga?"
"Oo!"
'Buti ka pa sa akin ka nakatingin samantalang siya sa gilid ko.'
"The best 'yung part na ganito," usal niya kasabay ng pagsayaw d'on sa isa sa part ko. Natigilan ako pero agad din akong natawa ng hindi niya malaman kung paano gagawin ng tama 'yon. Sabagay kahit ako d'on din sa part na 'yon nahirapan ng husto. Nagpractice ako ng nagpractice sa may kwarto ko para lang makuha ng tama 'yon. "Buti naman nakangiti ka na." Natigil ako sa pag-iisip at napatingin ng diretso sa kanya. "Simula n'ong sumayaw kayo hanggang kanina ngayon lang kita nakitang ngumiti."
"May iniisip lang," at ngumiti ako ng tipid.
"Congratulations. Nakuha niyo ang third place," aniya na kinagulat ko. "Dapat kayo ang nanalo eh."
Lumingon ako at muling lumapit sa may stage at nakita ko ngang may hawak na silang maliit na trophy at masayang-masaya. Matapos i-announce ang mga nanalo sa dance contest, bumalik na lahat ang dancers sa backstage.
"Paano ba 'yan, kami na ang aakyat sa stage. Congrats ulit!"
"Sana manalo kayo," sabi ko nalang bago siya tuluyan magpaalam.
Lumapit naman ako sa mga kasama ko.
"Nanalo tayo!" masayang sabi ni Maye na tumatalon-talon pa sa harap ni Rachel na natatawa sa itsura niya. At bumaling siya sa akin. "Belle! Nanalo tayo!" patalon-talon siyang lumapit sa akin at inalog-alog ang balikat ko. Inabot naman niya sa akin ang trophy.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang titigan ko ito. 'Nanalo kami!'
"Tuloy na ang outing natin!" masayang sigaw naman ni Dave.
Natapos na din iannounce ang mga nanalo para sa mga banda na sumali, at maswerteng second place ang grupo ng pinsan ni Rachel. Ang grupo nila John ang first place, muli silang tumugtog bago tuluyang tapusin ang contest. Kinawayan ko nalang siya bilang paalam. Umalis na din ang grupo nila Jaz kaya kami nalang ang naiwan para pumunta sa bahay nila Jeff, upang mag-celebrate.
Masaya kaming nakarating sa bahay nila at sumalubong sa amin ang mabangong amoy ng pagkain.
"Kumusta ang contest?" tanong ng isang magandang ginang na sa tingin ko ang Mommy ni Jeff.
"Tita, panalo kami!" si Dave na ang sumagot.
"Epal ka talaga," sita naman dito ni Mark. Kaya natawa kami sa kanila. Pinakilala kami ni Jeff sa Mommy niya at niyakap. Pinatuloy na niya kami at dumiretso sa dinning area nila.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...