Chapter 4

147 7 0
                                    

Chapter 4


Nagising ako sa ingay ng pagdodoor bell, kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko si Maye na nakatayo sa may bintana at mukhang tinitignan 'yung nagdodoorbell sa gate.

"Hoy!" panggugulat ko sa kanya.

"Ano ba?!" sigaw niya sa akin "Bakit ba nanggugulat ka dyan?"

"Eh ikaw, bakit sumisilip ka lang diyan? Bakit hindi mo siya pagbuksan ng gate?"

"Ayoko.. Ano ba naman kasi ginagawa niya at naisipan niya pang pumunta dito?!"

"Sino ba 'yan?" tanong ko.

"Si Joseph."

"'Yung nirereto ng daddy mo?"

"Oo."

"Eh 'di papasukin na natin."

"Ayoko nga.. Saka kung kelan naman patulog na tayo saka siya mang-iistorbo."

"Eh 8 palang naman anong patulog ang sinasabi mo diyan?"

"Ahh basta inaantok na ako para kausapin pa siya!"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Rachel "Bakit hindi niyo pa pagbuksan yung nagdodoorbell?" sabi niya halata sa boses niya na bagong gising palang siya.

"Ayaw papasukin ni Maye si Joseph eh". ako na ang sumagot.

"Joseph? Yung nanliligaw sayo?" tanong niya at tumango naman si Maye "Papasukin mo na 'yung tao, nag-effort pa yun pumunta dito eh at saka haharapin mo lang naman siya." sabi ni Rachel at lumabas ng pinto. Hindi na nakapalag pa si Maye nang si Rachel na mismo ang nagbukas ng gate. Naglakad na sila papunta sa gawi namin.

"Good evening." bungad ni Joseph.

"Pasok ka.." yaya ni Rachel at pumasok ito "Maupo ka na din." at sumunod naman ito.

"Bakit nandito ka?" tanong agad ni Maye.

"Hoy teh! 'Wag ka nga bastos sa bisita." sita ko sa kanya.

"Gusto lang sana kita bisitahin eh." sabi naman ni Joseph.

Tumaas naman ang kilay ni Maye "Bakit may sakit ba ako para bisitahin mo?"

"Hindi lang naman may sakit ang binibisita eh, yung nililigawan din." nakangiti nitong sabi at hindi naman nakasagot ang bruha.

Gusto kong matawa dahil hindi ko alam kung napahiya si Maye o kinikilig dahil biglang namula ang mukha niya.

"Hoy, Belle! Halika na!" tawag sa akin ni Rachel kaya lumapit ako sa kanya "Hayaan na natin sila dito."

"Parang gusto ko yung chocolate na dala niya." naglalaway na sabi ko.

"Intindihin mo yung recitation bukas sa law. Nagreview ka na ba?" tanong niya at umiling naman ako.

Pumunta kami ng kusina ni Rachel at duon sinisilip-silip si Maye at Joseph.

"Bakit hindi ka pa nagrereview?"

"Tinatamad kasi ako eh." sabi ko sabay kamot ng ulo.

"Hindi magandang pag-uugali yan, Belle."

"Alam ko sadyang wala lang talaga ako sa mood pa basahin 'yun. Ang haba-haba kasi 20 articles! Matatapos ba 'yun sa isa't kalahating oras?"

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon