Chapter 5
Mabilis na lumipas ang araw ng Friday sa aming dalawa ni Maye. Excited kami pareho sa magiging date namin sa sabado. Kain, tulog, nuod ng t.v lang ang ginawa namin maghapon ni Maye.
Dumating ang araw ng sabado parehas kaming maaga nagising ni Maye, nasa lamesa kami at kumakain ng early lunch namin.
"Ano ang susuotin mo mamaya?" tanong ko kay Maye.
"Hindi pa nga ako nakakapili eh." nakasimangot na sabi niya "Ikaw ba?"
"Kagabi ko pa iniiisip 'yan pero hanggang ngayon wala pa din ako nahahanap na pwedeng suotin."
"I-videocall mo nga si Rachel. Baka may pwede siyang isuggest sa atin."
Kinuha ko ang phone niya at inilagay sa mesa, nagring lang ng tatlong beses bago niya sinagot.
"Hello?" sagot ni Rachel.
"Ngayon ka palang gumising, 'Chel?" tanong ko sa kanya. Magulo pa ang buhok niya at nakapikit pa ang mata.
"Oo.. Bakit niyo ba inistorbo pagtulog ko?" tanong niya.
"Hindi kasi namin alam kung ano pwedeng suotin mamaya eh." nakangusong sabi ni Maye.
Iminulat naman ni Rachel ang mga mata niya at tinignan kami pareho "Oh, bakit ang aga niyo kumain?" sabi niya at lumingon sa kanan niya "10:30 palang ah."
"Pareho kasi kaming excited ni Maye mamaya eh." nakangiting sabi ko.
"Ano na susuotin namin mamaya?" tanong ulit ni Maye.
Nag-isip naman si Rachel "Simpleng pants at blouse lang okay na iyon 'no." sabi niya.
"Ganon lang?" sabay na tanong namin ni Maye.
"Oo. Bakit saan ba kayo magkikita? 'Di ba sa mall lang naman?" tanong niya at tumango kami "Oh mall lang naman pala. Suotin niyo lang kung saan kayo kumportable saka magflat shoes lang."
"Hindi ba dapat magpa-impress kami sa kanila?" tanong ko naman.
Tinaasan naman niya ako ng kilay "Hindi ikaw ang kailangan magpa-impress. Lalaki dapat ang gumagawa nuon. Sila ang manliligaw hindi babae."
"Eh kaso, hindi naman nanliligaw sa akin si Gio." sabi ko naman.
"Kahit na, dapat ipakita mo pa din kung ano ka talaga. 'Yung totoong ikaw kasi mas madaling magustuhan iyon."
"Bakit ang dami mong alam?" singit naman ni Maye.
"Hahaha!" tawa ni Rachel "Ako pa ba?" mayabang na sabi niya. "Basta simple lang ang suotin niyo, okay na 'yon."
"Sige na, bumangon ka na diyan at kumain. Mag-aayos lang kami ni Belle dito."
"Okay. Mag-ingat kayo at kuwentuhan niyo ako pag-uwe niyo mamaya ah." sabi ni Rachel at ibinaba na ang linya.
Tumingin naman sa akin si Maye "Hindi mo ba kokontakin si Gio?" tanong niya.
"Bakit?"
"Para alamin kung nagreready na siya papunta sa mall mamaya."
Umiling naman ako "Hindi ko kasi alam number niya eh."
Nagtatakang tinignan naman niya ako "Eh paano natin siya mahahanap sa mall mamaya?"
"Maghintay lang tayo sa entrance mamaya duon naman dadaan iyon eh."
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...