Chapter 9
Mabilis lang lumipas ang araw ng Thursday para sa amin. Quiz sa law at recitation lang sa ibang subject ang naganap sa araw na ito. Maaga din kaming natulog, lalo na ako dahil kailangan ko maging maganda para bukas.
At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko! Friday na! Ang araw na magde-date kami ni Gio.
7:00 A.M. palang ay bumangon na ako at lumabas ng kwarto ko. May mga trabahador na din na gumagawa sa kwarto sa second floor sa bahay na ito.
"Magandang-maganda pa ako sa umaga!" masiglang bati ko sa dalawang kaibigan ko. Tumingin naman sa akin si Maye at pinasadahan ako ng tingin. Si Rachel naman ay nasa kusina, nagluluto ng almusal namin.
"Mm, mukhang maganda ang gising mo ah," usal ni Maye at ibinalik ang tingin sa T.V.
"Syempre naman! Ito na ang araw na hinihintay ko 'no!" usal ko
"Sabi sa balita, uulan daw kaya mag-dala ka ng payong," sabi naman ni Rachel.
Ngumisi naman si Maye "Mukhang pati ang panahon hindi nakikisang-ayon sa date n'yo."
"Eh, ano naman? May payong naman para hindi kami mabasa sa daan. At sa mall naman kami pupunta kaya ayos lang," nakangiting sabi ko.
"'Di ba ikaw din Maye, may date ka?" tanong naman ni Rachel at tumango naman ang kausap. "Maiiwan pala ako mag-isa dito," nakangiwing sabi niya.
"Humanap ka na kasi ng boyfriend mo," usal ko naman.
"Oo nga! Para naman si Belle nalang ang walang boyfriend sa 'tin," natatawang usal ni Maye.
Inihain na ni Rachel ang naluto na niyang pancake. Pumunta na kami sa lamesa para kumain. Naupo naman si Rachel sa tabi ni Maye at nasa harap naman nila ako.
"Ayoko maghanap dahil kusa naman dadating 'yun, eh. Kung oras ko na para magka-boyfriend bakit ko naman tatanggihan?" usal niya at naglagay ng pancake sa plato n'ya.
"Para lahat na tayo may lovelife na," masayang sabi ko habang ngumunguya.
"Bakit? Lovelife ba ang matatawag sa inyo ni Gio?" tanong ng kontrabida sa buhay ko.
"Para sakin? Oo. Hanggang nararamdaman ko naman na mahal ko siya, sa tingin ko lovelife na 'yun para sa 'kin. Kahit hindi niya ako gusto."
Nagkatinginan naman silang dalawa. "One sided love," sabay na usal pa nila.
"Mahirap 'yan. Baka mag-expect ka sa kanya ikaw lang ang masasaktan," usal ni Maye.
Umiling naman ako. "Hindi. Masaya naman na ako sa ganito lang. 'Yung makausap at makasama ko siya kuntento na ako."
"Siguraduhin mo lang. Masakit 'yan kubg sakaling mag-eexpect ka sa taong ikaw lang naman ang may gusto. Tandaan mo, wala siyang gusto saya kaya kung ano man ang gawin niya, nakakapanakit man o hindi sa damdamin mo wala kang magagawa o magreklamo man lang," paaalala naman ni Rachel.
"Ano na pala plano bukas?" tanong ko kay Rachel para maiba ang usapan.
"Ah, dadaanan tayo ni Jaz dito bukas. Tapos pupunta naman dito 'yung tatlong lalaki para makisabay na din. Ang pinoproblema ko lang wala tayong sasakyan papunta du'n sa lugar kung saan magpaparegister. Kaya kailangan ko ulit makausap ulit si Jaz," paliwanag naman ni Rachel.
"Pwede naman sa 'kin nalang sumabay 'yung iba," usal naman ni Maye.
"May kotse 'yung isang kaibigan ni Mark, 'di ba?" tanong ko naman at tumango sila. "Eh, di kausapin nalang din natin sila mamaya kung pwede magdala din sila ng sasakyan."

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...