Chapter 11
Maaga kaming pumasok na tatlo para sa accounting namin. Halos 30 minutes pa bago magsimula ang klase ay nandito na agad kami.
"Masyado ka namang seryoso," pansin ko kay Rachel.
"Kailangan 'to para sa weekends konti nalang ang aaralin ko," sagot niya.
"Palibhasa kasi wala kang hilig mag-aral o magbasa man lang," usal naman bigla ni Maye.
"Hiyang-hiya naman ako sa'yo, friend. Para namang aral na aral ka sa mga subjects natin," pang-aasar ko sa kanya. "Kaya pala bagsak ka sa first quiz natin sa management."
Sumama naman ang itsura niya. "Nakalimutan ko kasi magreview n'on. Pero babawi ako sa susunod," sabi niya.
'Di ko na siya pinansin at tumingin nalang ako sa pinto. Inaabangan ko ang pagdating ni Gio. Halos twenty minutes na akong nakatitig d'on pero 'di pa din siya pumapasok.
"C.R muna ako," paalam ko sa kanila at lumabas ng room. Nasa dulo ang CR namin at bababa pa ng hagdan. Parang napapagitnaan ang CR namin sa bawat floor.
Nang makapasok ako d'on ay may ilang estudyante na nag-aayos ng sarili. Pumasok nalang muna ako ng cubicle para gawin ang dapat gawin. Narinig kong bumukas ang pinto ng CR at sakto namang tapos nadin ako, kaya lumabas na ako ng cubicle.
Pagkabukas ko ng pinto ng CR nakita ko si Gio at may kasamang isang lalaki. Pababa sila.
'Saan sila pupunta? Malapit na mag-simula ang klase?'
Nang bahagya silang makalayo sa akin ay sinundan ko sila.
"Balita ko nakipag-date ka?" usal n'ong kasama ni Gio.
"Hmm," sagot niya kasabay ng pagtango.
"Maganda ba?"
"Syempre naman. Simple lang siya at masasabi kong bagay talaga sa akin," nakangiting usal ni Gio.
'Ako? Nababagay sa kanya?'
Hindi ko maiwasan mapangiti. Nakakatuwa din pala sa pakiramdam na pinag-uusapan din ako ni Gio sa mga kaibigan niya.
"Hindi naman si Rachel 'yang tinutukoy mo, 'di ba?" biglang tanong n'ong lalaki kaya napatigil ako sa pag-iisip.
"Sira-ulo!" usal ni Gio at handang susuntukin ang balikat ng kaibigan.
"Haha! Natanong ko lang naman. Parang si Rachel kasi ang pinupunto mo. Eh, kahit anong yaya mo d'on 'di ka naman sumasama."
"Ibang babae ang tinutukoy ko," biglang usal ni Gio. Kaya napangiti ulit ako.
"Iba na pala ang prospect mo, eh, 'di pwede na akong pumorma kay Rachel?"
'Ano bang meron kay Rachel at parang ang dami nagkakagusto sa kanya?' napanguso naman ako sa tanong kong 'yon.
Simula n'ong tumungtong kami ng high school, ang dami na ang nanligaw sa kanya. May mangilan-ngilan naman siya sinagot sa mga 'yon. Isa na sa manliligaw na 'yon si Gio, pero hindi siya sinagot ni Rachel. Bakit kaya?
"Bahala ka na nga d'yan, Nath," usal ni Gio at naunang maglakad sa kaibigan.
Ngayon ko lang napansin na nasa ground floor pala kami. Hindi ba siya papasok? Napatingin ako sa relo ko at start na ng class!
Tumakbo ulit ako paakyat sa third floor. Nang makarating ako sa room ay naglelecture na ang prof namin. Patay! Limang minuto na akong late. Isa pa naman sa rule nang prof namin 'to na bawal ang late.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...