CHAPTER 23Masaya akong naglalakad pabalik sa bar, kung saan iniwan namin ang mga kaibigan namin. Pero agad natigil ang paglalakad ko ng makita ko na parang nagkakagulo d'on. May naririnig ako na pamilyar na boses pero nasasapawan siya ng mga boses ng mga tao na umaawat. Tiningnan ko ang dinaanan ko kanina at tinanaw si Gio, ngunit wala na siya doon.
Mas lumapit pa ako doon, kaya lumilinaw na ang boses na naririnig ko. Nang makilala ko 'yon, agad akong tumakbo at hinawi ang ilang tao na nakaharang.
"Tama na!" sigaw ni Maye habang inaawat si Jeff at Nathan. Nakahiga si Nathan na lupa at nakaibabaw naman si Jeff dito habang sinusuntok.
Lumapit ako kay Maye. "Anong nangyari?" naguguluhan na tanong ko. Hindi niya ako sinagot.
Tumulong sa pag-awat si Joseph sa dalawa pati na din ang iba pa pero hindi nagpapaawat si Jeff.
"Bakit ba ang tagal ni Rachel?" bulong ni Maye at tumakbo papasok ng bar. Sumunod ako sa kanya at nakita kong papunta kami sa restroom. Bago pa kami tuluyan makaabot d'on, lumabas na ng pinto si Rachel. "Rachel!" sigaw ni Maye. Naguguluhan naman siyang napatingin sa amin.
"Oh, bakit?" takang tanong niya.
"Si Jeff at Nathan, nag-aaway!" pagkasabi ni Maye n'on, muli naman silang tumakbo palabas ng bar at wala akong nagawa kung di sumunod ulit sa kanila.
Pagkabalik namin d'on, nag-iba na ang pwesto ang dalawa. Si Jeff na ang nasa ilalim habang si Nathan naman ang nasa ibabaw at sumusuntok kay Jeff. Lumapit agad si Rachel sa dalawa para awatin.
"Tumigil nga kayo!" sigaw ni Rachel at hinihila si Nathan patayo. "Ano bang problema n'yong dalawa!?"
"Bakit ba sila nag-suntukan?" tanong ko kay Maye na nasa gilid ko lang din at nanunuod sa kanila.
"Hindi ko alam. Basta pag-alis ni Rachel papuntang restroom, bigla nalang sinuntok ni Jeff si Nathan."
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din nag-papaawat ang dalawa sa pagpapalitan ng suntok. Tumutulong na ang ibang lalaki sa pag-awat pero pareho pa din nakakawala ang isa sa kanila at muling magkakagulo. Sa muling pag-awat ni Rachel sa dalawa ay hindi sinasadyang maitulak ni Jeff si Rachel kaya napaupo ito sa buhanginan. Dahil sa nangyari, ay napatigil ang dalawa sap ag-aaway at lumapit kay Rachel para tulungan tumayo. Kusa naman tumayo si Rachel habang masama ang tingin sa dalawa.
"Nakakahiya kayonng dalawa," angil nya sa dalawa. Bumuntomg hininga naman muna siya bago tumingin sa mga nakapaligid sa amin. "Pasens'ya na po sa naging abala nila," sabi niya habang nakayuko sa mga taong nakatingin sa amib.
Maging kami ay humingi na din ng tawad dahil sa naging gulo nila Jeff at Nathan. Tahimik lang kaming lahat pagdating namin sa hotel. Lahat kami ay dumiretso sa kwarto nila Jeff, at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila, habang ang mga lalaki na kasama namin ay mga nakayuko o nasa kung saan ang tingin. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Gio.
"Anong meron?" takang tanong niya matapos ilibot ang paningin sa aming lahat. Walang sumagot sa tanong niya.
"Umamin na tayo 'Chel," basag ni Jeff sa katahimikan. "Habang pinapatagal n'yo ang pagpapanggap ni Nathan lalo lang siyang nagkakagusto sa'yo."
Naguguluhan. Iyan ang reaksyon ko sa sinabi ni Jeff. Paanong nangyari na nagpapanggap lang silang dalawa ni Nathan? At sa anong kadahilanan?
"Tumahimik ka muna, Jeff," usal ni Rachel.
"Hindi! Bakit ba kasi hindi mo pa aminin na ako ang boyfriend mo at hindi si Nathan!" inis na sabi ni Jeff.
Masamang tingin ang binigay ni Rachel kay Jeff. "Kung simpleng bagay lang hindi mo maintindihan, tigilan nalang din natin anuman meron sa atin," mariin ngunit kalmadong sabi niya.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...