Chapter 30
Kakatapos ko lang i-send kay Gio ang text ko para makipag-usap sa kanya, nakatanggap ako ng isang text kay John. Gusto niyang makipag-kita dahil may sasabihin daw siya sa akin. Nagdalawang-isip pa ako bago din akong pumayag makipagkita sa kanya.
Sa isang shop malapit lang sa bahay kami nagkita ni John. May drinks at coffee na nakahanda sa table niya. Kumaway siya sa akin ng makita niya akong papalapit sa kanya.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
Umiling naman siya. "Hindi naman. Kararating ko lang din naman."
Medyo natawa maman ako. "Hindi halata sa iniinom mo," sabi ko at muling tumingin sa plastic cup niya na nasa kalahati na.
"Kinakabahan lang," sabi niya kaya nagulat ako.
"Ano pala ang pag-uusapan natin?" Tanong ko nalang at uminom ng coffee.
"Alam ko kung ano na kayo ngayon ni Gio," mabagal niyang sabi. "Alam kong mas'yadong mabilis, pero tingin ko kasi pagkakataon ko na din para mapansin mo ako." Usal niyang ulit. Pareho kaming nakatingin sa isa't-isa, kaya kitang-kita ko ang pagiging seryoso niya. "Pero hindi kita mamadaliin, Belle. Ayokong lumabas na sinasamantala ko ang nararamdaman mo ngayon."
"Sila Maye ba ang nagku-kwento sa'yo?" Usal ko habang nakakunot ang noo.
Matagal bago siya tumango. "Ako din ang nangungulit sa kanila. Gusto kitang kumustahin kaso iniisip ko baka naiilang ka na sa akin."
Gusto kong aminin sa kanya na dahil sa sinabi niya na gusto niya ako, kahit papaano nagulo ang isip ko. Gusto kong sabihin sa kanya na natutuwa ako dahil sa wakas may nagkagusto sa akin na hindi pilit.
'Gusto kong sabihin sa'yo na masaya ako kasi gusto mo ako kahit wala akong ginagawa para magustuhan mo ako.'
"Handa naman akong maghintay hanggang sa maging ready ka," muli niyang sabi. Hindi ko magawang sumagot sa kanya. Wala akong ginawa kung 'di tumingin lang sa mga mata niya. "Kahit gaano katagal hanggang sa handa ka na ulit, Belle."
Umiling naman ako. "Ayoko." Sabi ko na ikinagulat niya.
"Anong ayaw mo?" Takang tanong niya.
"Ayokong maghintay ka sa akin."
"Bakit?"
"Nakakasiguro ka bang magugustuhan kita? Nakakasiguro ka ba na kapag handa na ulit ako ikaw ang pipiliin ko? O 'di kaya, handa na ako pero may iba ka na palang gusto, kasi aasa ako." Tanong ko sa kanya. Kita pa rin ang gulat sa kanya. "Ayokong maghintay ka at umasa na kagaya ng ginawa ko. Ayoko ding panghawakan ang mga sinasabi mo dahil natatakot ako kasi baka magbago ang nararamdaman mo."
'Gusto ko lang protektahan ang puso ko, John. Mas'yadong masakit ang nararamdaman ko ngayon.'
Ngumiti naman siya ng bahagya. "Nahintay naman kita ng matagal."
"Alam ko pero kasi—"
"Hindi mo lang ba ako bibigyan ng pagkakataon?" Tanong niya. "Hindi naman kita mamadaliin, Belle. Ang gusto ko lang naman maiparamdam ko sa'yo na karapat-dapat kang mahalin na hindi niya nagawa. Gusto ko lang maipakita sa'yo kung paano ang isang tunay na relasyon, seryoso at walang laro."
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...