Chapter 18

89 4 0
                                    


Chapter 18

Umahon na din agad ako para sundan sana si Gio, pero ako na din ang kusang tumigil.

'Tama 'yan, Gio. Nalaman mo na hindi ikaw ang kailangan ni Rachel.'

Ilang minuto pa ako nanatili sa pool bago ako bumalik sa kwarto para magbanlaw. Saktong pagtapos ko maligo ay siyang pagdating ni Maye.

"Magmemerienda daw tayo d'on sa may beach," sabi ni Maye bago tuluyan pumasok sa banyo. Hindi naman siya nagtagal sa loob ng banyo. "After daw n'on magswimming daw tayo sa dagat kapag hindi na gaanong maaraw."

"Sige," malamyang sagot ko.

"Grabe, ang saya mag-slide. Mamayang gabi i-try mo."

"Hindi na."

"Ay, anong drama mo?"

"Wala."

Huminto siya sa pagbibihis at humarap sa akin kaya tumingin din ako sa kanya. "May problema ka na naman ba kay Rachel?"

Nag-iwas naman ako ng tingin. "Wala naman saysay kung sasabihin ko sa'yo, Maye," usal ko na ikinanuot niya ng noo. "Dahil kahit ano naman sabihin ko, si Rachel pa rin naman ang papanigan mo."

"Wala akong pinapanigan sa inyo ni Rachel. Sadyang wala lang sa lugar 'yang pag-aasal mo nitong mga nakaraan."

"Hindi niyo nga kasi ako naiintindihan." bulong ko na mukhang hindi naman niya na narinig.

Totoo naman na wala ni isa sa kanila ang naiintindihan ang parikamdam ko. Dahil lahat sila kahit ano ang gusto nakukuha. Eh, ako? Kahit anong paghihirap gawin ko, wala ding nangyayari. Noong una, ayos lang nakakaya ko pa. Pero habang tumatagal na nakakasama ko siya, lalong hindi ko matagalan ang sakit kapag nakikita ko siyang nakatingin kay Rachel.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto.

"Tara na!" sigaw ni Maye na nasa labas na pala ng pinto.

Bumangon na ako at agad na sumunod sa kanya. Kumpleto na ang grupo maliban lang kay Gio. Agad naman akong lumapit kay Nathan na nakasunod lang sa likod ni Rachel.

"Nasaan si Gio?" tanong ko.

"Nasa kwarto pa siya, pero susunod daw siya sa atin," sagot niya habang hindi pa din inaalis ang tingin sa likod ni Rachel.

"Bakit hindi mo siya tabihan?"

"Sino?" tanong niya at tumingin sa akin.

Ngumiti naman ako. "Si Rachel, malamang."

"Mamaya nalang, may kausap pa siya." patungkol niya kay Jeff.

"Pero ikaw naman siguro may mas karapatan, ikaw ang boyfriend," kunot-noong sabi ko pero isang tipid na ngiti lang ang sinagot biya sa akin.

Ilang minuto lang pagkarating namin sa restaurant na kakainan namin ay dumating si Gio. Maswerte naman na ang bakanteng upuan na natira ay nasa tabi ko.

"Bakit natagalan ka?" tanong ko sa kanya ngunit wala akong sagot na natanggap mula sa kanya. Seryoso lang ang tingin niya at parang wala sa mood.

Natapos kaming kumain ay naglakad-lakad kami malapit sa dagat. Pero ni isang salita wala akong narinig mula kay Gio. Halos lahat sila masaya maliban lang sa amin dalawa ni Gio na walang ginawa kung 'di tingnan lang sila. Nagkukuhanan na sila ng picture sa dagat.

"Hoy! Kayong dalawa! Sumali naman kayo!" sigaw ni Maye.

Tumingin ako kay Gio pero nasa kung saan ang kanyang tingin. "Gio?" tawag ko sa kanya, pero hindi siya lumingon sa akin. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay niya at walang-alinlangan na hinawakan ito at hinila siya. "Magpapicture tayo," sabi ko at tiningnan siya ng nakangiti. Wala akong nakitang reaksyon sa kanya pero nagpapasalamat din ako dahil hindi siya umayaw. "Kuhanan mo kami," sabi ko kay Maye at nilagpasan ito.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon