Chapter 19

70 4 0
                                    



Chapter 19

"Kahit ngayong gabi lang, pwedeng ako nalang muna intindihin mo, pwede ba?" lakas loob kong tanong sa kanya. Nanlumo ako ng bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Inubos niya ang alak sa hawak na bote. "Pasensya na sa nasabi ko."

"Pasensya na din," usal niya habang nakatingin kay kuyang singer. "Hindi ko pa talaga mabigay sa'yo ang buong atensyon ko."

"Bakit?"

"Umaasa pa din ako."

Kung anong ginagawa ko, gan'on din ang ginagawa niya. Para tuloy nakikita ko ang sarili ko sa kanya na umaasa. Siya umaasa sa taong kay Rachel at heto ako, umaasa sa kanya.

"Tingin ko, hindi mo na kailangan umasa sa kanya, Gio," nakangiwing sabi ko. Hinintay ko siyang lumingon sa akin at hindi naman ako nabigo. "Wala ka ng pag-asa ngayon sa kanya dahil may boyfriend na si Rachel."

Dumating ang dalawa pang bote na inorder niya pero hindi niya inalis sa akin ang tingin niya. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya dahil sa sinabi ko, bagay na ikinatuwa ko.

"Nakakatawang isipin na, may nobyo siya pero nagawa niyang magpahalik sa ibang lalaki."

"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong niya.

"So, hindi mo din pala napansin n'on?" tanong ko pero hindi ko na siya hinintay sumagot. "N'ong sumayaw kami, kitang-kita ni Maye na hinalikan ni Jeff si Rachel. At ang masama pa, nobyo niya pala si Nathan."

Natigilan ako ng marinig ko ang malutong niyang pagmumura pagkatapos mag-iwas ng tingin sa akin. Muli naman siyang lumingon sa akin, nawala ang emosyon sa mukha niya habang masama ang tingin sa akin.

"Kelan mo pa nalaman?" tanong niya.

"K-kanina lang," takot na sabi ko.

Tumango-tango naman siya. "Kaya pala. Hindi ko alam tinatarantado na pala ako ng kaibigan ko," at tuloy-tuloy na nag pag-inom niya.

"Pasensya na, hindi ko na dapat sinabi pa 'yon."

"Mabuti nga sinabi mo. Baka tuloy pa din sila sa panloloko sa akin."

Pinanood ko nalang siyang uminom ng uminom. Marami na siyang alak na iniinom pero nawalan ako ng lakas para pigilan siya. Biglang tumunog ang phone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Maye at hinahanap kami.

To Maye: Nandito lang kami sa isang bar na nadaanan natin kanina.

From Maye: Mahigit isang oras na kayo d'yan wala pa ba kayong balak umuwe?

Sumulyap ako kay Gio na abala pa din sa pag-inom niya. Napansin ko na naging mapungay na ang mata niya at namumula na din ang kanyang mukha.

To Maye: Tingin ko mamaya din siguro ay uuwe na kami.

From Maye: Hindi ka naman siguro uminom, 'di ba?

To Maye: Hindi.

Pagkasend ko ng message na 'yon ay nakarinig ako ng mahinang pagbagsak. Gulat akong napatitig sa nakapatong na ulo ni Gio sa mesa. Nakapikit na siya at mahinang humihilik.

"Gio?" tawag ko sa kanya at bahagyang inalog ang balikat niya pero hindi siya nagmulat. "Gio, gising," panggigising ko muli sa kanya pero walang nangyari.

Lumingon-lingon ako sa paligid para maghanap ng waiter pero abala ang mga ito sa ibang customer. Sinulyapan ko ang mga bote ng alak na nainom ni Gio bago ko muling tingnan ito.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon