Chapter 7

120 5 0
                                    


Chapter 7

Maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng breakfast namin. Kinatok ko na ang kwarto ng dalawa para yayain kumain pero hindi sila sumasagot.

"Kakain na!" sabi ko kay Maye ng makapasok ako sa kwarto niya. At lumipat ako sa kwarto ni Rachel "Gising na. Kakain na" sabi ko at hininaty sila sa lamesa.

"Anong trip to, Belle?" tanong ni Rachel, pagkalabas niya ng kwarto.

"Kakain na tayo para makapasok na." sagot ko. lumabas na din si Maye sa kwarto niya.

"Seriously? 5am palang." Inaantok na sabi niya at natigilan ako.

Tinignan ko ang orasan at 5am pa nga lang.

"Hala!" yan nalang ang nasabi ko.

"Inaantok pa ako." Humihikab na sabi ni Rachel.

Nahiga naman si Maye sa sofa "Bakit ba ang aga mo nagising?" tanong niya.

Nagkibit balikat naman ako "Hindi ko alam. Feeling ko ang ganda ng pakiradam ko ngayon." Sabi ko

"Mag-exercise tayo." Yaya naman ni Rachel.

Tumayo naman si Maye "Tutal maaga pa naman magandang idea nga 'yan."

"Mapapagod lang tayo nyan." Angal ko naman.

"Maganda para sayo 'yun para pumayat-payat ka naman." sabi ni Rachel.

"Sasabihin ko nga kay Mommy na lagyan ng space para sa mga gym equipment." Sabi ni Maye "Tapos space nadin natin para pag-praktisan natin sa pagsayaw."

"Oo nga para hindi tayo dito sa sala." Sabi ko.

Isinalang ni Maye 'yung exercise na gagayahin namin. Matapos niyon ay kumain na kami at naghanda para sa pagpasok.

"'Wag mo kalimutan sabihin kay Gio na wala kang pasok ng Friday." Sabi ni Rachel pagkasakay namin sa kotse ni Maye.

Ngumiti naman ako sa kanya "Buti pinaalala mo."

"Ulyanin." Rinig ko pang sabi ni Maye.

Nakarating kami sa school. Pumunta na si Rachel sa klase niya at ganoon din kami.

"Ano bang feeling kapag nasa date ka?" tanong ko kay Maye pagkaupo namin.

Ngumiti naman siya "Syempre masaya at nakakakilig."

"Ano pa?"

Nag-isip naman siya "Basta 'yung feeling na nakalutang. Saka 'di ko din naman masyadong maramdaman dahil mas nag-alala ako sayo."

"Dahil doon sa hindi pagsipot sa akin ni Gio?"

Tumango naman siya "Kaya baka magda-date ulit kami." Nakangiting sabi niya.

"Taray!" panunukso ko sa kanya "Sana talaga sa Friday matuloy na kami."

"Sana nga. Kasi pag hindi pa? Naku! Pati ang langit hindi sumasang-ayon para sa inyong dalawa." Sabi niya

"Grabe ka! Idamay daw ba ang langit." sabi ko at iniiwas ko ang paningin ko.

Dumating ang professor at masaya ang naging lecture namin. Pati na din sa second subject namin kaya naging mabilis lang ang oras. Dumating ang breaktime namin kaya pumunta na kami ng freedom park para makipagkita kay Rachel.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon