Chapter 21

85 5 0
                                    



Chapter 21
           

Ang kinang sa mga mata niya, gusto ko sa akin na matuon ang mga 'yon. Ang tipid na ngiti sa kanyang labi na sana ako na ang magiging dahilan.

"Gio," tawag ko sa kanya. Bahagya niyang itinagilid ang mukha niya sa akin pero ang mga mata niya ay nakatuon pa din sa kaibigan ko. "Pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo?"

"Pabor?" tanong niya at lumingon na sa akin. Tumango naman ako sa kanya. "Anong pabor naman 'yon?"

Tumitig ako sa kanya. Nararamdaman ko na ang kaba na dumadaloy sa sistema ko. Ilang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako humugot ng lakas ng loob. "Pwede bang hilingin ang isang buong araw mo bukas?" dahan-dahan kong tanong sa kanya. Napamaang naman siya sa sinabi ko, kaya ngumiti ako. "Christmas gift mo lang sa akin, pwede ba?"

Unti-unti naman nagpakita ang kanyang ngiti. "Oo naman. Sa'yong-sa'yo ako bukas," sabi niya at pinisil ang kaliwang pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa naging sagot niya. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagtanggi niya, kaya hindi ko inaasahan ito.

"Seryoso ka?" masayang tanong ko sa kanya.

"Oo nga. Ano ba ang gusto mong gawin bukas?" tanong niya matapos uminom sa baso niya.

"Kahit anong pwedeng gawin bukas. Ayos lang sa akin kahit ano basta ikaw ang kasama ko," mabilis na sagot ko.

Ngumiti naman siya. "Ako na ang bahala sa'yo bukas."

Masaya natapos ang gabi namin. Nang makabalik kami sa hotel namin ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Si Maye naman ay tinulungan muna ni Joseph madala sa kwarto namin. Bagsak na agad siya dahil sa nainom marahil niya at sa pagod.

Nakhiga na ako at gusto ko ng matulog pero ang diwa ko ay gising na gising pa din. Blanko ang utak ko pero parang ang dami kong gustong isipin. Ang ngiti sa labi ko na hindi maialis-alis. Ang kaba at saya na nararamdaman ko ay lalong lumalala.

Hinawakan ko ang magkabilang pingi ko. "Hindi naman siguro ako nananginip, hindi ba?" tanong ko sa sarili ko at tinapik-tapik ang dalawang pingi ko. "Totoo nga!" impit kong sigaw. Mahigpit kong niyakap ang unan ko at saka tumagilid sa pagkakahiga. "Thank you, Lord," masayang usal ko pa bago napagdesisyunan pilitin na matulog.

Nagising ako ng may marinig akong kumakatok sa pinto ng kwarto namin. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, mag-a-ala sais palang ng umaga. Muli na naman kumatok ang nasa pinto kaya bumangon na ako.

"Sino 'yan?" inaantok na tanong ko habang naglalakad papalapit sa pinto.

"Ako 'to, si Gio," usal nito. Napatigil ako sa paglalakad. Ilang segundo pa akong na-blanko bago natarantang kumilos.

"Sandali lang," usal ko at patakbong pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Patakbo muli akong pumunta sa pinto, pero bago buksan ay inayos ko muna ang buhok ko.

"Good morning," bungad niya sa akin pagkabukas ko ng pinto.

"Good morning," bati ko sa kanya at tiningnan ang hawak niya.

"Ihahatid ko lang 'tong breakfast mo," usal niya at inabot sa akin ang hawak niyang tray. Toast bread, egg, ham at hot choco ang nakalagay na pagkain sa tray.

"Para sa akin lang?" takang tanong ko at tumango naman siya.

"Para sa'yo lang."

"Sabay na tayo kumain?"

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon