Chapter 17

71 4 0
                                    



Chapter 17
           

Maaga kaming gumising para maaga din kaming makaalis. Nagulat nalang ako na nandito na sila Jeff para sunduin kami. Limang araw kami d'on kaya halos ilagay ko na lahat ng gamit ko sa bag na bitbit ko. Isang malaking van naman ang sasakyan namin, sampu lahat kami kasama na din ang driver.

"Excited na ako," masayang sabi ni Maye. "Gusto ko na mag-swimming."

"Ako din!" ani ko. Nakangising tumingin naman sa akin si Maye.

Dumiretso kami ng airport at halos dalawang oras pa ang hinintay namin para sa flight namin. Wala pang isang oras ang biniyahe namin sa eroplano. Pagbaba namin d'on ay may naghihintay na sasakyan sa amin para maghatid sa hotel ng tita ni Jeff.

Magtatanghali na ng makarating kami d'on. Nilanghap ko ang sariwang hangin ma tumatama sa mukha ko. Nilibot ko din ang paningin ko. Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ang asul na dagat.

"Grabe! Ang ganda dito," bulalas ko.

"Pumasok na muna tayo," sabi ni Jeff, at siya na ang naunang pumasok, sumunod kaming lahat. Dumiretso ang mga ito sa reception habang ako naman ay pumunta sa isang sofa at doon naupo.

Tumabi naman sa akin si Gio, kagaya ko nililibot din niya ang kanyang paningin. Lumapit naman sa amin si Jeff at ang iba pa.

"Ito ang susi niyo," abot ni Jeff kay Maye. "D'yan kayong dalawa ni Belle," dagdag niya pa. "Ito naman sa aming mga boys." pakita niya ng susi nila.

"Eh, si Rachel?" tanong ni Nathan.

"Kumuha ako mg sariling kwarto ko," sagot ni Rachel.

"Bakit?"

"Gusto ko mag-solo," sabi  niya at nauna ng maglakad.

Muli ko ng binuhat ang bag ko at nagsabay na kami ni Maye maglakad patungo sa kwarto namin.

Nag-aayos na kami pareho ni Maye ng gamit ng muli kong maisip ang pagsosolo ni Rachel ng kwarto.

"Bakit pala nag-solo si Rachel?" tanong ko. Tiningnan ko ang kama namin, malapad naman ito at sa isang kama lang magkakasya na kaming tatlo.

"Nagtataka ka pa?" takang tanong niya at tumigil naman siya sa pag-aayos ng gamit. Tumingin siya sa akin kaya tumango naman ako bilang sagot. "Malamang ayaw niya lang muna madikit sa'yo. Baka daw kasi hindi ka maging kumportable kapag magsasama tayo sa isang kwarto."

"Ang arte," wala sa sariling sabi ko.

Nakakainsultong tumawa naman si Maye. "Maarte? Haha! Kung maarte siya, ano 'yang inaasal mo?" seryosong tanong niya. "Kontrolin mo 'yang emosyon na lumalabas sa'yo, baka nakakalimutan mo, 'yung lalaking gusto mo walang gusto sa'yo," mataray na sabi niya at muli nang itinuloy ang pag-aayos ng gamit niya.

Ilang sandali pa ako natigilan bago tuluyan makarekober sa sinabi niya. Napapansin ko na din naman ang palaging pag-sang-ayon ni Maye kay Rachel kaya malamang hindi ako ang kinakampihan niya. Tahimik nalang namin itinuloy ang pag-aayos ng gamit at nang matapos ay agad akong nahiga sa kama ko. Mabuti nalang ang kama na napunta sa akin at malapit sa bintana. Kitang-kita ko ang asul na dagat pati na ang ilang mga bangka.

Sabay kaming napalingon ni Maye ng may kumatok sa pinto ng kwarto namin.

"Kakain na daw tayo," rinig kong usal ni Mark.

Sabay kaming lumabas ni Maye at nakita kong naghihintay na silang lahat sa amin. Nang makalapit na kami sa kanila ay sabay-sabay na kami naglakad. Dumiretso kami sa isang kainan na nasa loob lang din ng resort na ito.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon