Chapter 13
Gaya ng nakaraang pag-pa-practice namin ay pagkatapos sumayaw ng ilang beses ay papanuorin ang video. Pero mas maganda na ang pagsasayaw ko. Kasabay ng pag-ayos ng sayaw ko ay ang unti-unting paglayo ko kay Rachel.
Kahit nagpapractice kami ay sinusubukan ko talaga siyang iwasan. Pero kapag pinupuri naman niya ang pagsasayaw ko ngiti lang ang iginaganti ko at saka mag iiwas ng tingin. Ayaw ko muna siya makausap dahil baka hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Hoy!" tawag pansin sa akin ni Maye kasabay ng pagtapik. "Napapansin ko na hindi mo pinapansin si Rachel," bulong niya at tumingin sa gawi ng apat pa naming kasama. Ginugulo n'ong tatlong lalaki si Rachel sa pagluluto.
Umiling ako. "Hindi ako umiiwas 'no."
Ngumisi naman siya. "Lokohin mo na lahat 'wag lang kaming mga kaibigan mo. Hindi lang ako ang nakakapansin, lahat kami!"
"Naiinis kasi ako!" pag-amin ko.
"Kay Rachel?"
"Kanino pa ba?" balik-tanong ko sa kanya.
Tumaas naman ang kilay niya. "May nagawa ba sa'yo si Rachel?"
"Paano, hindi naman niya sinasabi sa akin na nagtetext pala sa kanya si Gio. O sabihin na nating textmate sila."
"Ano bang ibig mong sabihin d'on?"
Nagpakawala muna ako ng hininga bago sumagot sa kanya. "Na-wrong send last week si Gio sa akin. Sinasabi niyang masaya siyang makita si Rachel kahit hindi siya ang dahilan ng kanyang pagtawa."
"Pero walang kasalanan d'on si Rachel. Si Gio ang nagtetext sa kanya at hindi ang kaibigan natin," idiniin niya talaga ang huling salita.
"Kung kaibigan ko siya sana sinabi niya sa akin. Siguro si Gio ang nagtetext sa kanya n'on. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din siya nagsasabi sa akin na nagtetext sa kanya si Gio."
Tama. Isang linggo na ang nakalipas simula n'ong gabi na ma-wrong send si Gio sa akin. 'Yun 'yung araw na nanood si Gio sa practice namin. Hindi ko alam kung kelan pa sila nagkakatext dahil wala naman silang sinasabi sa akin. Kaya kahit sa school hindi ko pinapansin si Rachel. Si Rachel lang talaga dahil hindi ko matiis si Gio. Lagi siyang nakangiti sa akin at ako na ang madalas na kinakausap niya kaysa sa mga kaibigan niya.
Hindi ko na muna siya niyaya na manuod ng practice namin dahil ayoko na may magbago na naman sa amin ng dahil kay Rachel.
"Sinabi ba sa'yo ni Rachel na nagtetext sa kanya si Gio?" tanong ko kay Maye. Umiiling naman ito.
"Hindi. Hindi ko sinasadyang malaman 'yon. Pumunta ako sa kwarto ni Rachel dahil hinahanap ko 'yung suklay ko tapos biglang tumunog 'yong phone ni Rachel. Hindi ko muna pinansin 'yon, pero n'ung sunud-sunod na d'on ko lang tiningnan dahil baka importante. 'Ayun! Si Gio nga."
"Nalaman mo na pala bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Dahil alam ko ganyan ang magiging actions mo. At pinatunayan mo lang na mas mahalaga nga si Gio kaysa sa kaibigan mo," nakangiwi at mapait na sabi ni Maye.
"Anong gusto mong gawin ko? Magpatay malisya nalang? Hayaan nalang na saktan nila ako?" inis na sabi ko sa kanya.
Mas lalo naman kumunot ang noo niya. "Eh, ano ba kayo?" isang tanong niya lang pero agad akong natigilan. "Wala naman kayong relasyon ni Gio para masaktan ka ng ganyan, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...