Chapter 24

83 5 0
                                    



Chapter 24

Nakabalik na kami ng Manila na walang naririnig mula kay Rachel. Pagdating namin sa bahay wala din siya doon. Pati ang mga gamit niya ay wala na sa kanyang kwarto.

"Baka umuwe na sa kanila," usal ni Maye. "Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin sa'yo, uuwe din pala muna ako sa amin. Doon na ako magce-celebrate ng New Year. Gusto mo bang sumama?" tanong niya habang nag-aayos ng gamit.

"Hindi na, ayos lang ako dito."

"Hindi ka ba uuwe sa inyo?" tanong n'ya at tumingin sa akin.

Umiling naman ako. "Ipapadala ko nalang sa kanila 'yong binigay ni Rachel para kay mama."

Matapos mag-ayos ni Maye ng gamit ay agad din itong umalis.

Pagbalik ko sa kwarto, sinubukan kong tawagan si Rachel pero kagaya pa din ng mga nakaraang araw ay nakapatay pa din ang cellphone niya. Maging ang iba namin nakasama ay tinatawag ko pero wala din silang balita kay Rachel.

'Magbabagong taon akong mag-isa.'

Hindi ko inaasahan na ngayong taon, ako lang pala ang mag-isang magdidiwang ng pagpalit ng taon. Oras na para matulog ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" sagot ko.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang magsalita. "Kumusta?"

"Sa tingin ko ayos lang naman ako. Ikaw?"

"Sa tingin ko hindi." Sagot niya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nanatili lang akong tahimik. Halos isang minuto na kaming tahimik ng muli siyang magsalita. "Galit ka ba sa akin?"

"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"Hindi na kasi tayo nakapag-usap simula noong araw na 'yon."

"Ano ang tungkol d'on?"

"Gusto ko lang malaman ang totoong nararamdaman ko, Belle." Usal niya.

"'Wag na nating pag-usapan pa 'yan, Gio."

"Pero gusto kong sabihin sa'yo."

"Huwag na kung masasaktan lang ako. Tanggap ko naman na hindi ako ang gusto mo. Hindi mo na kailangan pilitin ang sarili mo pakisamahan ako kung wala naman talaga."

"Kung sasabihin ko ba sa'yong meron, maniniwala ka ba?" sabi niya.

Ngumiti naman ako. "Maniniwala ako kasi ikaw 'yan. Pero 'wag mo naman akong paasahin sa wala, Gio. Kung wala, wala. Ayos lang sa ak—"

"Labas ka," putol niya sa sinasabi ko.

"Huh?"

"Labas ka. Nandito ako sa labas."

Nagtataka man, bumangon ako at naglakad palabas ng kwarto. Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang nakatayo sa labas ng gate. Dali-dali kong binuksan ang pinto at pinuntahan siya.

"Hi." Bungad niya sa akin pagkabukas ko ng gate.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.

"May gusto kasi akong makita, eh." Sabi niya at ngumiti.

"Wala dito si Rachel," usal ko.

Agad naman siyang umiling. "Hindi naman siya ang gusto kong makita. Ikaw."

"Ako?" tanong ko at tumango naman siya. "Ano ang kaila--"

Muli akong natigil sa pagsasalita at gulat sa ginawa niya. "Happy new year, Belle," bulong niya sa tainga ko habang nakayakap sa akin. Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. "Gusto kong humingi ng sorry sa mga nagawa ko sa'yo. Alam ko namang nasasaktan kita pero binabalewala ko lang."

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon