Chapter 2
Belle POVNakarating na kami sa bahay pero si Gio pa din ang bukam-bibig ko "Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala." nakangiting sabi ko.
"Grabe! Pang ilang beses mo na 'yan sinabi." nakasimangot na sabi ni Maye.
"Dito na talaga magsisimula ang aking lovellife!"
"'Wag masyadong mataas ang pangarap, baka pag nahulog ka walang sumalo sayo." sabi ni Rachel.
"Syempre gagawa ako ng paraan para pansinin niya ako."
"At anong paraan naman yon?" tanong ni Maye.
"Bakit ko sasabihin sayo? Malay ko ba kung kumukuha ka lang ng idea sa akin para gawin mo din sa crush mo." nakangusong sabi ko.
"Hoy! FYI, hindi ako ang nagpapapansin sa kanila 'no, sila 'tong nagpapapansin sa akin."
"Sige marangap ka din ng gising." sabi ni Rachel, napasimangot naman si Maye.
"Hahaha!" tawa ko sa kanya at pagturo sa mukha niya "Ahh walang kakampi!" dagdag ko.
"Wala akong kinakampihan sa inyo 'no," sabi ni Rachel "Sinasabi ko lang 'yung gusto kong sabihin dahil ayoko umasa kayo dyan sa mga iniisip niyong mga bagay-bagay at kayo din ang masasaktan sa huli."
"Ahh basta ako, sisiguraduhin kong hindi ako masasaktan."
"Pero lahat ng umiibig, nasasaktan," sabi ni Rachel
"'Wag ka masyadong kontra te'h." sabi ko "Masyado kang nega eh."
"Hindi ako nega." sabi niya "Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Maging masaya nalang kayo sa amin ha?" pangungumbinsi ko sa kanila.
"Walang kayo." sabi ni Maye.
Bumuntong hininga naman ako "Sa ngayon, Oo. Walang kami. Pero sisiguraduhin ko nga na magkakaroon ng kami okay?" sabi ko "Wala ng kokontra."
"Nawawala pala pagkashunga mo kapag inlove ka!"
"Hahaha 'yan ang sinasabi nilang power of love."
"Eh?" sabi nilang dalawa at ngumiti naman ako sa kanila.
"Tigilan mo na nga 'yan. Maghain ka na ng pagkain nagugutom ako." sabi ni Maye.
"Ano ako katulong mo?" sagot ko sa kanya.
"Doon muna ako sa kwarto ko.. Maaga pa para sa akin kumain eh."
"Kahit merienda lang 'Chel?" tanong ni Maye.
"Sige kapag kumalam 'yung tyan ko." nakangiting sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.
"Ako din magpapahinga muna ako." sabi ko.
"Bahala kayo, lalabas muna ako, kakain ako mag-isa."
"Pasalubong ha?" nakangiting sabi ko.
"Oh sige 'yung resibo ng kakainin ko." sabi niya kaya napangiwi ako "Hahahaha!" tumatawa siya habang naglalakad palabas ng bahay.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga. Naririnig ko naman yung tugtog sa kabilang kwarto, iyon 'yung kwarto ni Rachel. Hindi ko naman maiwasan mapaisip
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomansaSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...