Chapter 20
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tapik na nararamdaman ko sa pisngi ko. Bumungad sa akin ang kunot-noong itsura ni Maye.
"B-bakit?" inaantok na tanong ko.
"Hinintay kitang bumalik di ka naman dumating."
"Bigla kasi akong inantok," pagpapalusot ko.
"Pero bakit naman hindi ka man lang nagbanlaw? Natulog kang basa ng ulan."
"Tinamad na ako."
Hindi na siya nagsalita. Nag-abot siya sa akin ng isang paper bag at ng tingan ko ito, may lamang pagkain. Tumingin ako sa orasan at nakita kong lagpas na pala ng ala-una.
"Kumain ka na."
"Salamat," sabi ko at tinulungan niya ako sa pag-aayos ng makakain ko. "Saan kayo kumain?"
"D'yan lang sa restaurant ng tita ni Jeff. Malakas pa din kasi ang ulan kaya hindi na kami lumayo."
"Bakit pala hindi mo nalang ako ginising?"
"Ginigising kita kanina hindi ka naman magising kaya sabi ni Rachel hayaan nalang kita matulog at dalhan nalang ng pagkain."
"Gan'on ba?"
Tumayo siya ng diretso at tumingin sa akin ng seryoso. "Sabihin mo may nangyari ba?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "Dumating si Gio pero wala ka naman. Ang sabi mo maghahatid ka lang ng pagkain niya bakit siya ang dumating imbes na ikaw?"
"Nagkasagutan kasi kami," pag-amin ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumungo. Nakatitig nalang ako sa pagkain na nasa harap ko. "Masama ba na sabihin ko sa kanya na 'wag na siyamg umasa kay Rachel?"
"Sinabi mo 'yon!?" gulat na tanong niya at tumango ako.
"Wala naman na kasi siyang aasahan kay Rachel dahil may boyfriend na siya. Nag-aalala lang ako sa kanya."
"Pero kasi hindi mo pa din dapat sinabi 'yon."
"Bakit hindi? Hahayaan ko nalang siya na umasa sa taong hindi siya magugustuhan? Hahayaan ko nalang siya masaktan, gan'on ba?"
Yumuko naman siya. "Sana 'yang mga sinasabi mo, nasasabi mo din sa sarili mo," usal niya na ikinatigil ko.
"Magkaiba kami."
"Ano ang pinagkaiba niyo?" usal niya at tumingin muli sa akin.
"Siya umaasa sa taong may nobyo na, ako umaasa lang sa kanya."
"Nasaan ang pinagkaiba n'on, Belle?" nawawalan ng pag-asa na tanong niya.
"Walang girlfriend si Gio. Oo maliit na t'yansa pero hindi ko pwedeng mapalampas."
Umiling nalang siya ng umiling. Malamang hindi na naman niya naintindihan ang pinupunto ko. Nang matapos akong kumain ay naligo na din ako para makapagpalit ng damit. Malakas pa rin ang ulan, kaya nanatili lang kami maghapon sa kanya-kanya naming kwarto.
Maghapon lang kami nanuod ng T.V ni Maye. Pinapunta din ni Maye si Rachel sa kwarto namin. Sama-sama kami nanuod ng movie sa kwarto hanggang sa makatulugan nalang namin 'to.
Nauna akong nagising sa dalawang kasama ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na hindi na umuulan. Napatingin ako sa pinto ng may mahinang katok d'on.
"Sino 'yan?" tanong ko habang papalapit sa pinto.
"Si Jeff 'to. Nand'yan ba si Rachel?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Roman d'amourSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...